Episode 16

201 9 3
                                    

"Good morning Ma'am Amelia." Bati ni Marie sa nagkakapeng ginang habang bitbit ang tray ng pagkain.

"Good morning iha. You're up so early today, it's just 6 AM." Sabay tingin sa orasan nito.

"Ah yes po, nasanay na po kasi akong gumising ng maaga ma'am." Nahihiyang sagot nito, inilapag niya ang pagkain sa mesa.

"O iha akala ko naka-alis ka na?"
Tanong ni Omeng habang iniarrange ang Plato at kubyertos sa hapag kainan.

"Omeng, magtatampo na talaga ako sa'yo, bakit isa lang ang dala mong plate go and get 2 more plates. I don't want to eat alone, you both have to eat with me." Said Mrs. Amelia.

"Ma'am kayo nalang po, kailangan ko po kasing umalis ng maaga, mag paprocess pa po kasi ako ng papers." Pagdadahilan ni Marie.

"Iha, I won't take no for an answer, eat first before you go!" Pagpipilit ng ginang, wala nang nagawa pa ang dalaga kundi pumuntang kusina at kumuha ng dalawang pang plato for her and Omeng. Ipinagtimpla na din siya ng kape ng matanda.

"Ma'am si Sir Dalton po pala?" Tanong ni Omeng sa ginang.

"No it's fine, I've been trying to wake him up to have breakfast with me, pero he's still sleeping." Saad ng ginang at nagpatuloy na ito sa pagkain.

"Are you leaving iha, to where? Sorry For being nosy." Baling na tanong ng ginang sa dalaga na interesadong naghihintay sa isasagot niya.

"If papalarin po ma'am, sa Dubai po." Nahihiyang sagot nito.

"Why? I mean, don't get me wrong iha but you don't like working here anymore?" Nalulungkot na tanong ni Ms. Amelia.

"Nako po ma'am hindi po." Nahihiyang sagot nito. Sabay higop ng kape niya.

"Ayun naman pala eh, if you don't like working here, why not try searching locally marami namang available work dito. You may not get the same compensation compared to you working abroad but at least malapit ka lang sa family mo." suggested Mrs. Amelia, napansin ng ginang na biglang lumungkot ang mga mata ng dalaga.

"Okay lang po ma'am, at least doon eh dirhams po ang kikitain, samantalang dito po yung sahod ko ay sapat lang ni wala po akong naiipon." Malungkot man pero pinilit niyang ngumiti, kahit alam niya sa sarili na wala siyang choice.

Magsasalita pa sana si Ms. Amelia, pero tumunog ang telepono ni Marie.

"Sorry po ma'am, sasagutin ko po muna ito." Sabay turo sa phone nito, tumagilid ito bago sinagot ang tawag sa mahinang boses.

"Kuya Alex!.. nandiyan ka na po ba? okay po lalabas na po. Magpapaalam na muna ako.nsigr kitakits in a few seconds." Saad nito sa kausap at ibinaba na ang telepono.

"Ma'am sorry po, I'll go ahead na po. Hinihintay na po ako ng kuya ko sa labas." Pagpapaumhin nito sa ginang.

"It's okay iha! Ingat kayo okay! And think about what I've told you." Sabay ngiti ni Ms. Amelia.

"Sige po ma'am, salamat po sa payo! See you next time po ma'am." Tumayo na si Marie at binitbit ang pinag-kainan sa kusina. Hinugasan niya na muna ito bago siya lumabas. Dumiretso ito sa opisina kung saan naghihintay si Alex.

"Kuya!" Patakbo niyang nilapitan ang binata at agad na niyakap.

"Oi! Oi! Marie dahan dahan" sinalo nito ang dalaga sabay yakap na din.

"Ikaw kasi eh kung hindi kita tatawagan eh hindi ka rin magpaparamdam." Nagmamaktol na saad ng dalaga.

"Eh alam mo naman, life gets a little bit busy lately, but I wouldn't dare forget you. Heto na nga ako oh." Sabay kalas ng yakap, pinisil ng binata ang ilong ng dalaga sabay beso sa dalaga.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon