*Sandy's POV*
Isang linggo na ang nakalipas mula ng makalabas si Chun sa hospital. Narinig ko rin ang balita na nakalabas na rin si Gab at mabuti na ang kanyang kalagayan.
Gumising ako ng maaga upang maghanda ng almusal dahil papasok na muli sa trial class si Gabby. Nagulat nalang ako ng may yumakap sa likuran ko at ibinaon pa nya ang kanyang mukha sa balikat ko.
"Is that for me?" malambing na sabi ni Chun.
"For you and Gabby" sabi ko naman sa kanya ng nakangiti.
"Stop that, aalis tayo" sabi pa nya sa akin at saka pa nya hinawakan ang mga braso ko at iniharap nya ko sa kanya.
"Ha? What do you mean?" takang tanong ko.
"Pupunta tayo sa beach ngayong araw"
"Ha?! Sa beach? E may klase si Gabby diba?"
Ngumiti lang naman sya sa akin at tinawag si Gabby. Dali-dali naman syang bumaba ng hagdanan at laking gulat ko nalang nung makita ko syang nakabihis na.
"T-teka, ibig sabihin kanina pa kayo gising?" tanong ko.
Tumango lang naman si Chun sa akin at ngumiti. Si Gabby naman ay halatang excited kaya naman sinabi nya sa akin na magbihis na at nasa sasakyan na lahat ng kailangan naming dalhin. Wala naman akong pag aalinlangan na sumunod sa sinabi nila hanggang sa maka alis na kami ng bahay.
Nakatulog si Gabby habang nasa byahe samantalang ako naman ay nakikipag kwentuhan kay Chun habang sya ay nagmamaneho. Ilang sandali pa ay narating na namin ang resort kaya naman ginising ko na si Gabby.
"Gabby, do you want to take a dip on the pool?" tanong ni Chun kay Gabby.
"Yes tito! Mom I'll be back!" sabi nya sa akin at dali-dali syang tumakbo.
"Gabby don't go too far!" paalala ko.
"Yes mommy!" paninigurado naman nya.
Nang makaalis na si Gabby ay niyaya naman ako ni Chun na maglakad sa dalampasigan.
"Napaka sariwa ng hangin diba? Ilang buwan at taon din tayong hindi nakakaranas ng ganito. Masaya ang mga gawaing ganito, sana magawa natin madalas" sabi nya sa akin.
Kinuha ko naman ang kamay nya bago nagsalita.
"Oo naman, gagawin natin ang ganito kahit araw-araw pa" sabi ko sa kanya. Ngumiti naman sya at kinuha ang camera nyang dala.
"Kukuhanan kita" sabi nya sa akin. Tumango ako at nag pose.
"Pano kaya kung yung follow me na pose yung gayahin natin?" tanong nya sa akin.
"Sige!" sagot ko.
Habang nakatalikod ako ay hindi nag sasalita si Chun. Nakahawak lang sya sa kamay ko kaya hindi ko alam kung tapos na ba nya kong kinuhanan o hindi kaya naman humarap na ko sa kanya upang masigurado. Nang pagkaharap ko ay nagulat ako sa nakita ko dahil nakaluhod na ang isa nyang tuhod at may hawak sya na singsing. Tinakpan ko ang bibig ko sa pamamagitan ng palad ko dahil sa pagkabigla. Ilang sandali pa ay nakita kong dumarating si Gabby kasama si mommy at daddy at ang best friend kong si Ysabelle.
"Oh my, Chun what is this?"
Lumapit naman si mommy sa akin samantalang si Ysabelle ay maluha luha sa tuwa habang pinag mamasdan kami.
"Matagal ko ng hinintay na mangyari ito sa atin Sandy. Naglakas loob na kong tawagan ang mga importanteng tao sa buhay mo para ipaalam sa kanila na balak kong ibigay sayo ang buong buhay ko at ang pagpili ko na makasama ka hanggang sa tayong dalawa ay tumanda na"
BINABASA MO ANG
The Bachelor's Other Woman
Romance"Sometimes, letting go no matter how hard, is the key to a new happy chapter in our lives."- The Sandy and Gab Story
