xxxii

4.1K 36 5
                                    

*Chun's POV*

Ako na yata ang pinaka masayang lalaki sa buong mundo nang sabihin sa'kin ni Sandy na gusto rin nya akong manatili sa tabi nya.

Sa wakas, pagkatapos ng ilang taon na pakikiusap ko sa kanya ay binigyan na rin nya ako ng pagkakataon na mapakita at maparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Hinding hindi ko sya bibiguin, ituturing ko syang prisensa at pati na rin si Gabby, ituturing ko sya na parang sarili kong anak.

"Chun is it okay if you will stay at the guest room maybe for few days habang di pa napapagawa ang room mo?" Sandy's mom asked me.

"Nako wala naman pong kaso sa'kin yun tita, kahit sa kulungan po ng aso I'm fine with that" I aswered politely.

Tumawa naman sya sa sinabi ko.

"Hay nako ma okay lang po kay Chun kahit sa time square pa sya matulog" pabirong sabi naman ni Sandy.

Lalong napalakas ang tawa naming lahat sa sinabi ni Sandy. Pakiramdam ko tuloy kabilang na talaga ako sa pamilya nila. Magmula kasi nung tinulungan ko si Sandy ay isa na ko sa mga pinag kakatiwalaang tao ng mama nya. Kaya ganun na rin siguro ang lakas ng loob ko na sya ang lapitan ko dahil alam kong tutulungan nya ko na mapalapit muli sa unica hija nya.

"Ah Sandy, kelan nga pala uuwi si tito?" tanong ko sa kanya habang binibigyan nya ng mainit na tubig ang green tea na tea bag sa tasa ko.

"Nako Chun nagpapayaman nanaman yun sa Washington kaya wala pa sya hanggang ngayon" sagot naman ni tita.

"Ewan ko nga ba, wala syang kadala dala. Sinabi na namin sa kanya ni Sandy na wag nyang abusuhin masyado ang katawan nya lalo na at hindi pa nagbibinata itong si Gabby" dugtong pa nya.

"Tita, malakas po si tito. Makikita pa nyang makakapag chix si Gabby haha"

At tumawa naman kaming dalawa maliban kay Sandy.

"Hindi yan mag chichix no. Magiging loyal yan sa isang babae at magiging mabuti syang ama balang araw sa magiging anak nya" mapait na sabi nya.

Nawala naman ang ngiti sa aking mga labi. Alam ko kung ano nanaman ang gustong ipahiwatig ni Sandy sa mga binitawan nyang salita.

"Oo naman Sandy, magiging mabuti syang anak, asawa, at ama balang araw. Dahil isa ako sa mga magtuturo sa kanya kung paano maging isang mabuting tao. Kasama ako sa pag gabay mo sa kanya" mahinahon na sagot ko.

Tumiman lang naman sya sa sinabi ko samantalang hindi naman umiimik ang mama nya.

"Ah teka lang ha? Maiwan ko muna kayong dalawa dyan. Titignan ko muna si Gabby sa kwarto kung tulog na sya" pagpuputol sa tensyon ni tita.

Tumango lang naman kaming dalawa ni Sandy. Ilang sandali pa ay tumungo na sya sa kwarto kung nasaan si Gabby.

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon