Chapter 3.1 - Love at first sight

57 3 0
                                    

Chapter 3.1 – Love at first sight

 

One week after the concert

Ryu's POV

Dito kame ngayon sa Hartwell university para kumuha ng registration form. Kami tatlo lang ni Floyd at Iceler ang pumunta sa Music Department. Yung tatlo, hindi ko alam kung saan nagha-hunting ng mga girls. Psh..

Ako pala si ryu, drummer. Tss. Ayoko ng madaming sinasabi. Kaya wala kayong aasahan sa akin.

Ang hartwell University ang isa sa the best school or university sa bansa. Strict ang pamamalakad ng University President dito. Psh. May Elementary, High school at College dito. Kaya nga university di ba? Psh. Ang battle of the bands kasi ay nahahati sa high school division at college division

Kung tatanungin nyo kung nasan ang high school at elementary dun oh sa malayo, basta malayo wag na magtanong, bwisit! SObrang laki ng school na ito. May malaking bakod para mahati ang elementary, high school at college. Paano ko nalaman ito? Psh, research malamang. At yun lang ang alam ko. Ayoko na pahabain. Basta kayo na mag imagine. Psh. Madami na akong nasabi. Tss.

Anak at apo ako ng isang mafia boss. Red emperor ang pangalan ng mafia nila papa at lolo. Pero ayokong manahin ang posisyon ng pagiging mafia. Isang mabigat na rason kung bakit. Haist! Tama na! Ayoko na magkwento about sa mafia na yun.

Nagtanong tanong si iceler sa mga studyante kung saan ang Music department. Pagtalikod namin tumili ang pinagtanungan namin.  Hindi sa pag mamayabang medyo sikat ang banda namin. Lalo na sa mga High school students at college students na rin.

 "di ba sila yung cotton candy? Bakit sila nandito? "

 

'tsk.. heto na naman ang mga bulong bulungan'  bulong ko sa isip ko.

"oo, sila nga. Saan yung iba? sasali sila sa battle of the bands high school division. Di ba isa sa sponsor ang may-ari ng school na ito? Kukuha ata ng form"

 

"ay! Oo nga. Madaming taga ibang school ang pumunta dito last week. Ang daming gwapo at madami ding pangit ang sasali. Ahaha. Yung mga pangit talo na sila"

 

"manonood ako girl! Hindi pa alam saan ang venue. Pero usap usapan dito daw kasi malawak ang field. Di ba may pambato din ang Hartwell High? Dark Phoenix band ang name, puro gwapo ang members dun. Heto sila oh, may website sila"

 

"ay! Oo nga ang popogi. Gusto ko tuloy bumalik ng high school. Ahaha"

 

Tss. Daming chismosa dito. Bubulong bulong rinig naman. Dark Phoenix band? Psshh. Lame band. Pangalan pa lang.

Nandtio na kame sa Music department. Malapit lang pala

"pasok na kayo. Dito lang ako. Magpapahangin lang ako" sabi ni Floyd.

"k" sabi ko.

Knock... knock

 

 

"come in" sabi nung nasa loob.

Pumasok na kami ni Iceler. Pagpasok namin nagpacute pa ang babae sa loob ng office at nakipag kwentuhan. Tsk. Tanda na ito para sa amin. Hindi ako pumapatol sa gurang. Hindi naman ako nagsalita puro si Iceler lang. Psh. Nilibot ko lang ang mga mata ko sa kabuuan ng opisina. Maganda naman ang office kesa sa office ni principal kalbo

Band Boys' DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon