*Sandy's POV*
What the hell?! Bakit sa dinami dami pa ng pwede naming makita at makaharap ni Gabby, bakit si Gab pa?!
"Mom?! What's the matter?" tanong ni Gabby sa akin habang naglalakad kami palayo.
"Gabby, I want you to stay away from them!"
"But mom? You just can't do that! She's my girlfriend!"
"You're too young to have a girlfriend! They are not better for you so stay away from them!"
Nag umpisa naman syang umiyak.
"I don't understand you!"
Sakto naman na dumating si Chun at sinalubong naman sya ni Gabby habang umiiyak.
"What's the matter?" alalang tanong ni Chun.
Humarap ako sa kanila at ako na ang nagpaliwanag kay Chun.
"Si Gabby, he met Gab"
"What?!" di makapaniwalang tanong naman ni Chun.
"Chun hindi talaga nya tayo titigilan! Sabi ko naman kasi sayo e umalis na tayo. Hindi maganda na nandito pa tayo sa Pilipinas dahil guguluhin lang tayo ni Gab!"
"Ano bang gusto nyang mangyari?"
"Ewan ko! Hindi ko alam, dahil ang alam ko lang sa ngayon ay hindi ligtas si Gabby dito"
"Hindi ligtas?" narinig ko na tanong ng isang pamilyar na boses galing sa likuran ko.
"Bakit sya hindi ligtas? May inililihim ka ba talaga sa'kin ha Sandy?" tanong ni Gab.
"Please stay away from Sandy" depensa naman ni Chun.
"I'm not talking to you and I don't want to talk to you so stay out of this! This is between me and Sandy!" Pag protesta naman ni Gab.
"Gab please!" I pleaded.
Walang anu-ano ay hinila naman ni Gab ang kamay ko at dali dali syang naglakad ng mabilis.
"Mom!!!!" Narinig kong sigaw ni Gabby. Wala naman nagawa si Chun upang sundan kami dahil hindi nya maiiwan na mag isa si Gabby.
Pumasok kami sa kotse ni Gab.
"Ano ba Gabriel! Palabasin mo ko dito!" pagwawala ko.
He locked the door of the car habang hindi sya umiimik.
"Ano bang gusto mong malaman at bakit mo ba ako ginugulo?! Diba sinabi ko naman sayo na tapos na tayo?! Tapos na tapos na!!!!"
Nabigla ako sa naging tugon sa akin ni Gab dahil iyon ay sa pamamagitan ng isang halik sa aking labi.
*Gab's POV*
Wala akong mahanap na salita para sabihin, o tanong para itanong kay Sandy kaya ko sya hinalikan bigla sa kanyang labi. Ramdam ko ang pag poprotesta nya sa halik na binibigay ko sa kanya. Hindi nya ito tinugon at wala yata syang balak gantihan ang halik na iyon. Hanggang sa nararamdaman kong tinutulak nya ako palayo sa kanya.
Bumitaw ako sa paghalik. She slapped me on my right cheek.
"Nahihibang kana ba ha?! Ano ba Gab! Sawang sawa na ko sa ganito! Sawang sawa na! Patahimikin mo naman ako! Masaya na ko! Masayang masaya na ko na wala ka!"
Napangiti lang naman ako sa sinabi nya bago nagsalita.
"Masaya Sandy? Ipaliwanag mo nga sa akin kung paano rin ako magiging masaya na wala ka? Sabihin mo nga sa akin kung paano ko makakalimutan ang isang tulad mo? Kung paano kita hindi iisipin mula sa oras ng pag gising ko hanggang sa oras ng pagtulog ko? Ipaliwanag mo nga sa akin kung paano rin ako mabubuhay ng wala ka? Kasi sa totoo lang, sa bawat pag iwas, sa bawat pag taboy mo sa akin, dinudurog mo ko. Durog na durog na to Sandy" tinuro ko ang puso ko habang nakatitig sa kanya "Durog na durog na"
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Other Woman
Romance"Sometimes, letting go no matter how hard, is the key to a new happy chapter in our lives."- The Sandy and Gab Story
