xv

4.1K 49 2
                                    

*Gab's POV*

Pagkatapos ng first day ng conference ay kaagad akong pumunta sa kwarto ko para tawagan si Andrea.

Ring..ring..ring

"hello hon! Kakatapos lang ng first day ng conference namin.. So how's my beautiful wife to be?"

Narinig ko naman na natawa si Andrea sa sinabi kong yun.

"I'm okay hon.. Busy kami ni Brigette sa mga gagawin sa kasal natin. Ikaw kumusta ka dyan?"

"Ok lang din hon. Pagod nga e, sayang wala ka dito. Ikaw sana ang pampatanggal ko ng stress. Yung masahe mo"

Habang sinsabi ko yun kay Andrea, bigla kong naalala si Sandy.

Iba pa rin ang hawak ni Sandy.

Hay ano ba tong naiisip ko.

ERASE..ERASE..

"hon are you still there? Bakit di kana nagsalita?" sabi ni Andrea sa'kin

"Ah sorry hon. By the way may dinner nga pala kami ngayon sayang nga wala ka e"

"Oo nga hon. Okay lang yan, pasyal nalang tayo ulit dyan. Hon g2g na ha? Pupuntahan ko pa kasi si Brigette e. Ingat ka dyan. I love you"

"I love you too honey"

And I ended the call.

*Ysabel's POV*

"Ok baby see you in a bit"

Sabi ko sa boyfriend ko na kausap ko sa phone.

"Eh bakit kailangan ko pa kasing sumama sa dinner na yan?!" sabi ni Sandy sa'kin habang naglalagay ng blush on sa pisngi nya.

"Ano ka ba! Diba nga sinabi ko sayo na kasama ng baby ko ang friends nya? Malay mo makilala mo yung kasama nya tapos magka inlove-an kayo tapos makakalimutan mo na si Khalel at yung lalake na kaibigan ni Brigette! Oh diba bongga?"

"Eh kung itapon kaya kita sa Malaysia?"

"OA naman nito! Ano pang pinunta mo dito sa SG kung mag mumukmok ka lang diba?"

"K.. Whatever you say, K"

"Hay nako tara na nga! Excited na ko makita ang boyfriend ko e haha"

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon