Episode 9

153 12 5
                                    

Simula nung araw na iyon naging malapit na ang dalawa sa isa't isa, madali din kasing makagaanan ng loob ang dalaga, mabait at maaasahan din sa lahat ng bagay na kahit sa ibang farm ay puring puri din ang dalaga. Bumalik na sa Farm I si Dalton nang masiguro niyang okay na si Marie at naging abala na ito sa pag-aasikaso ng newly acquired na farm. Si Marie naman ay naging abala din sa inihabilin sa kanya ni Dalton at yun ang ang pag- aasikaso neto ng mga dokumento para I submit for final listing ng mga empleyado para makumpleto na ito pa mapasa na sa banko bago ang cut-off.
At sa kasalukuyan ay papuntang bayan si Marie para magtungo sa BPI and para na rin mag purchase ng stocks nila sa farm. Nagsama lang ito ng isang tauhan nila sa farm para tumulong sa kanya if  may bibitbitin man or if magmaneho since ayaw din niyang magmaneho papuntang bayan. Habang nasa daan napapansin niya ang kotseng na kanina pa nakabuntot sa sasakyan nila but she just ignored it since nawala naman na ito pagkadating ng bayan. She first went to the bank and submit the documents as well as the cheque, pinark niya ang sasakyan sa basement ng Gaisano Mall para hindi na siya nahirapan maghanap ng parking, binigay niya ang listahan sa kasama niya at pinauna na niya ito para mamili, samantalang siya ay naglakad na papuntang banko. From her peripheral view may napansin siyang nakahoodi and mask na sumusunod sa kanya. Bigla siyang kinabahan at binilisan ang lakad niya. Hinapit at hinigpitan ng hawak ang bag na dala since nandun ang lahat ng document at pera ng Farm. Naririnig niyang tumutunog ang kanyang telepono pero hindi niya ito masagot. Lakad takbo ang ginawa niya hanggang makarating siya sa Banko. Nakahinga lang ito ng maluwag nang nasa loob na ito. Kumuha siya ng token at naghintay.

Samantalang sa Farm I.

"Marie, where are you why your not answering my calls." Nag-aalalang sambit ng binata sampung beses na niya itong tinatawagan pero hindi nasagot ang dalaga.

"Mang Kanor can you help me get hold of Marie, please call Farm to and check." Pakiusap niya sa matanda.

"Okay iho, Baka busy lang po iyon or hindi kaya naiwan niya yung telepono sa kwarto niya." Pagpapakalma nito sa binata na bothered na sa hindi pagsagot ni Marie. Nag dial ito ng numero sa landline.

"Yes, hello! Iho nandiyan ba si Marie sa opisina?" Tanong nito.

"Hindi eh, Ilang beses na tinatawagan si Sir Dalton. Ah okay sige salamat pakisabi nalang na tumawag siya if nakauwi na sila." - Mang Kanor.

"Dalton sabi ni Romie, na nagpunta daw ng bayan, nagpasa daw ng document sa banko, sinabay na rin nilang bumili ng kinakailangan ng farm at ng tindahan."
pagpapaliwanag ng matanda.

"What!?" Napatayo sa kinauupuan niya si Dalton na parang naalarma.

"How many times I informed her na if tapos na lahat ang pinagawa ko sasamahan ko siyang magpunta ng banko. What's wrong with her? She didn't inform us na lalabas siya, at least she should've let us know." Nag-aalalang saad ng binata

"Baka ayaw lang niyang makaistorbo since alam naman na niya na, busy tayo." Pagpapakalma ng matanda sa balisang si Dalton.

"Mang Kanor, you didn't get my point. What if something happened with her, what if this Step father of hers ay mangungulo na naman. Have you forgotten the reason why we changed her phone?" Pagpapatuloy ni Dalton.

Biglang naalarma ang matanda nawala sa isipan niya ang tungkol doon. He took his phone and he dialled Marie's number but she didn't pick-up.  Nagmamadaling kinuha ni Dalton and susi ng Jeep at sprinted his way to the garage, sinundan siya ni Mang Kanor.

"Iho dahan dahan sa pagmamaneho alalahanin mong madulas ang daan ngayon." Paalala ng matanda.

"Tawagan mo ako kapag nakita mo na siya." Nagaalalang saad ng matanda.

Habang nasa daan, hindi mawari ni Dalton ang nararamdaman. Gusto niyang makarating agad sa bayan, kinakabahan siya at nag-aalala siya sa dalaga. Ang daming pumapasok sa isipan niya what if may mangyaring masama sa kanya. What if kinidnap siya ng amain niya. What if naasidente sila sa daan.Kulang na lang paliparin
niya ang kanyang sasakyan sa pagmamadali, buti na lang at walang gaanong sasakyan ngayon.
He dialled Marie's number again,

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon