Chapter 2.2 - Concert

47 2 0
                                    

Chapter 2.2 – Concert

Floyd's POV

"okay guys! Let's rock and roll!pasayahin natin ang mga fans natin sa abot ng  ating makakaya " sigaw ni jace!

"yeah!" sabay sabay na sigaw nila namin maliban kay Ryuu

Hi, ako pala si Floyd. Isa sa mga myembro ng Cotton Candy. Gwapo din ako tulad nila pero mas gwapo ako.  Best friend ko si Jace. ako ang lead guitarist ng banda. Mahilig akong sumayaw at kumanta. Bad boy din ako.

Papunta na kami sa stage at inihanda na namin ang aming electric guitar,, drums, keyboard etc. pati na rin ang microphone. Napag-usapan na rin namin kung ano ang kakantahin namin.

Bale 3 songs ang kakantahin ni Jace. Tapos magsosolo ako "Thinking out Loud" daw kakantahin ko sabi ni lider. Rakista ako bakit ganung kanta? Darn! Wala din akong magagawa kasi si lider na ang pumili.

At dahil sasayaw daw kami napag-usapan na Growl ng EXO ang sasayawin namin at Talk dirty ni pareng Jason Derulo ang sasayawin para masiyahan ang aming mga fans. Ayoko talaga ma expose ang talent ko sa pagsayaw pero wala na akong magawa kasi pumayag na rin si lider. tsss

Nag-aayos lang kami dito  sa taas ng stage hindi pa nga kami nagsisimula lakas na ng tili ng mga babae.

Tss.. ang ingay talaga!

"girls, girls settle down. Malapit na kame mag umpisa. Ready na ba kayo?!" sigaw ni Jace gamit ang mic, tapos ang kamay nasa tenga na kunwari pinakikinggan ang sigaw ng mga babae

"kyaaaaaaaaaaaaaahhh.. we're ready Jace babes"

"oh my gee, oh my gee i wanna faint!"

"ready!"

"cotton candy! Cotton candy!"

 

Tumalikod si Jace at sumenyas kung okay na ba? Tumango lang kami. Si Eydi na thumbs up

"Girls, here's our first song. Tsinelas by kamikazee" (a/n: tanong lang rakista ba ang kamikazee? Di ba punkista?"huhuhu..sorry.. intindihin nyo na lang ako.)

Nagsimula na kaming tumugtog

Nasaan na kaya 

Nandito lang kanina 

Hinanap ko na sa lahat 

Pero 'di ko pa rin makita 

Wala sa kuwarto 



Wala sa banyo 

Iniwan dito 

Baka kinuha mo 

Nasa'n ang chinelas ko [ewan ko] 

Nasa'n ang chinelas ko 

Chinelas ko! 

P*tangina! 

Nasaan ang chinelas ko 

 

 

Bigay todo si Jace ah! Parang nakatira ng katol. Lasing ba sya? Yakult lang naman ininum nya ha? Pa head bang head pa! Weird talaga ang lider namin. Pati kami na papa head bang na rin. Head bang pa more!







Bakit ka ganyan 

Marunong ka ba magpaalam 

Hindi ka pa nakuntento 

Band Boys' DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon