Chapter 1.1-Krystal Jade

102 2 0
                                    

A/N: unahin muna natin sa kwento si Krystal Jade. Bago natin pagtuunan ng pansin ang mga boys sa kwento. Wala lang..trip ko lang. Pampagulo? Hehehe..  Walang basagan please!

Edited ang scene.inayos ko lang at  may dinagdagan.

 

 

 

*********************

Chapter 1

Krystal POV

Kriiiiiiiing

Kriiiiiiiiiiiiiing

Shoot! Ang ingay naman. Gusto ko pa matulog. 

Kriiiiiiing

"waaaaaaah" sabay tapon sa alarm clock

After 5 minutes

Meow, meow meow

Arggh! Aga aga may nagtext. Kinuha ko ang celphone ko side table.

 

Basa text....

From: Terrence

Hi. Jade. Good morning! See you later

OMO! First day of school pala ngayon! Waaa. Nakalimutan ko. Buti na lang nagtext si Terrence. Mareply nga...

To:Terrence

Good morning too Terrence. See you =)

Pagkatapos ko replyan si Terrence, naligo agad ako toothbrush, suklay, lotion, apply ng powder and lip gloss. Bumaba agad ako ng diretso sa dining table. Naabutan ko pa si dad na mukhang malungkot. Tulala.

" good morning dad!" sabay kiss sa cheek " mukhang malungkot kayo, chene problema (may problema)?" tanong ko

"good morning prinsesa ko.*kiss* Don't mind me, stress lang sa work. First day of school de tuyu ara (First day of School mo ngayon). Excited?"  he's trying to sound energetic at walang problema but feel ko may problem talaga. Ano kaya yun? Minsan na lang kami magkita ni dad. Hindi na nga ako nagbakasyon, nagbabakasakaling makasama ko sya ng matagal.

 

" Si! (yes!). I'm excited to meet new friends and to see my friends. Abla pa sila manada ara tranferees (Sabi nila madaming transferees ngayon). Hartwell is doing good last  school year.". Sabi ko habang kumukuha ng bread, egg at hotdog.

 "Good to hear that! Well, una ya iyo contigo prinsesa. Kome tu manada. Yan deposit ya iyo de tuyu allowance. Check your ATM card.  ( Mauna na ako aking prinsesa. Kumain ka ng madami. Nadeposit ko na pala allowance mo.)".

"yes dad! Gracias! (Thank you!). I love you. Te amo!"  i hugged and kissed him on his cheek. Tapos umalis na sya.

Pagkaalis ni dad. Tinuloy ko ang pagkain. Pagkatapos kumain dumiretso agad sa kotse. Habang nasa biyahe hindi mawala sa isip ko ang lungkot sa mga mata ni dad. Ano kaya ang problema ni dad? Nag-alala tuloy ako. Kinakabahan din ako sa mga kinikilos nya. Mas lalo syang naging busy. At laging may kausap sa phone. Hayyyy...

Chavacano ang dialect na gamit namin ni dad pag nag uusap. He's from zamboanga city dialect dun is chavacano which is a local spanish dialect. Mommy is from Quezon city. Dito na nagtayo ng business si Dad pagkamatay nila lolo at lola. Only child sya tulad ko at ni mommy kaya wala kami masyadong kamag-anak.

Band Boys' DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon