XLI

3.1K 30 5
                                    

*Sandy's POV*

Excited kaming dalawa ni Chun na ihatid at panoorin si Gabby sa trial class nya ngayong araw kaya naman maaga akong nagising para ipaghanda sila ng almusal at para maihanda ko na rin ang isusuot ni Gabby.

"Wow ang bango naman nyan! Good morning Miss Sandy!" Bati sa'kin ni Chun na mukhang kakababa pa lamang galing sa second floor ng bahay.

"Hindi lang mabango! Siguradong masarap ang niluto ko!" pagmamayabang ko.

"Syempre naman! Ikaw pa! Eh ikaw rin kaya ang number one chef namin!" pag sang ayon ni Chun at saka kami tumawa. Nakita rin namin na tumatawa si Manang Fe habang nagtitimpla sya ng kape.

"Alam mo Sir Chun, ngayon ko lang nakita na ganyan kasaya si Ma'am Sandy. Ikaw yata ang superhero nya e? Masayang masaya ako na nakikita ko syang tumatawa" sabat naman ni Manang Fe.

Kinuha ko ang omelet na niluto ko at inilapag iyon sa mesa.

"Ano ka ba manang, maraming taon na ang lumipas, hindi naman siguro masamang piliin kong maging masaya diba?"

"Oo naman Ma'am Sandy! Lalo na at nakikita mo ng lumalaki si Gabby"

"Oh! Speaking of the prince charming!" sabat ni Chun.

Nakita namin na pababa ng hagdan si Gabby habang kinukusot pa nya ang magkabila nyang mata.

"Nako my baby boy! Are you ready?" Pagsalubong ko naman sa kanya.

Tumango lamang sya at saka kami nginitian. Ilang sandali pa ay nahanda na ang lahat sa mesa at kumain na kami.

*ring...ring..ring...*

"Ah excuse me" sabi ko.

"Hello Ma'am Sandy?" si Carla ang tumawag sa akin sa telepono.

"Oh Carla what's the matter?"

"Ma'am sorry to disturb you po, pero tumawag po kasi yung business partner natin sa New York, may bago daw po tayong client na kailangan nyong imeet today" pagpapaliwanag nya.

"Nako today? Here in Manila?" pag klaro ko.

"Opo ma'am. The meeting will be at 8am sharp"

Tinignan ko ang wall clock at mag aalas syete na. Napasimangot ako dahil hindi ko mababantayan si Gabby sa trial class nya.

"Wala daw bang ibang pwedeng pumunta?"

"Nako ma'am kayo po ang nirequest e?"

"Sige sige. I'll come. Bye."

And I ended the call.

"Si Carla ba ang tumawag?" tanong agad ni Chun.

Tumango lang naman ako.

"Ano daw sabe?"

"May kailangan akong i-meet na client by 8am. Okay lang ba kung ikaw muna magbantay kay Gabby sa trial class?"

"No problem!"

Tinignan naman ako ni Gabby bago nagsalita.

"Mom you won't be there?" paglalambing ng anak ko.

"Mommy has a business to attend today. But I'll go with you in school, but I can't stay longer. Is it okay if tito Chun will accompany you? Promise I'll stay tomorrow" at nag pinky swear pa ko.

Tumango naman sya at ngumiti sa'kin. Niyakap ko naman sya at hinalikan sa noo.

*Gab's POV*

Habang nagmamaneho ako pabalik ng clinic ay naisip ko si Lauren kaya naman naisipan ko na silipin sya sa trial class nya. Wala akong balak magpakita sa kanya kaya naman naisip kong sisilipin ko nalang sya sa loob ng sasakyan ko.

The Bachelor's Other WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon