PROLOGUE

120 2 0
                                    

PROLOGUE

BOOOOOOOGSH

"Gago ka! Kung hindi ka lumandi sa babeng yun buhay pa sana sya hanggang ngayon! Kompleto pa sana tayo. Tangina, tinulungan ko pa sya dun sa mga tauhan ni Tito" sinuntok sa kaliwang pisngi ni Ryu si Floyd. Galit na galit ang pinaka tahimik sa grupo

Galit ang nangingibaw sa bawat isa. Lahat ng sisi kay Floyd.

Marahas na hinigit naman ni Eydi ang braso ni floyd hinawakan sa balikat saka tinuhod. Napaungol sa sakit ang binata at napaluhod sa sahig. Wala syang magawa kahit magpaliwanag sya hindi din sya pakikinggan at paniniwalaan.

Namimilipit sya sa sakit. Napahiga na sya. Kanina pa sya tumatanggap ng mga suntok sipa, sigaw at mura mula sa mga kaibigan.

Katahimikan

Lumapit si Iceler.

"tayo!" Tinayo sya ni Iceler at kwinelyuhan " di ba ikaw ang matalik na kaibigan nya? Mas close pa kayo kesa sa amin? Bakit? BAKIT? *Booogsh* KASALANAN MO ANG NANGYARI SA KANYA! KASALANAN MO!!!!" sigaw nya at tinulak si floyd. Napaupo na naman si floyd sa sahig. Nakayuko ang ulo. Putok ang labi. May pasa at galos sa mukha.

"OO! KASALANAN KO NA! SIGE BUGBUGIN NYO PA AKO!!!" biglang tumulo ang luhang kanina pa nya pinipigilan. "kasalanan ko na. Pinagsisihan ko to.kahit bugbugin nyo pa ako hindi na sya babalik. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang nangyari sa kanya. Best friend ko yun eh. Ehehe. Kahit weirdo, makulit at maingay yun mahal ko yun eh. Lahat ng tungkol sa akin mga pangarap ko alam nya. Mga pangarap natin gusto nyang tuparin yun. Mahal na mahal nya tayo. Naging mabuti syang kaibigan sa atin. Pinagsisihan ko ang lahat. Kung....."

"gusto mo din ba ang babaeng gusto ni Jace? Siguro hindi mo sinagot yung tawag ni jace para makipagladian ka sa kanya. Ganyan ka pala Floyd? Mang aagaw? Gagawin ang lahat? Kahit nasa peligro na ang kaibigan? Isantabi mo ang pagkakaibigan para lumandi? "

"hindi! Hindi totoo yan! Hindi ako lumandi. Nirerespesto ko Jace. At saka ...... AKO ANG UNANG NAKAKITA SA KANYA! Sya yung babaeng una kong nakita sa HU. Noong araw na naghanap ng first love si Jace. Yun ung araw na nakita ko sya. Pareho kami ni Jace na nainlove sa parehong babae sa parehong araw. Pero pinaubaya ko na lang sa kanya kasi nakita ko syang masaya" paliwanag ni Jace. Hindi umimik ang kanyang mga kaibigan. Patuloy pa rin ang kanyang pag-iyak

"Noong araw ng aksidente nasa loob ng kwarto ko ang celphone. Hindi ko alam kung bakit hindi ko yun dinala. Yung araw din yun tinulungan ko sya sa mga tauhan ng tito mo ryu na humahabol sa kanya. Tinago ko sya sa kwarto ko para hindi sya makita. At ako ang lumabas para kumausap sa mga tauhan ng tito po." Humarap si floyd kay ryu. Nakakunot ang kilay ni ryu ganun din ang iba. Tinitimbang nila kung nagsasabi ba ng totoo si floyd

" yun ang katotohanan. Sana naman maniwala kayo sa akin. Hindi ko sinadya na maiwan ang celphone sa kwarto. Hindi ako lumandi at lalong hindi ko balak agawin sa knya ang babaeng gusto nya. Kahit magkapitbahay kame hindi ko sya pinapansin. Dahil nirerespeto ko ang pagkakaibigan namin ni Jace. "

"ngayon wala na si Jace, masaya ka ba kasi pagkakataon mo na sa babaeng yun? "

"hindi. Wala kayong alam! Wala kayong alam!!"

"WALA KAYONG ALAM! WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA........"

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA.... shit! Tanginang panaginip!"


---------------

Nagka prologue din sa wakas.

Band Boys' DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon