"Mom, we're late!"
Sunday is my favourite day. It is the first day of the week. Kahit kasi ano ang mangyari sa linggo ko, kahit gaano ako kalungkot, pwede ko paring baguhin iyon dahil may panibagong linggo pa.
"Nagawa mo na ba devotions mo?" bumaba na si Mommy.
"Opo! ang ganda nga ng scripture na nabasa ko today, Mommy. It's about patience, for God has better plans for us. We should just trust Him po!"
"Are you happy? hindi ka na malungkot dahil sa grades mo?"
"Nalungkot po pero I know na God did that for a reason. 'Di ba nga Mommy sabi mo minsan pinapalo tayo ni God? baka 'yon po 'yung palo ko kasi naging bad po ako noong matigas ang ulo ko."
"Halika nga dito," tumabi si Mommy sa'kin at niyakap niya ako. Masaya ko naman siya na niyakap pabalik.
The other reason why I like Sunday is we are complete as a family. They make time for me every Sunday. Kaya kahit lagi silang wala, hindi ako nagagalit sa kanila dahil gumagawa sila ng paraan para magkakasama kami sa linggo.
Pumunta naman na kami sa church pagkababa ni Daddy. Pagdating namin sa church ay nakahawak lang ako sa kamay ni Yaya habang magkasama sina Daddy at Mommy na naglalakad. Madami ang bumabati kina Mommy nang makapasok kami sa church.
"Eto na ba ang anak niyo? grabe, ang gwapong bata," bati ng isang babae sa'kin.
Ngumiti naman ako sa kanya at magiliw na lumapit. Nagmano naman ako sa Ginang bilang respeto. "Happy Sunday po!"
"Happy Sunday din iho. Nakakatuwa naman itong anak mo Mare," sabi ng Ginang.
"Oo Mare, sobrang proud nga kami sa kanya."
May napansin naman ako na nagtatago sa likod ng Ginang na bumati sa'kin. She was hiding behind the Lady and she was peeking. Nahihiya ata siya.
"Hello," bati ko sa kanya.
"Hello daw Heather," sabi ng Ginang. "Sorry mahiyain talaga 'tong pamangkin ko."
"Okay lang po!" sabi ko naman. "Tara sa likod ng Church, andoon 'yung mga ibang bata. Pwede po ba Tita?"
Ngumiti naman ang Ginang sa'kin at tumango. I held my hand to the girl and I was surprised when she actually took it. Nagkakagulo naman ang mga bata nang makapasok kami sa silid. Tinignan ko siya at napansin kong paiyak na ito.
"Halika, dito muna tayo. Ipapakilala nalang kita mamaya sa kanila," Pinaupo ko siya sa may gilid ng silid at kumuha ng inumin para sa kanya. "Eto juice. Baka nauuhaw ka na."
"Salamat," namangha naman ako sa lambing ng kanyang boses.
"Ano palang pangalan mo?" muli kong tanong.
"Heather," sabi niya at nagpatuloy lang sa pag-inom sa juice na binigay ko.
Nagtanong ako ng kung ano-ano at noong una ay maikli lang ang mga sagot niya. Noong tumagal ay napakilala ko na rin siya sa mga ibang bata. Nakipaglaro narin kami sa kanila. Namangha ako kung gaano kalaki ang pagngiti niya. Pati ang tawa niya ay napaka lambing.
"Uy, si Enzo kanina pa nakatingin kay Heather," malakas na sabi ni Dale, isa sa mga kaibigan ko. Tinukso naman na ako ng iba pang bata doon. Nang tumingin na sa akin si Heather ay nag-iwas na agad ako tingin.
"Ate Lean si Enzo kinikilig! yie!" muling salita ni Dale.
"Hindi po!" tanggi ko naman. Namangha lang naman ako kay Heather.
"Kayo talaga," Tawa ni Ate Lea, ang nagtuturo sa amin sa Sunday School. "Nako tama na 'yan. Let's start. Mag-pray na tayo."
Nagsiupuan naman na kaming lahat. Napansin ko na hindi gumalaw si Heather sa kintatayuan niya. Kumuha naman ako ng bakanteng upuan at nilagay iyon sa tabi ko.
"Dito ka na umupo," sabi ko.
Nang matapos ang Sunday School ay kumain muna kami at naglaro pa bago umuwi.
"Heather!" tawag ng Tita niya.
"Bye-bye," paalam niya sa akin.
"Teka," pinigilan ko ito at may kinuha saglit sa bulsa ko. "Eto ang paborito kong bracelet. Iniingatan ko 'to."
"Bakit mo binibigay sa'kin 'to?"
"Kasi kapag nahihiya ako, pinaglalaruan ko yan tapos hindi na ako nahihiya!" masaya kong sabi.
"Sige ibibigay ko 'to next Sunday!" sabi niya at tumakbo na ito papunta sa Tita niya.
Bumalik naman ako sa loob ng church at umupo doon.
"Lord, salamat po sa araw na ito. Salamat po sa bagong kaibigan. Ingatan niyo po siya at tulungan niyo po siya na 'wag nang mahiya. May you protect her smile po. Sana po sa next Sunday makita ko ulit siyang nakangiti at hindi na nahihiya. Amen."
Ngunit hindi ko na siya nakita sa sumunod na linggo.
Hindi ko na muling nakita ang unang babae na pinagdasal ko.