xxix

4.9K 61 17
                                        

*Sandy's POV*

Nagising ako kinabukasan dahil sa paulit ulit na katok ng maid sa pintuan ng kwarto ko.

"Ma'am? Gising na po ba kayo? May naghihintay po sa inyo sa baba" sabi nya.

"Oo sige manang susunod na ko. Salamat"

Napatingin ako sandali sa kisame ng kwarto ko. Sino naman kaya yun at ano ang pakay nya? Hindi namang pwedeng si Gab yun dahil hindi pa nya alam na nakauwi na ko ng Pilipinas. Nag umpisa nanaman mamuo ang luha sa mga mata ko. Ahhh.. Pagod na ko, pagod na ko sa kakaiyak, sa kakaasa na magiging maayos pa ang lahat tungkol sa'min ni Gab. Pagod na ko at awang awa na ko sa sarili ko. Kailangan ko ng tapusin ang sa'min ni Gab. Siguro nga, eto na ang sign para tapusin ko na ang lahat sa amin.

Ng maayos ko na ang sarili ko ay bumaba na ko sa sala. Nagulat na lamang ako ng makita ko si Chun na nakaupo sa sofa at tinitignan ang isang photo album. Hindi ko muna sya tinawag, ayokong pukawin ang atensyon nya. Pinagmasdan ko muna sya. Anong pakay ng estrangherong ito sa'kin? Sakit nanaman ba ang idudulot nya sa buhay ko? Muli nanaman namuo ang mga tanong sa isipan ko. Hindi ko napansin na nakatingin na pala sya sa'kin. Ng mabawi ko ang sarili ko ay ngumiti ako sa kanya, at ngumiti naman sya pabalik sa'kin.

"Buti naman at nakita na kitang ngumiti ngayong araw" sabi nya sa'kin habang inilalapag nya ang photo album sa mesa. Ako naman ay bumaba na rin sa sala at umupo sa isang sofa malapit sa kanya.

"Bakit ka nga pala nandito?"

"Napaaga ba? Pasensya na. Nag aalala lang kasi ako sa'yo. Di ko alam kung napano ka na kagabi nung hinatid kita. Sinisigurado ko lang na buhay ka pa at di pa nag suicide" at bahagya pa syang napatawa sa sinabi nya.

Napatiman naman ako sa sinabi nya. "Ano ka ba, hindi ko gagawin yun. Naisip ko kasi, kung magpapakamatay ako, dalawa kaming mamamatay. Ako at ang anak ko. At hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag ang mismong anak ko ang namatay dahil sa kagagahan ko"

"Wow! You sound so strong now! Di katulad kagabi"

"Alam mo Chun, nakapag isip-isip na ko. Tatapusin ko na ang sa'min ni Gab"

"Ha?! Paano na ang anak mo?"

"Kaya ko naman siguro syang itaguyod mag isa. Pagkatapos ng araw na ito ay lilipad na ko papuntang New York. Babalik na ko sa mga magulang ko at hindi ko na hahayaan pa na may manakit sa'min ng anak ko."

"Hahayaan mo nalang ba na kunin ni Andrea lahat ng karapatan mo?"

"Siguro, hindi talaga ako mananalo kay Andrea. Siguro, sadya syang malakas laban sa'kin. At yun yung dapat kong tanggapin. Na may mga tao talagang gagawin ang lahat para lang makuha ang gusto nila, at may mga tao rin na kailangan mag sakripisyo alang alang sa lahat. Kahit gaano man natin tignan, mali ang umpisa namin ni Gab. Kaya siguro pangit rin ang ending namin. Kasi marami na kaming nasaktang tao na di namin nalalaman. Kaya tama na siguro to."

"Pero diba, si Andrea naman ang nanira ng buhay mo?"

Ngumiti lang ako ng mapait.

"Oo, at sya rin ang nagturo siguro sa'kin kung paano mag higanti. At ngayon ko lang nalaman na kahit anong ganti ko, di pa rin ako mananalo"

Hinawakan naman ni Chun ang kamay ko.

"Nandito lang ako para sayo Sandy kung kailangan mo ng kausap."

Ngumiti lang naman ako sa kanya.

The Bachelor's Other WomanMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon