*Khalel's POV* (Check out the multimedia para makita nyo si Khalel ^_^)
Ng makauwi ako ng bahay, kaagad akong dumeretcho sa banyo para mag shower.
Muli nanaman bumalik sa alaala ko ang nakaraan.
Siguro nga naging duwag ako noon.
Pero hindi yun ibig sabihin na isang iglap nalang mawawala ang pagmamahal ko para kay Sandy.
Matagal din akong nangulila sa kanya lalo na nung pumunta sya sa New York.
Laking gulat ko nalang kanina nung sabihin sa'kin ni Brigette na nakausap nya si Sandy para tanungin kung pupunta sya sa party ni Gab.
Gab.
Gab..
Gab...
Ano ba talagang nangyare?
*Flashback*
Ng mga panahong nangungulila ako kay Sandy dahil sa pagpunta nya ng New York bigla akong kinausap ni Brigette para makipag usap kay Gab.
Nalaman ni Brigette base na rin sa kwento ko.
Kung bakit nakita kami ni Sandy sa kama na kasama ko si Andrea.
"C'mon Khalel! Mag uusap lang naman kayo, to clear things up!"
"Alam ba nya ang nangyari sa'min ni Andrea?"
Umiling si Brigette.
Well wala naman talagang nangyari e.
Ng makita kami ni Sandy, we're half naked pero wala pang nangyayari.
Touch oo, pero sex wala.
Hindi ko din alam bakit umabot kami sa ganong eksena ni Andrea.
Andrea is a friend of my sister.
Pero kahit matalik na magkaibigan sila, hindi nila makuhang magkita ni Sandy dahil nga busy sila sa fashion designing.
Nasa Paris naman si Andrea noong nag simula ang relasyon nila ni Gab.
Hindi ko nga alam bakita natagalan nila ang long distance relationship na yon.
Ang naaalala ko, nung gabing yun bigla nalang pumasok si Andrea sa kwaryo ko.
Ang sabi ni Brigette hindi din daw nya alam na pumunta si Andrea sa kwarto ko.
Despedida kasi ni Brigette yun at siguro marami ng nainom si Andrea.
Nag paalam daw ito na mag papahinga muna sa guest room pero bigla nalang syang pumasok sa kwarto ko.
That time, kakatapos ko lang maligo.
Boxers lang ang suot ko at nagulat nalang ako ng bigla akong itulak ni Andrea sa kama at halikan.
At sakto naman yun ang nakita ni Sandy.
Pumayag ako sa gusto ni Brigette, na makipag usap kay Gab.
"Pare I'm sorry talaga, pero maniwala ka walang nangyari samin ni Sandy sa gabing yun" pagpapaliwanag nya sa'kin.
"Nag away kasi kami ng matindi ni Sandy noon pare, at hindi ako handa sa nakita ko noong gabing yun" sabi ko.
Nag usap kami ng lalaki sa lalaki at napag desisyunan namin na ayusin ang lahat.
Bumalik ang pag kakaibigan namin.
Maliban kay Sandy.
Hindi na sya bumalik sa'kin.
At ng umuwi sya dito sa Pinas, hindi na rin sya nag paramdam.
Ayoko naman syang guluhin dahil alam kong magagalit lang sya lalo sa'kin.
Naduduwag akong harapin sya.
*End of flashback*
Ng matapos na ko sa pagligo, humiga na ko sa kama ko.
Ginawa kong unan ang dalawang braso ko at nakatunganga lang ako sa kisame.
"Ang duwag ko talaga kahit kelan" sabi ko sa sarili ko.
Kaninang nakita ko si Sandy na nasasaktan pa rin, hindi ko maiwasan na makaramdam ng kurot sa puso ko.
Ang babaeng pinaka iibig ko noon, ang babaeng ako ang dahilan ng kanyang bawat ngiti, ay umiiyak ngayon dahil sa parehong dahilan, kanino? sa'kin.
Sa'kin nga ba?
Eh bakit parang nasaktan sya kanina sa nakita nya?
May namamagitan ba sa kanila ni Gab?

BINABASA MO ANG
The Bachelor's Other Woman
Romance"Sometimes, letting go no matter how hard, is the key to a new happy chapter in our lives."- The Sandy and Gab Story