XXXVI

4.1K 55 9
                                    

*Gab's POV*

Kaagad kaming nakaalis ng bahay sakto sa pinlano kong oras. Habang nagmamaneho ako ay hindi ko maipinta ang saya na nakikita ko sa mga labi ni Andrea samantalang si Lauren naman ay nabitin yata ang tulog kaya sa sasakyan sya natulog.

"You know what hon I can't wait na malaman kung ano ang surprise mo sa'kin" she said excitedly.

"Konting tiis nalang hon" sabi ko sa kanya at saka ko pinisil ang palad nya na ginantihan naman nya ng paghalik sa aking kanang pisngi.

Ilang sandali pa ay narating na namin ang lugar na pupuntahan namin. Ginising na namin si Lauren at lumabas sa sasakyan.

May namumuong tanong sa mga mata ni Andrea hanggang sa narinig ko syang nagsalita.

"Hon? Anong gagawin natin dito?" Takang tanong nya.

Di naman ako sumagot at hinawakan ko silang dalawa at saka na kami pumasok sa loob ng building at tinungo ang reception area.

"Good morning sir" sabi ng receptionist sa kanya.

Ngumiti ako bago magsalita.

"I'm here for a wedding plan with my wife to be" I said.

Lalong nagliwanag ang mukha ni Andrea.

"Hon? We're going to plan our wedding?!"

"Oh bakit? Diba yun naman ang gusto mo dati pa?" I said.

Hindi sya nagsalita at tuluyan akong niyakap at hinalikan sa labi. Masayang masaya naman ang aming bulilit na si Lauren.

"You just don't know how you made me happy hon" sabi ni Andrea sa akin.

"You deserve to be happy honey" sabi ko naman.

Tuluyan na kaming pumasok sa elevator at pinindot ang number 7 para sa 7th floor.

Tuloy tuloy kaming naglakad hanggang sa marating namin ang kwarto. Dali dali akong kumatok at ng buksan ito ng nasa loob ay pare pareho kaming nagulat. It's Brigette.

*Brigette's POV*

Holy mother of all mothers! Si Gab at Andrea ang kleyente ko?! Panaginip ba to o isanf malaking kahibangan? Tanga naba talaga tong si Gab? Akala ko bang magkikita kami mamaya para lag usapan ang DNA tapos ngayon makikita ko sya dito na balak planuhin ang kasal nila? Malala na rin ang tama ng lalaking to ah.

"What are you doing here Brigette?" Mataray na bungad ni Andrea at saka nya hinawakan sa balikat ang anak nyang nagtatago o nahihiya yata.

"I'm here for my client. I'm one of the wedding planners. Nagkakamali kaya yata kayo ng kwarto?" I answered with full poise.

"Teka nga, pumasok nga muna tayo Andrea hindi yung dito tayo sa labas" bawi ni Gab.

"No Gab! You didn't tell me na sya?! Sya ang magpaplano sa kasal natin?! No way!" Maangas na tugon ni Andrea.

"Teka lang ha" pagputol ko.

"Nakakahiya naman yata dyan sa malinis mong katauhan miss kung ako ang magpaplano sa kasal na matagal mo ng pinaka aasam?! Tsaka ikaw? Papakasalan ni Gab? Ilang gayuma nanaman ang pinainom mo sa kanya? Or should I say, ilang posisyon nanaman sa kama ang ginawa mo para mauto mo sya?"

"Brigette, Andrea, please lang. Nandito si Lauren" Gab said.

Nilapitan nya ang anak nya at kinausap.

"Baby, you want to stay outside muna? We will talk muna here. Is that okay with you?" Sabi nya sa anak nya.

Tumango naman ang bata at hinatid na sya ni Gab malapit sa pintuan para makalabas at kami naman ay naiwan sa loob ng kwarto.

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon