xxxi

3.9K 39 4
                                    

*Sandy's POV*

Naiwan kaming dalawa ni Chun sa park habang inaliw naman ni mama si Gabby at tuluyan ng umuwi sa bahay namin.

Di ko alam kung pano ko sisimilan ang pakikipag usap kay Chun. Alam kong naging unfair ako sa kanya kaya rin siguro yun yung naging dahilan nya para umalis, di ko rin naman sya masisisi tungkol dun. Pero hindi ko alam ngayon kung bakit sya nandito sa tabi ko at pinag mamasdan ako.

"Wala ka bang sasabihin? Akala ko bang kailangan natin mag usap?" bungad nya sa'kin.

"Diba ikaw ang pumunta dito? So I supposed, ikaw ang may kailangan at ikaw ang may sasabihin" bawi ko.

"Wow, nakakatakot naman yang linya mo Miss Sandy" at tumawa pa sya ng bahagya.

Di pa rin ako umiimik, bukod sa wala akong mahagilap na tamang salita, sya rin yung hinihintay ko na sabihin kung ano man ang gusto nyang sabihin.

"Gaya nga ng sinabi mo kanina, baka ako ang may kailangan at may sasabihin" sabi nya sa'kin. Tumango lang naman ako sa kanya.

"Sandy, pano kung sabihin ko sayo na ikaw pa rin ang kailangan ko hanggang ngayon?"

Napatigil ako sa sinabi ni Chun. Di na ko mabibigla kung malaman kong may gusto sya sa'kin, pero ang kabigla bigla e hanggang ngayon nag tatapat pa rin sya ng pagmamahal nya sa'kin.

"Chun, alam mo naman ang pinag daanan ko" entrada ko sa kanya.

"Alam ko yun Sandy, nakita ko kung pano ka nadapa, kung pano ka nasaktan, at kung pano ka bumabangon ulit. Alam kong hindi madali ang lahat para sayo. Pero sana kahit konting pagkakataon lang pagbigyan mo ko. Nakaraan na ang lahat Sandy, hayaan mo naman na muli mong buksan ang puso mo"

"Hindi madali ang lahat"

"Alam ko, hindi naman kita minamadali. Kaya nga inuunti unti ko ang lahat. Isipin mo nalang, kung hindi tama ang nararamdaman kong to, magpupumilit pa ba ko sayo? Sana hayaan mo kong bigyan kita ng bagong buhay, yung buhay na masaya, yung walang lungkot, yung walang takot. Di ko naman maipapangako sayo na magiging madali ang lahat lalo na at alam ko ang pinag daanan mo, pero sana hayaan mong tulungan kitang makabawi"

Hindi ko alam ang isasagot ko sa mga sinabi ni Chun. I'm running out of words to say. I don't know if I'm overwhelmed with those words that he said but I know I'm not ready to fall in love again.

Hinawakan ni Chun ang kamay ko.

"Sandy please, just give it a try. Wag mong sabihin na ayaw mo, sabihin mong susubukan mo"

Tumango nalang ako sa sinabi nya sa'kin.

"Wala ka bang sasabihin sa'kin? Ako nalang lagi ang may dialogue e" pabirong sabi nya sa'kin.

Napatiman naman ako sa sinabi nya.

"Sandy, please. Wag kang matakot. Tatanggapin ko ang lahat. As in lahat lahat. Kung maramdaman mo man na ayaw mo talaga ok lang sa'kin, pero kung maramdaman mo na gusto mo rin, aba mas okay yun sa'kin"

Muli nanaman akong napatiman sa sinabi nya sa'kin.

Hinawakan ko ang kamay nya.

"Chun, alam mong ikaw lang ang naging sandalan ko nung mga panahong down na down ako. Kasama ka sa mga lakas ko, isa ka sa mga taong naasahan ko sa lahat lahat. At napatunayan ko yun. Alam kong nasaktan kita hindi lang isang beses, maraming beses, paulit ulit. At sa paulit ulit na yun, paulit ulit ka ring bumabalik sa'kin. Hindi ko alam kung bakit, pero masaya ako na pinapakita mo sa'kin na mahalaga ako sayo"

"Anong gusto mong maintindihan ko sa mga sinabi mo? Gusto mo bang bumalik nanaman ako ng Pilipinas?" pagbibiro pa nya.

Umiling lang naman ako sa sinabi nya sa'kin.

"Hindi, gusto kong dito kana lang sa tabi ko"

Napangiti naman sya sa sinabi ko at niyakap nya ako bigla.

"Salamat Sandy, hindi ka magsisisi sa desisyon mo. Magiging mabuti ako hindi lang sayo, pati na rin kay Gabby"

Niyakap ko naman sya pabalik.

Hindi ko alam anong meron sa akin ngunit nakaramdam ako ng saya. I felt safe when he wrapped me in his arms. Feeling ko wala ng makakapanakit sa'kin dahil sa isang taong alam kong sisiguraduhin na di ako masasaktan nino man.

A/N: Yey! Hooray for another update! Nagiging masipag na ko mag update, BTW, yung sa previous chapter pala inedit ko naging ate kasi ni Gab si Brigette, kay Khalel pala ate si Brigette hehe mianhae :)) (photo pf Sandy and Chun on the right side) anyway, thanks for reading my story. Keep on supporting Sandy! Fightiiinnggg! ~~

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon