Tahimik siya habang lulan ng Van. Nagtataka si Ricky dahil ngayon lang niya napansin ang dalaga na tahimik. Inisip nalang niya na baka pagod ito at nagfocus na Lang sya sa pagmamaneho.
Hindi namalayan ni Marie na papasok na pala sila sa DY poultry Farm I, hindi siya mapakali and natatakot siya baka yung sinasabi ni Mang Kanor na sir, ay siya din yung taong sinugod niya kanina. Hinanda ni Marie ang sarili.
Tanaw na niya ang administration building ng farm. Bumusina si Ricky para pagbuksan ito ng gate, hindi mawari ni Marie ang nararamdaman nang papalapit na sila sa lugar at habang nakikita niya si Mang Kanor naghihintay sa harap ng Admin Building.Nang makaparking na si Ricky agad na bumaba ng passenger seat si Marie at pinuntahan si Mang Kanor.
"Tay Good afternoon po." Bati niya sa matanda.
"O iha, bakit putlang putla Ka, okay ka lng ba, may masakit ba sayo?" Nagaalalang saad ng matanda.
"Ah okay lng po ako tay, medyo masakit lng po ang ulo ko, pero mawawala din ito, may dala naman din po akong gamot dito." She replied
"Nako iha, baka dahil naulanan ka kanina, magpahinga ka nalang muna at baka magkasakit ka, baka pupunta din ako mamaya para tutulong sa loading." -mang Kanor
"Naku po tay, okay lng po ako, huwag po kayong mag-alala, marami naman po akong tauhan doon. Magpahinga nalang po kayo, may mga doctor naman po mamaya na tutulong din" Pabirong sabi niya sa matanda.
"Hay nako bata ka, o siya sige, iiwan ko na kayo at aasikasuhin ko pa yung amo natin. Ricky ilagay mo na sa likuran ang mga pagkain siguraduhin mo nakasarado lahat para di matapon, Renz tulungan mo ang kapatid mo, Yung letchon huwag nyong kalimutan." Utos ni Mang Kanor.
Tumalima naman agad ang dalawang binata at pinagsalansan ang mga malalaking Tupperware sa likod ng Van.
"Mang Kanor ano po ba ang okasyon at ang dami niyo naman pong handa? Birthday nyo po ba?" Usisa nya sa matanda habang inakbayan niya ito.
"Naku iha next year pa birthday ko, si Sir Dalton kasi nagpapahanda dahil naaprubahan ng San Juan Foods Corporation ang inassume niya na isa na namang poultry farm kaya mamaya dadalo ang mga tauhan sa kabilang farm. Pina invite nya rin pati mga kawani ng barrangay." Kwento ng matanda.
"Galante pala si Sir Dalton tay, mabuti nalang at nagkaroon tayo ng among mabait! Pakisabi nalang po salamat." Saad ni Marie. "May anak po ba yang si Sir Tay pakilala mo naman ako oh." Pabirong dugtong ni Marie sabay kindat, Ito na Rin ang paraan niya para maconfirm if parehong tao ang nasa isip nya. Kinakabahan man pero pilit niyang nilalabanan Ito.
"Anong may anak, hinaan mo nga yang boses mo bata ka, baka marinig ka pa nun, kilala mo na yun". Mang Kanor smirk. "Siya yung nagmamaneho ng jeep kanina, di mo ba natatandaan ha bata ka, hinampas mo pa nga ng payong yung tao" natatawang saad ni Mang Kanor.
"Patay!" Natuod si Marie sa kanyang kinatatayuan.
"Anong patay Marie? Okay ka lang ba bakit parang nanginginig ka dyan? Marie, Kaya mo ba talaga magtrabaho ng magdamag?" Sunod sunod na tanong ng matanda.
"Ah kasi po! Ah patay po pala relos ko, wala na po atang baterya. Ricky ano ba matagal pa ba yan, marami pa tayong gagawin sa farm bilisan nyo na. Tay mauna na po kami, huwag po kayong mag-alala okay lang po ako. Huwag po kayong bumisita dun sa manukan Este sabihan nyo po pala ako if pupunta man kayo doon para makapaghanda naman po kami." Nagmamadaling paalam ni Marie habang tinungo ang passenger seat ng Van.
Natatawang napailing nalang si Mang Kanor sa tinuran ng dalaga.
Nang makarating sila sa farm ibinilin niya kay Ricky na ipahanda ang pagkain sa mess hall at tawagin ang mga tauhan na nasa mga houses para makakain na. Inihabilin din niya na pagkatapos nilang kumain ay magsibalik na sila sa kanilang stations dahil kailangan nilang mag double time kasi darating na ang mga sisiw mamayang gabi.
BINABASA MO ANG
One Great Love
Romance"We fall in and out of love but how will we know that he/she is the one? Does destiny really exist? Paano ba magmahal kung pilit kayong pinaghihiwalay ng pagkakataon at nang mga taong nakapaligid sa inyo. Kailangan mo pa bang aasa o kailangan mo na...