Buong maghapon hindi nakita ni Marie si Dalton, ni hindi man lang niya naramdaman na lumabas ito ng kwarto niya. Tinatawagan niya ito para magpaalam na mag-leleave siya for three days pero hindi man lang siya sinasagot nito. Nagsend na rin siya ng message pero seen lang din ito. Kinuha ni Marie ang kanyang phone at tinawagan si Mang Kanor.
"Tay Kanor, good afternoon po." Pambungad ni Marie.
"Oh inday, kamusta na? Napatawag ka may problema ba dyan?" Nag- aalalang tanong ng matanda.
"Huwag po kayong mag-alala Tay, okay lang po ako. Kayo po tay, kamusta na, si Nanay Omeng bumalik na po ba ng Cagayan?" Sunod sunod na tanong ni Claire, naging madalas ang pag-uusap ng mag-asawa at minsan ay binibista siya ng mga ito kasama ang kanyang ate Claire simula nung nangyari ang insidente sa mall.
"Okay lang kami dito iha, ang Inay mo Naman ay bumalik na ng Cagayan kasama si sir Dalton at may darating daw na bisita galing Maynila." Sagot ni Mang Kanor.
"Ah okay! kaya ho pala, hindi ako sinasagot. Hindi na bale Tay sa inyo nalang po ako magpapaalam, mag-leleave po sana ako ng isang linggo, family matter lang po Tay at isa pa hindi naman po masyadong busy na dito, naipasa ko na din po lahat ng report."pagpapaalam niya sa matanda.
"Yan lang ba iha, okay sige ako na ang bahala sa amo natin, dapat nga dati mo pa ginawa yan, para makapag-pahinga ka naman. Huwag kang mag-alala sa trabaho diyan meron naman tayong secretarya dito, siya nalang muna ang pag gagawin ko ng report." Saad ng matanda sa kabilang linya.
"Nako po itay okay lang naman po yun, hindi ko lang kasi naiwan dahil kakaloading lang noon. Pero huwag po kayong mag-alala Tay nainform ko na po sina Doc Bryan and Jeffrey. Salamat po talaga Tay." Sagot naman ni Marie.
Hindi namalayan ni Marie na nasa opisina na din pala sina Bryan at Jeffrey, dahil nakaharap ito sa file cabinets at isinalansan ang mga file folder na kanina ay nakalatag sa office table niya. Nang maibaba na ni Marie ang telepono nagulat ito nang biglang lumapit ang dalawa sa table niya. Si Jeffrey ay naupo sa harap na nakapangalumbaba sa lamesa niya. Samantalang si Bryan ay naupo sa ibabaw ng file cabinet.
"At saan naman ang punta mo ha Inday, ano sinagot ka na ba ni Dr. Alex at magdedate kayo?" Tanong ni Jeffrey at tinitingnan siyang na parang nanunukso.
"Bakit naman kasi maghahanap ka pa eh nandito naman ako. Hindi ka naman din dehado kapag ka ako ang pinili mo. Alam mo naman na noon pa lang malakas ka sa akin." Singit ni Bryan sa dalaga.
"Pare ang lakas ng tama mo ah! Pati ba naman si Marie! Hoy umayos ka diyan ang dami mo nang pinaiyak na babae. Gusto mo pa idagdag si Marie sa listahan mong yan." Pabirong saad ni Bryan.
"Pare naman! Syempre good boy na ako kapag naging kami ni Marie!" Sabay tapik ng kanyang dibdib.
"Hoy kayong dalawa magsitigil na nga kayo! Kahit kelan talaga puro kayo kalokohan. Maghanap na nga kayong mapapangasawa at nang tigilan niyo na ako sa pang-aalaska nyo na yan" Natatawang saad ni Marie.
"Titigil lang ako Marie if sasagutin mo na ako." Walang paligoy ligoy na saad ng binata.
"Nako ikaw ang tumigil diyan at baka maibato ko pa sa iyo ito." Habang hawak ang isang paper weight.
"See Bro! Fierce!" Sabay sabay silang nagtawanan. Pagkatapos ay nagpaalam na si Jeffrey at may date pa daw ito. Samantalang nagpa-iwan pa si Bryan at may tatapusin pa ito bago umuwi.
"Oi by the way Marie, don't forget we'll have to go to city proper para makahanap ng damit na susuutin mo." Said Bryan.
"Is it really that formal at kailangan pa talagang magbihis ng maayos, just a reminder Bryan ha, alam mo namang wala akong pera para diyan dahil may pinag-iipunan ako kaya as much as possible ayokong gumastos. At isa pa madami din naman akong damit ah." Paalala ng dalaga sa binata.
BINABASA MO ANG
One Great Love
Romansa"We fall in and out of love but how will we know that he/she is the one? Does destiny really exist? Paano ba magmahal kung pilit kayong pinaghihiwalay ng pagkakataon at nang mga taong nakapaligid sa inyo. Kailangan mo pa bang aasa o kailangan mo na...