Chapter 4.3 - ROOFTOP NEIGHBORS

59 1 0
                                    

Chapter 4.3 – ROOFTOP NEIGHBORS

 

KRYSTAL  JADE'S POV

Magdadalawang linggo na ako nakatira sa rooftop apartment na tinatawag  nila. So far hindi pa ako nakikita ng kapitbahay ko at nang mga kaibigan nyang weird.

Araw-araw  ako nagdadasal na sana hindi nila ako makita o hindi ko sila maabutan . Eh, natatakot ako baka kung anong gawin nila sa akin.  Babae ako noh at mga lalaki sila, anong kalaban laban ko sa kanila?

Dalawang linggo na rin ako nakabalik sa HA. Daming pagbabago nangyari sa akin dun lalo na nung nalaman nila na bankrupt na kami. Wala ng pumapansin sa akin pagkinakausap ko,  lalo na si Terrence. Hindi na niya ako pinapansin. Pag nagsasalubong kami iniiwasan niya ako.  

Nakakalungkot ang bilis naman niya magbago. AKala ko kaibigan ko siya. Akala ko may karamay ako sa pinagdaanan ko ngayon.

 Buti na lang hindi nagbago si Aya. Kinakaibigan pa rin nya ako. Hindi naman lahat mga students dun hindi ako pinapansin. Yung mga high class students lang, di ba kabilang ako DATI dun tapos ngayon wala na akong pera, wala na akong kaibigan. Yung mga middle class naman may namamansin at meron din hindi. Hayyy...

Tama nga sabi nila na malalaman mo kung sino ang mga tunay mong kaibigan sa panahon ng kagipitan. At ang masasabi ko, si Aya ay tunay na kaibigan ko kahit halos dalawang buwan pa lang kami magkakilala.

 Minsan nga inabutan ako ng pera. Pero tinanggihan ko, nagtampo ako sa kanya at hindi siya pinansin. Humingi naman sya ng tawad at nag promise na hindi na niya gagawin. Ayoko kasi na kaawaan ako.

Nagpapasalamat din ako sa mga low class students sa mga tulong nila. Sila pa nga ang naghanap ng trabaho para sa akin na malapit sa tinutuluyan ko.

Wala namang problema sa tuition kasi fully paid na ako. Buti na lang binayaran ng buo yun ni Daddy, kung hindi mahihirapan talaga ako. At buti na lang graduating na ako.  Problema ko na lang tuition ko sa pag college na ako.

Kakatapos lang ng trabaho ko sa isang 24 hour convenience store na malapit lang sa apartment. Pagkatapos ng klase dederetso agad ako sa trabaho. Hanggang 10pm lang trabaho ko. Ako cashier minsan yung taga lagay ng mga goods sa shelves. Minsan kargador ang peg ko.

Pauwi na ako ng apartment.  Pagod na pagod ako. Nagbuhat kasi ako ng ilang carton ng mga de lata. Wala kasi si Kuya Alex, nagkasakit kasi sya, kaya kami ni sandy ang nagbuhat,  yung isang kasama namin na si Trixie nasa counter siya ang bantay. May kasama din kaming supervisor si Maam Candy.

Paakyat na ako ng hagdan. Medyo inaantok na ako. Grabe nakakapagod talaga ang araw na ito.

Pagbukas ko ng pinto ng rooftop.

"SURPRISE!"

 

"waaaaaaaaaaa... "

 

"aray! Aray! Shit! Tama na! Miss tama na masakit"

 

"rapist! Manyak! Papatayin kita bago mo ko gahasain!" pinaghampas hampas ko sya ng dala kong payong

Lagi ako may dala nito. Proteksyon to sa mga magnanakaw, rapist at mga masasamang tao.

"woah! Anong rapist? Aray.. Manyak? Ouch ouch.. Gahasain? Araay! Tumulong kayo!" sigaw ng lalaki. Hinampas hampas ko pa rin sya.  Sinusubukan niyang umiwas pero natatamaan ko talaga siya.

"wahahahah.. sige pa miss paluin mo pa yan!"

 

"hindi mo napuruhan yung ulo miss"

Band Boys' DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon