A/N: hindi po na edit..sorry
Para sayo to DODONG.. salamat sa nakaka inspire na wattpad life mo.. lol
at sa babes ni dodong na si @_Nerezza_..
—————————————————————————————
Chapter 3.5 – Love at first sight
FLOYD's POV (cont)
"PAKENSHET! ANG GANDA NYA!" tulalang sambit ni Jace at nakatingin sa kabilang pedestrian lane
" huh? Saan? Ituro mo dali!" tanong ni David
"nandun! Tatawid papunta dito" turo ni Jace " naka uniform sya, mukhang sa Hartwell High nag-aaral."
"hartwell? Naku maarte yan. Brat! Masama ang ugali!" padiscourage ni Eydi. Binatukan lang sya ni David at Iceler. "ano ba? Nakakarami na kayo ha?! Kanina pa kayo"
"aish! Hintayin na lang natin sya dito. Kaw talaga Eydi. Ingay mo! Grabe ang ganda nya talaga" saway ni Jace. mukhang tinamaan na ata..
Teka...
Naka uniform ng Hartwell High?
THIRD PERSON'S POV
Tumigil na ang mga sasakyan. PWede na tumawid ang mga tao. Ang babaeng tinutukoy ni Jace ay nagmamadaling tumawid. Sa kamamadali nya malapit na sya matumba. Mabilis ang pag-alalay ng nila Jace at Floyd sa dalaga na halos mag-uunahan sila sa pagsalo. Napatitig ang dalaga kay Jace.
"hi!" nakangiting bati ni Jace. Si Floyd naman nakatulalang tiningnan ang dalaga.
"hindi pwede! Siya yung babaeng nakita ko sa Hartwell University" sabi ni floyd sa sarili
"sorry, sorry... pasensya nagmamadali kasi ako. kailangan ko na umalis. Thank you pala!" sabi ng dalaga
"psh.. nagmamadali din sya kanina nung nabangga nya ako."
Pagkatapos magsorry at magpasalamat ay tumakbo agad ang dalaga at hindi na lumingon.
Niyuyogyog ni Jace si Floyd habang nakatingin silang dalawa sa tumatakbong dalaga
"shit! Floyd buddy, nararamdaman ko na ang naramdaman mo kanina. Ganun pala yun? Ang sarap ng feeling! Biglang nag slowmo ang paligid. Astig! Pakenshet! Wooooah! "
"MAY LOVE AT FIRST SIGHT NA AKO.. wohooooo" sigaw ni Jace at patalon talon pa. Paulit ulit nya pang sinisigaw. Agaw pansin na sya sa sigaw nya. May natatawa, may naiinis at may mga walang pakialam. Ang mga kabarkada nya natatawa na lang sa inasal ng kanilang kaibigan maliban kay Floyd na nakatulala.
"hindi pwede. Ibig sabihin na inlove kami ni Jace sa parehong babae at sa parehong araw?"
"guys! Ang babae kanina ay akin ha? Walang sulutan! Yun yung love at first sight ko ang aking inspirasyon. Ipangako nyo sa akin na poprotektahan nyo yun tulad ng pagpoprotekta ko sa kanya simula ngayon. " abot tengang ngiti ni Jace. Hindi sya makapaniwala na naranasan nya sa unang pagkakataon ang mainlove. Inanunsyo agad nya sa mga kaibigan na parang pagmamay-ari na nya ang dalaga. Mas lalong nalungkot si Floyd sa anunsyo
"kung pwede lang sana ibalik ang oras hindi ko dito papupuntahin si Jace. Pero ayokong maging madamot kay Jace. Halos kapatid ang turing ko sa kanya. Anong gagawin ko?" sabi ni Floyd sa isip nya
"talaga? Sayo yun? May pangalan mo na nakasulat sa katawan nya? Anong pangalan nya? Saan sya nakatira? Sinong magulang nya? Favorite color? Favorite foods? Vital statistics? Bra size? Size ng panty?" pang aasar na tanong ni David, binatukan naman sya ni Iceler at Eydi sa kabastusan nya
"grabe ka Dabid. Walang basagan ng moment! At saka ang bastos mo sa future girlfriend ko ha? Gusto mo bugbugin kita?" natakot naman si david sa banta ni Jace.
"Future Girlfriend?tandaan mo Jace, bad boys tayo para tayong may gang. Madami tayong mga kaaway. pano mo sya poprotektahan? At saka matatanggap kaya nya tayo lalo na kami?" seryosong tanong ni Iceler.
"nakakatampo naman kayo hindi pa nga ako nagsisimulang manligaw feel ko basted na ako. Gwapo naman ako lalo na pag nageyeliner ako, may talent at saka.... buddy tulungan mo naman ako.inaaway nila ako.huhuhu" parang batang nagsusumbong sa tatay si jace kay floyd
"hoy hoy.. umayos kayo ha! Ngayon na lang nga nainlove ang lider natin gaganyanin nyo pa. Supportahan natin sya. Bukas samahan natin sya sa Hartwell High. Abangan natin yung future girlfriend nya. Bukas na bukas manliligaw ka na!" pagtanggol nya sa kaibigan.
"yun! Salamat buddy. The best ka talaga" tuwang tuwa talaga si Jace sa suporta ng kaibigan
"okay tama na yan.. dahil diyan libre mo kami" nagsalita na rin sa wakas si Ryu
"oo nga gutom na ako." Sangayon ni Iceler
"sure! Saan nyo gusto? Libre ko kayo ng isaw. Basta sampung piso bawat isa sa inyo ang budget ko ha?" sobrang saya ni Jace. Feel nya nasa cloud nine sya. Kahit ilang minuto nya lang nakita ang dalaga ramdam nya na mahal nya na ito.
"hahahaha ang kuripot mo talaga kahit kelan! Saan na yung pera galing sa concert?" tanong ni David
"binili ko ng pagkain. Ahahaha" sabi ni jace. Pinauna niya ang kaibigan at nagpahuli sila ni Floyd sa paglalakad.
"buddy, may problema ba? Hindi ka ba masaya na pareho tayo nakahanap ng love at first sight? Di ba sa hartwell mo nakita ang love at first sight mo? Mag double date kaya tayo? Ano sa tingin mo?" nagtataka kasi sya kasi biglang natahimik ulit si Floyd. Excited sya sa idea na mag dodouble date sila.
"syempre naman buddy masaya ako para sayo. Napagod lang siguro ako. Sige pag nakita ko sya ulit yayain ko sya makipagdate. Magset tayo ng araw tapos double date tayo." pilit na ngumiti si Floyd.
"yun oh! Excited na ako sa double date natin. Tara kain tayo. Bibigyan kita ng yakult mamaya. Huwag ka lang maingay sa kanila ha? Bestfriend talaga kita. " inakbayan ni Jace ni Floyd at dumiteso sa stall na may bentang fishball, kwek kwen, isaw etc.
"di baleng masaktan basta masaya lang ang kaibigan ko. Total wala naman akong karapatang sumaya"
BINABASA MO ANG
Band Boys' Dream
FanfictionSix bad boys formed a group Six bad boys formed a band Six bad boys dreamed to be famous Two bad boys loved one girl One bad boy died five bad boys grieving five bad boys continue to dream basahin nyo na lang Fan fiction: Shut! Up flower boy 2012 b...