Episode 15

168 15 6
                                    

"Are you sure you're okay?" Nag-aalalang tanong ni Dalton.

"Yes po okay lang po ako. Huwag po kayong mag-alala." Nang biglang tumunog ang telepono ng dalaga. Kinuha niya ito sa kanyang belt bag at sinagot ito.

"Bry, napatawag ka?... Ah okay.. Nakaalis na kami.. sige sige.. mamaya nalang pagkadating ko... Ah okay sige idaan mo nalang sa bahay pagkauwi mo mamaya... Thank you... See you tomorrow..
" May sasabihin pa sa Marie ng biglang nagpreno si Dalton, buti nalang at nakapagseat belt ito.

" Bushak! Phone ko asan na? Ano ba yan sir, bigla-bigla ka namang nagpepreno, gagawin mo ba akong baka nito? Balak mo atang kumpletuhin ang sungay ko." Tinangal niya ang seat belt at kinapa ang phone na nahulog sa harapan ng inuupuan nito. Nang nakuha niya ito ay umayos na siya sa pagkakaupo hinarap niya ang amo, na kanina pa pala nakatingin sa kanya. She meet his gaze and see anger in his eyes. Kanina lang nag-aalala ito, ngayon naman ay mukhang galit.

"Are you done talking or would you like me to turn and take you back to the farm para magkausap kayo! I think your not yet finish with whatsoever business you have!" Pinihit niya ang manebela para sana mag U-turn nang hinawakan ni Marie ang braso niya.

"Sir may problema ba sa pagsagot ng tawag? Bakit po kayo nagagalit? Sir kalma lang okay! Ang puso niyo ikaw din madali kang tatanda niyan! One more important thing po hindi magandang magalit kapag nagmamaneho madidisgrasya po tayo niyan." Tinapik nito ang braso ng binata para pakalmahin nabigla si Marie nang iwinaksi nito ang kamay niyang nakapatong sa braso nito.

"Sir malinis po kamay ko, wala pong germs ito. Lifebuoy po gamit ko" Iwinasiwas niya ang dalawang palad dito para ipakita na malinis ito. Medyo nairita na rin si Marie sa inakto ng amo nito konti nalang talaga at papatulan na niya ito. Hindi pa rin umimik si Dalton while he's looking at her intently.

"Sir, nakakatakot na kayo ha! Parang isang salita ko nalang at bubuga na kayo ng apoy, gusto niyo po tubig, pulang-pula na po kayo oh." akmang bubuksan na ni Marie ang bote ng tubig nang hinawakan ni Dalton ang kamay nito.

Huminga si Dalton ng malalim para pakalmahin ang sarili, he shouldn't be angry because she haven't done anything wrong, she just answer that damn call.

"I'm so sorry Marie, I didn't mean to be rude. I'm just so stressed from the works lately." Mahinahon na nitong paumanhin kay Marie pinisil nito ang kamay ng dalaga.

"Okay lang sir, i do understand! Pero sir huwag muna ulitin yung pagpreno ng pabigla ha, kasi po may mapipitpit at baka mapagkamalan po akong tabla." Natatawang sambit nito, sabay tingin sa harapang bahagi nito.

Napatingin ang binata sa dalaga at nang mawari nito ang tinutukoy ng dalaga ay bigla itong kinabahan, feeling niya ay nag-iinit ang dalawang tenga nito, something has been awaken and he have to stop it. Hindi niya inaasahan na birong iyon ng dalaga ay malaki ang naging epekto sa kanya. Bigla niyang pinaarangkada ang sasakyan nabigla si Marie buti nalang at nakahawak ito sa hawakan malapit sa may pintuan.

"Santisima de corazon de baleleng!" Napasigaw ang dalaga.

"Sir naman kasasabi ko nga lang na relax eh ayan ka na naman" sabay nitong ikinabit ang seatbelt at tumahimik na lang.

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Dalton, he have to concentrate or else he'll be out of control. Napansin niyang tumahimik ang dalaga nang lingunin niya ito ay mahimbing na itong natutulog.

"I'm so sorry Marie but I don't want to hurt you so ngayon pa lang I have to stop myself from liking you. Oh god how I wish I could just be a normal person." Mahinang ngunit malungkot na sambit ni Dalton, sumulyap ito sa dalaga, at hindi niya napigilan na hawakan ang kamay nito, it felt warm and welcoming.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon