*Gab's POV*Sunud-sunod ang kabog na ginawa ko sa gate ng marating ko ang bahay ni Brigette.
"Sino ba yan? Sandali lang kasi" narinig kong sabi ng kasambahay nila.
Nang buksan na nya ang gate ay tuluy-tuloy akong pumasok sa loob.
"Nako Doc kayo po pala. Nasa loob po si Ma'am Brigette"
Hindi ko naman pinansin ang kasambahay at dali-dali akong pumasok sa sala.
"Brigette! Brigette nasan ka! Lumabas ka dyan!" Sigaw ko.
Nakita ko naman na pababa ng hagdan si Brigette at halatang galit.
"Ano bang problema mo ha Gab? Bakit ba sigaw ng sigaw? Trespassing ka sa ginagawa mong yan ah!"
Hindi ko sya pinansin at nilapitan ko sya. Nanlilisik ang matang nakatitig sa kanya na para bang kahit sandali ay pwede ko syang kainin.
"Nasaan ang kapatid mo?" Madiin na sabi ko.
"Ano bang pinag sasabi mo?"
"Nasaan ang kapatid mo! Nasaan!!!!!!!"
"Bakit mo ko hinahanap?!" Narinig kong sabi ng isang lalaki sa likod ko.
"Khalel!" Tumakbo naman si Brigette papunta sa kapatid nya.
"Anong problema mo? Bakit mo sinisigawan ang ate ko ha? Tandaan mo nasa pamamahay kita!"
"Pucha! Wala akong pakialam kahit nasa bahay pa tayo ng presidente ng bansang to! Gago ka!"
Hindi na ko nag dalawang isip pa na sugurin sya at patumbahin sa pamamagitan ng malakas na suntok. Gumanti naman sya sa ginawa ko.
"Ano ba tama na! Tama na!!!!" Awat naman ni Brigette.
"Lumayas ka dito! Layas!!!!"
Hindi pa rin ako nagpatinag at lalong nagdilim ang paningin ko kaya naman sinugod ko syang muli at sinapak pa lalo.
"Gago ka! Gago!" Yan lang ang mga linyang lumalabas sa bibig ko habang pinapaulanan ko sya ng suntok.
"Gab tama na!!!! Maawa ka sa kapatid ko!"
Tumayo ako at inayos ang nagusot kong damit. Akma namang susugurin ako ni Khalel ngunit pinigilan sya ni Brigette.
"Gab ano bang problema mo? Bakit mo ba ginaganito si Khalel? Ano bang ginawa nya sayo?!"
"Anong ginawa nya?! Anong ginawa nya o anong ginawa nyo?! Pare pareho lang tayong nag sinungaling pero mas masahol ang ginawa nyo! Ano to gago ka ha! Ano to!!!!!!"
Binato ko ang cd sa kanya. Nakita ko kung paano namutla ang mukha nya ng makita nya ang bagay na binato ko sa dibdib nya.
"Putangina! Pagkatapos ko kayong pagkatiwalaan yan ang igaganti nyo?! At anong pinag lalaban at gusto mong palabasin ha? Na masamang tao si Andrea? Sige, sabihin na natin na niloko nya ko at pinaniwala na anak ko si Lauren, paano mo ipapaliwanag sa'kin na tinalo mo ang girlfriend ko at pinag samantalahan mo pa habang wala ako?! PAANO!!!!!!!!!!!!"
"Patas lang kayo! Niloko mo rin kami Gab! Niloko nyo kami ni Sandy!" Sabat naman ni Brigette.
"Anong niloko?" Naguguluhang tanong naman ni Khalel.
"Habang nakatalikod tayo sa kanila ay namamagitan pala sa kanilang dalawa ni Sandy!" Sabi naman ni Brigette.
"Ano?!"
"Sige, sabihin na natin na may namagitan sa amin ni Sandy, bakit nadamay ba kayo? Tandaan nyo, lalo kana Khalel, wala na kayo ni Sandy bago pa may namagitan sa aming dalawa! Hindi ko kasalanan na wala kang bayag para hindi mo sya mapanindigan! Hindi ko kasalanan na minahal namin ang isa't isa! Bakit sakop ba kayo dun ha?! May utang ba ko sa inyo! Meron ba!!!!!"
"Ang buhay ng anak ko! Ikaw ang kinilalang ama ng anak ko!"
"Eh tangina ka pala e! Kahit kung ako si Andrea hindi ko ipapakilala sa anak ko ang ama nyang mang gagahasa! Isang mababang uri ng nilalang!"
Susugurin nanaman sana ako ni Khalel ng marinig namin ang boses ni Lauren.
"Daddy Gab!!!!"
Nilapitan nya ako at niyakap ng mahigpit ang mga binti ko. Hindi naman ako nagdalawang isip na kalungin sya sa mga braso ko.
"She's my daughter! And from now on wala ka ng karapatan na makita mo sya!" Sabi ni Khalel sa akin at inagaw nya si Lauren.
"Dadddyyyyyyy!!!!" Nag simula ng umiyak si Lauren.
"Daughter? Talaga? Kailan pa kinilala ng isang walang hiyang tao ang anak nya sa pamamagitan ng pag rape sa iba? Nakokonsensya ka ba sa ginawa mo kaya gusto mo syang angkinin ngayon?!"
"Akin sya! Akin ang anak ko!"
"You're not my dad!" Sabi naman si Lauren sa pagitan ng kanyang mga hikbi.
"Gab umalis kana dito bago pa kami magpatawag ng pulis" banta ni Brigette.
"Kukunin ko si Lauren sayo at sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!" Banta ko kay Khalel.
"Umalis kana!!!!!" Pagtataboy naman sa'kin ni Brigette.
"Daddy!!!!!! Daddy don't leave me!!!! Daddy!!!!!"
"I'll be back Lauren. I'll be back!"
Pilit na kong pinapalabas ni Brigette kaya naman hindi ko na nakuhang muli si Lauren.
"Babalik ako Lauren. Kukunin kita" sabi ko sa sarili ko.
*Khalel's POV*
Hindi pa rin tumitigil si Lauren sa pag iyak kahit na naka alis na si Gab.
"Ibigay mo muna kay manang si Lauren at asikasuhin mo yang pumutok mong labi at ang sugat mo" sabi ni ate.
"Ate ano ng gagawin natin? Ayokong makulong"
"Manang! Kunin mo muna si Lauren!" Utos ko sa katulong.
Kaagad naman syang kinuha ni Manang hanggang sa kaming dalawa nalang ni Khalel ang natira sa sala.
"Wag kang mag alala, naiwan ni Gab ang cd dito. Sirain na natin yun para hindi na sya makahanap pa ng pruweba laban sayo. Hindi ko hahayaan na makulong ka. Si Andrea lang ang makukulong at hindi ikaw. Bukas na bukas pupunta ako sa condo ni Russ at mag rerequest ako ng cctv noong panahon na pumunta si Andrea sa condo nya"
"Pero ate, matagal na yun. Paano kung wala na silang kopya?" Pangangambang tanong ko.
"Anong wala? Hindi pwedeng wala. Meron sila nun wag kang mag alala"
Huminga lang naman ako ng malalim at umakyat na muli sa kwarto upang tignan si Lauren.

BINABASA MO ANG
The Bachelor's Other Woman
Romansa"Sometimes, letting go no matter how hard, is the key to a new happy chapter in our lives."- The Sandy and Gab Story