Episode 6

149 16 8
                                    

Peep!! Peep!! Peeeeeep! Sunod-sunod na busina ang ginawa ni Renz. "Sir nag-rounds po ata yung security guard kaya walang nagbubukas ."Saad ni Renz.

"Dito ka na muna iho at ako na ang magbubukas ng gate." Habang binubuksan ni Mang Kanor ang pinto ng sasakyan para bumaba.

"Bababa na rin po ako, lakarin ko nalang po papuntang Admin building malamig naman po yung panahon." Sumunod na si Dalton na sa matanda.

Pumunta siya sa gate na daanan ng mga tao na nasa guard house mismo for disinfection at pagkatapos ay naglakad na papuntang Main Building while Mang Kanor opened the vehicles entrance and sprayed disinfectant on the whole vehicle. Mula as guard house ay tanaw ni Dalton ang admin building ng farm. This has been his first time stepping into Farm II since he bought the property. Mang Kanor is just sending him photos of all the updates of the said farm.

Kahit madilim naaimagine niya ang kabuuang landscape ng property hindi hamak na mas maganda ito and malawak compared sa other farms niya, dalawang poultry house lang ang meron dito and the rest of the land has been cultivated for crops, for farm consumption. When he reached the office he went inside and scrutinised the place. It's not that big but it's organised, a receiving area upon entering the office, two office tables na mag kaharap, two glass enclosed offices one has been occupied by the veterinarian and the other one looks to be his office as per what has been written on the signage. The last room is the file room, glass din eto kaya kita niya from his view ang malinis na pagkasalansan ng file folders. He sat down while looking at the computer monitor in front of him. The office feels cozy and relaxing dahil na rin sa nakalagay na potted plants on top of the file cabinets and on all the tables. Napukaw ang pagmumuni-muni ni Dalton nang pumasok si Mang Kanor.

"Oh iho akala ko pumasok ka na?"

"Hinihintay po kita Mang Kanor, hindi ko pa kasi kabisado ang area ng farm na ito." Ganting sagot nito.

"Pagpasensyahan mo na iho, nakalimutan ko na first time mo pala dito, o ano ready ka na ba? Tara na sa locker room," natatawang saad ng matanda and headed thier way to the locker room to change their clothing and sanitize as well. While on their way Mang Kanor also acquaint and touring him with all the rooms within the admin building.

"Mang Kanor ang laki pala ng space dito sa loob and may second floor pa. It's looks small when you look at it outside." Manghang mangha ang binata.

"Ay oo iho, dati kasi itong pagawaan ng rattan furniture nakikita mo ba yung sofa sa office natin that was one of their product, kahit na yung gamit sa rest house mo dito it all came from here and you'll see it later."

"Half of this area has been used by the labors as their recreational area, dito sila madalas magtatambay when they don't have work. Doon sa may kabilang dulo naman sa may left side is the kitchen and dining hall, while yung opposite na area ay ang mini grocery ng farm." Pagpapaliwanag ng matanda.

"Oh that's good to hear po na may mini grocery sila dito." Tuwang saad ni Dalton.

"Yes Iho, it's been organized by Marie, para din daw makatulong sa ibang stay out na mga tauhan natin since yung mga stay-in naman ay libre lahat, mahirap din kasi if sa labas sila mangungutang tatagain sila ng presyo, at least dito hindi niya pinapatungan ang presyo. Yun ngang mga hindi nakapasa sa standard size na mga itlog hindi niya pinapabenta, pinapaghahatian na lang niya sa lahat ng tauhan dito, which is naadopt na rin ng Farm I." Pagmamalaking saad ng matanda. "Oh but you should see the progress outside, nakalimutan ko palang isend sa'yo since nabusy ako for the preparation and it's all because of Marie." Dagdag na saad ni Mang Kanor!

"Sa taas naman ay ang mga quarters ng mga stay in workers natin pero pinagawan ko din ng isang kwarto para kay Marie though hindi siya stay in but then, most of the time dito lang yan siya namamalagi." Dagdag na explanation ni Mang Kanor habang tinuturo ang taas na bahagi.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon