XXXVIII

3.2K 37 4
                                    

*Sandy's POV*

Sabi ko na nga ba at mali ang desisyon ko kung bakit pa ko pumunta sa lugar na yun. Hindi to pwede. Hindi pwedeng malaman ni Gab na anak nya si Gabby. Kailangan na namin lumayo. Kailangan na namin umalis bago pa malaman ni Gab ang totoo.

Nang makabalik na ko sa hotel ay kaagad akong pumunta sa kwarto namin. Nakita ko naman si Chun at Gabby na nasa kama habang nagbabasa sila ng mga libro ni Gabby sa ipad.

"You looked so tired. May nangyari ba?" Tanong ni Chun sa akin ng makita nya ako.

"Mommy!!!!" Kaagad naman akong pinuntahan ni Gabby at niyakap ng mahigpit. Ginantihan ko naman ito ng mas mahigpit na yakap at saka sya hinalikan sa pisngi.

"Did you eat well?" Tanong ko sa kanya.

"Yes! I'm starting to love this place mom! The food here is so delicious!"

Tumiman lang naman ako at ginulo ang buhok nya.

"May problema ba Sandy?" Tanong ni Chun.

"Well. Kailangan na natin---" hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil narinig kong nag ring ang phone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at nagulat ako na si mommy ito.

"Hello ma?" Bungad ko.

"Is that grandma? Let me talk to her!" Sabat naman ni Gabby.

"Wait Gabby. I need to talk to her"

Hindi naman nagpumilit si Gabby kaya naman tumuloy ako sa pakikipag usap kay mommy.

"I'm sorry to bother you anak, pero lumipad kasi ako papuntang Las Vegas"

"Ha? May nangyari ba kay daddy?" Pag aalala ko.

"Nako wala anak. Pinapunta lang ako ng daddy mo dito para magbakasyon. Kailan ba ang uwi nyo?"

"Yun na nga sana ang sasabihin ko sayo ma, uuwi na kami ng New York sa lalong madaling panahon. At isa pa, kailangan na rin mag aral ni Gabby kaya hinahanda ko sya"

"Mag aral? Diba hindi naman pareho ang pasukan sa New York at Pinas? Ano kaya kung dyan muna muna sya pag aralin?"

"Ma?!"

"Anak baka kasi matagalan ako dito, kung mag tatrabaho ka pagbalik mo sa New York walang mag aalaga kay Gabby. Mas mabuti ng dyan muna kayo at kahit nag tatrabaho ka ay pwede mo syang tignan kahit anong oras mo gusto"

"Pero ma?"

"Makinig ka sa'kin Sandianna. Mas mabuti ng dyan na muna kayo. Alam ko ang kinakatakot mo. Hindi naman mangyayari na kunin sya ni Gab kung hindi mo hahayaan yun"

"Syempre ma hindi naman yun pwedeng mangyari"

"Oh yun naman pala. Oh sige na, maghahanda na ko at aalis kami ng daddy mo. I-kiss mo nalang ako kay Gabby. Mag enjoy lang kayo dyan"

"Yes ma"

And I ended the call.

"Oh ano daw?" Tanong ni Chun.

"Nasa Las Vegas daw sya. Pinapunta sya ni daddy dun para magbakasyon. Mas mabuti daw kung dito muna tayo mag stay lalo na kung may balak akong pag aralin na si Gabby"

"Aha! Good idea! May sasabihin din sana kami ni Gabby sayo"

"Ano naman yun?"

"Eh kasi, may nagbigay ng flyer kanina, may free trial class daw sa isang Montessori School. Gusto mo dalhin natin si Gabby dun bukas? Free naman sya"

"Mommy I want! I want to go! Mommy please?"

Nag isip muna ako sandali bago nag salita.

"Okay. You'll have your trial class tomorrow"

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon