Episode 8

111 14 4
                                    

Pagkatapos ng pag-uusap nina Dalton at Claire, napagkasunduan nilang huwag ipaalam kay Marie ang tungkol dito. Dalton has to pretend that he doesn't know anything about the struggles of Marie. Mang Kanor also agreed to keep everything between the three of them para rin sa ikabubuti ng dalaga. Para mapanatag ang kalooban ni Claire, nagpasya si Dalton na palitan ang numero ni Marie which is sinang-ayunan naman ni Claire.

Dumiretso sina Mang Kanor at Dalton sa bayan, para maghanap ng gagawa ng ID, bumili na rin ito ng mobile and SIM card para kay Marie. Madilim na nang makabalik sila sa farm II at minabuti na nilang magpalipas ng gabi doon. Pagkadating nila ng farm pinatawag ni Dalton ang lahat ng staff sa recreation area. Nandun na rin si Marie na halatang kagigising lang. Naririnig niyang nagbubulangan ang mga ito marahil ay nagtataka sila kung bakit sila pinatawag.

"Una sa lahat, Magandang Gabi, nandito na ba lahat?" Pangunang bati ni Dalton.

"Nandito na po."sabay sabay na sagot ng mga ito.

"Okay that's good! Thank you all for coming, malamang nagtataka kayo kung bakit ko kayo pinatawag ngayong gabi." Lumakas ang bulong-bulungan ng mga tauhan.

"This has nothing to do with your performance at work so huwag kayong mag-alala." Assured Dalton since nakikita niya ang pag-aalala sa mga mukha ng mga ito.

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag ang binata sa mga gusto niyang ipatupad sa DY corp. Una na nito ang pagkakaroon ng ATM ng lahat ng manggagawa. Pagbibigay ng bonus aside sa 13th month pay kapag ka maging employee of the month sila 3 times in a row, nagpalakpakan at naghiyawan ang mga ito sa tuwa. Pero ipinaalam din niya na magiging mahigpit ang pagpapasok ng bisita sa farm not unless may patnugot ng mga namamahala. Nang matapos ang pagtitipon kanya kanya nang nagsi-akyatan ang mga tauhan sa papunta sa kanilang quarters.

"Marie, I need to talk to you in my office now!" Tawag ni Dalton sa papanhik na sanang dalaga.

Kinabahan si Marie, batid niyang may nagawa siyang ikinagalit nito kaya siya pinatawag. Naglalamig ang kamay niya sa kaba, sumunod na siya sa amo niya, ayaw niyang mawalan ng trabaho ngayon. Hindi pa sapat ang naipon niya para gagastusin niya papuntang abroad. Tahimik silang pumasok ng opisina, naabutan nila si Mang Kanor na nakaupo sa isa sa mga staff office desk at may kausap sa telepono, tumango lamang ito sa kanila at dumiretso na sila sa manager's office. Naupo na si Dalton, samantalang siya ay nakatayo lang at kinakabahan.
Nakajacket naman siya ng makapal, pero pakiramdam niya nanunoot ang lamig sa kanyang kalamnan. Si Dalton ay nakikiramdam lang din, hindi niya alam paano kakausapin si Marie without misinterpreting his action.

Hindi na nakatiis si Marie, lumapit siya kay Dalton at napaluhod na nagsusumamo ito sa amo niya.

"Sir patawarin niyo na po ako, huwag niyo po akong tanggalin. Parang awa niyo na po. Alam ko pong malaki po ang kasalanan ko po sa inyo." Garagal na boses nito na halatang pinipigilan niyang maluha.

Napatayo si Dalton sa pagkakaupo.

"Marie what are you doing, please stand, baka anong isipin ni Mang Kanor." Dalton

"Sir sorry na po talaga kahit bigyan niyo lang po ako ng isang taon. Isang taon lang talaga sir." Nakaluhod pa rin si Marie habang pinagdaop ang palad nito.

"Wait Marie, what are you talking about, I'm not gonna terminate you. Who gave you this idea." Napatawang saad ni Dalton.

"Sir! Totoo po! Promise sir hindi niyo ako tatanggalin? Peksman!" Sabay tayo,  nilapitan niya ang kanyang amo at inabot ang kamay para mag pinky swear.

Napaatras si Dalton sa pagkabigla, hindi niya inaasahan na ganun ang maging reaction ng dalaga. He laugh at how she shifted  from a crying  woman to a child like character which he found cute.

One Great LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon