Chapter 2.1 – Concert Part 1
Jace's POV
"hoy mga tsupol! Ready na ba kayo?" sigaw ni Ella, ang aming manager kuno. Siya ang taga hawak ng pera ng buong kita sa concert. Siya din nagtatakda kung kelan ang araw ng concerts namin. Yos ba? Rock n' roll \m/. Mag kasing edad lang kami ,pero siya, ayaw na nya mag aral. Mas gusto pa niya kumita ng pera kesa mag-aral
"aba! Kung makatawag ng tsupol! Alam mo ba ibig sabihin nun?" tanong ni David
"hindi at wala akong pakialam. Oh weirdo ano na? Ready na kayo?" tiningnan ng masama ni ella si David. Tapos tiningnan ako.
"oo ready na kami. Pwede mo ng papasukin ang mga fans namin. Yung mga kinuha mo sa lights at sounds okay na ba? Gusto ko yung may smoke effect at bubbles ha?hehehe" sabi ko sabay lagok ng yakult. Pang pito ko na ata. I love yakult! Okay ka ba tiyan?
"okay na. Areglado na yun. Bakit kailangan pa ng bubbles? Ang weird mo talaga! Sige papasukin ko na ang mga fans kuno ninyo. Dami na nga nakapila.".kinutusan muna nya ako bago sya lumabas.
Ako weird? Sa gwapo kong ito?
Alam ko kilala nyo na ako, ako si Jace, ang gwapong leader at vocalist ng Cotton Candy. Nagtataka siguro kayo kung bakit Cotton Candy ang pangalan ng grupo namin? Well, wala na kayong pakialam mga tol. Astig para sa akin to. Hindi naman nagrereklamo ang mga kagrupo ko. And my fans find it cute and astig. Ayt?!
Nagtataka siguro kayo bakit kami may concert? Ganito kasi yun. Pag malapit na maubos ang aming pera, nagsasagawa kami ng illegal na concert. Yes! Illegal kasi walang permit. Pag may magsumbong na sa mga pulis na dahil sa ingay ng aming napakagandang musika. Kanya kanyang takbo na lang kami. Pag nahuli kami kulong ng ilang oras tapos pinapalabas agad kami. May pumupunta kasi agad na atorney. Hindi namin alam kung sino nagpadala nun. Pero minsan lang naman yun. Napapakiusapan naman namin ang mga pulis
Ngayon, legal ang concert. Hindi ko alam kung anong ginawa ni ella. Madiskarte yun eh.
Ella's POV
"Cotton Candy! We love you"
"jace mahal ko i'm here!"
"omo! Makikita ko na naman si David."
"basta ako kay Floyd. Kyaaaaaaaaaaah!"
"si ryuu akin. Serious type kasi gusto ko. Ang gwapo nya pag naghehead bang!"
"iceler! Iceler iceler!"
"Cutie Eydie! Can't wait to see you perform!"
Haish! Ingay. Yan lang ang maririnig mong sigaw sa labas ng building na ito. Ito ay isang nererentahan na warehouse. Nahirapan kaya ako humanap nito. Generator pa gamit namin para magka kuryente lang. Gastos! Buti na lang madaming bintana sa taas kaya hindi masyadong mainit sa loob. Kaya medyo mahal ang ticket sa concert na ito. P5000 lang naman. At tantya ko nasa 50 ang fans ng mga Tsupol na yun ang nasa labas.
Ano ba ibig sabihin ng tsupol? Narinig ko lang yun sa isang computer shop nung araw na nagpost ako about sa concert ng Cotton Candy. Ang iingay nga ng mga estudyante dun eh.
"hoy, Marco ok na ba yung sa lights and sound system natin? Baka pumalpak na naman tayo tulad dati ha?" Sigaw ko kay Marco. Ang ingay na kasi
"ayos na ayos na. Hindi na yun mauulit tulad dati. Tiwala lang" sabi ni marco habang inaayos ang lights at naka ngisi
"Yung smoke effect at bubbles okay na ba? Naka ngisi ka?" tanong ko uli
BINABASA MO ANG
Band Boys' Dream
FanfictionSix bad boys formed a group Six bad boys formed a band Six bad boys dreamed to be famous Two bad boys loved one girl One bad boy died five bad boys grieving five bad boys continue to dream basahin nyo na lang Fan fiction: Shut! Up flower boy 2012 b...