Episode 14

135 11 8
                                    

4 AM palang ay gising na si Marie, naligo muna ito at nagbihis na ng uniform nila. Pagkatapos ay nagpunta na ito sa mess hall para magkape.

"Ang aga mo Marie ah!" Bungad ni Mila sa kanya.

"Good morning po Ate, kailangan po eh, marami pa akong kailangan tapusin. Magbabakasyon po kasi akong isang linggo by the way Ate huwag niyo palang kalimutan ang listahan ng bibilhing consumo pupunta ako mamaya sa bayan para mamili." Sagot nito kay Mila.

"Okay daanan mo dito mamaya, pero mainam at naisipan mong magbakasyon. Puro ka na lang kasi trabaho eh. Uuwi ka ba sa inyo?" Tanong ng ginang habang inaabot kay Marie ang ginawang almusal nito.

" Opo Bibisitahin ko po muna ang mga magulang ko, simula kasi nung napunta ako dito, wala na po akong alam sa nangyari sa kanila." Malungkot na saad ni Marie kinuha nito ang inabot ni Mila at pumwesto na para kumain.

"Kayo po ate, sabayan niyo na po ako." Pangiimbita ni Marie.

"Eto na, makakain na nga rin, at mamaya nito mabubusy na naman ako." Sumabay na ito sa pagkain nang matapos ay dumiretso na si Marie sa disinfection area. Nakasalubong ni Marie ang guard na nagrorobing.

"Good morning po kuya Noel!" Bati nito sa guwardiya.

"Oi ma'am ang aga niyong dalawa ni Sir Bryan ah." Panunukso ng guwardiya.

"Kuya Noel ha! Issue agad? Eh magbabakasyon po kasi ako simula bukas, kaya kailangang maaga today. Sige po at para madami po akong matapos." Natatawang saad ni Marie, sanay na siyang tuksuhin ng mga ito. Umiiling-iling nalang itong nagtungo sa garage at minaneho na ang pick-up truck na may lamang plastic egg crates at nesting pads. Nang makarating siya sa house 1 ay sinalubong siya ng watcher.

"Ma'am may dala po ba kayong additional na nesting pad." Bungad nito, bagong hire ito kaya hindi pa kabisado ni Marie ang kanyang pangalan.

"Ano nga pala pangalan mo Dong?" Nakangiting tanong nito.

"Dodong po ma'am." Nahihiyang sagot nito.

"Tumpak pala ako. Yes naman Dong. Sige na simulan na nating ipasok ito sa storage room." Nagbitbit na rin siya ng isang crate ng egg tray.

"Naku ma'am ako na po niyan, kokonti lang naman po ang mga ito. Kaya ko na po ito." Bulalas ni Dodong at nagmamadaling binuksan ang likod ng pick-up.

"Hay dodong okay lang, magaan naman ang mga ito, at para madali nating matapos maghakot." Saad naman ni Marie.

Isa-isa nilang hinakot ang laman ng pick- up at ng matapos ay inayos na ang mga ito.

"O Dodong, magbabakasyon ako simula bukas, hindi ibig sabihin nun na hindi ko kayo ichecheck. Huwag niyong pabayaan ang dalawang doctor okay." Pag-papaalala ni Marie sa watchers habang nililista ang lahat na naipasok sa store room.

"Opo ma'am, huwag po kayong mag-alala. Eh hindi ka pala namin makikita ng matagal. Pero enjoy maam.'" Saad nito na nahihiya pa.

"Bakit mamimiss nyo ba ang kadaldalan ko." Sabay na silang nagtawanan. Naabutan sila ni Bryan na nagtatawanan.

"Aba-aba ang ganda naman talaga ng umaga, lalo na at nakita kitang masaya." Bungad nito sa dalawa habang nakatayo sa pintuan ng store room.

"Good morning Doc!" Nakangiting bati ni Dodong.

"Ang agang pambobola naman niyan buti nalang nag-almusal na ako." Natatawang saad ni Marie.

"Opps walang halong pambobola yun, ikaw lang ang ayaw na maniwalang maganda ka, diba  Dodong?" Lumapit ito sa dalawa at umakbay kay Dodong, tumatango naman ang huli bilang pagsang-ayon sa sinabi ng Doctor.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon