1 - The Guitarist

21 1 0
                                    

Chapter 1 - The Guitarist

Chapter 1 - The Guitarist

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Heather!"

Napalingon ako sa malakas na sigaw ng ka-blockmate ko na si Shania. Nagtaka ako nang hingal na hingal itong lumapit sa'kin. Parang tumakbo pa ata siya. "Ay kabayo!"

"Careful," muntik pa itong mahulog ng maupo ito sa harapan ko.

"You know that famous captain of fighting maroon? Girl! I heard them talking sa may gym, pinagkakaguluhan sila doon ngayon!"

"Oh tapos? ano kinalaman ko doon?" tanong ko at nagtuloy sa pagsusulat ng notes ko.

"Sinasabi niya daw na ikaw yung gusto niya! sabagay, bakit pa ako magtataka eh kulang nalang lahat ng lalake dito sa UP nagkakagusto na sayo," kinilig ito at hinampas hampas pa ang braso ko.

"You're ridiculous," tawa ko at inayos na ang mga gamit ko, trying my best to avoid the topic.

"Shusera ka! totoo kase! Beh, kung ako ganyan kaganda at katalino jusko, papatusin ko na lahat ng mga 'yan. Lord, anak niyo din naman ako," ma-drama niyang sabi.

Tumawa ako at binatukan siya, "Siraulo."

"Ano ba kaseng type mo sa lalake? Nako naman. Ako naii-stress sayo dai," sabi pa niya saka niya ako tinulungang mag-ayos.

"Alam mo naman na ayoko ng mga Isko," sabi ko saka lumabas na kami ng room.

"Lasallian? Atenista? utang na loob wag Thomasian," inis niyang sabi.

"Baka nga?" biro ko.

"Seryoso ka ba? Ghoster beh ekis ako diyan."

"A-attend ako ng Paskuhan mamaya."

"Ay iba. Sige na nga una na ako, dadaan pa ako sa main library," sabi niya saka umalis na rin.

Pumunta na ako sa next class ko which is Biology. Last day na ng klase bago mag-Christmas break. Badtrip dahil hindi man lang kami pinagbigyan ng iba naming mga prof na mag-free cut. Talagang magka-klase pa kami. Okay na sana iyon para makapagayos ako ng maaga. Niyaya kase ako ng mga kaibigan ko na pumunta sa Paskuhan this year and I was so excited kase first time kong umattend.

I took out my phone to text one of my close friend from Ateneo.

To Marcus:
anong oras niyo ako susunduin?

Palihim akong nagte-text habang nagdi-discuss 'yung prof ko.

From Marcus:
around 5 sunduin ka namin sa condo mo, keri ba?

To Marcus:
sige uwi nalang ako kaagad pagkatapos ng class ko.
see you mars mwuah XD

Pagkatapos kong i-send iyon ay nagkunwari nalang ako na nakinig sa sinasabi ng prof ko. Nang matapos na ang klase ko ay nagmadali na akong umalis. Nag-jeep nalang ako dahil malapit lang naman sa campus 'yung condo.

Once I arrived at my condo, I immediately took a shower. Nakakapagod ang araw na 'yon. I had back-to-back classes in different buildings. Kung saan talaga 'yung huling araw bago magbakasyon, doon sila madaming inu-utos at pinapagawa.

Nag-ayos na din ako kaagad dahil ilang saglit lang ay susunduin na ako ng mga kaibigan ko. Nang matapos nga akong mag-ayos ay eksaktong nag-text na sila. I wore a white off-shoulder crop top with my high waisted skinny jeans, and I also wore my white Adidas shoes. I wanted to make my hair simple so I just did a messy bun. Kinuha ko 'yung white sling bag ko at bumaba na.

Nang makalabas ako sa elevator ay agad ko namang nakita yung mga kaibigan ko sa may lobby.

"Ay shala ng outfit'an natin ah," pang-aasar sa'kin ni Marcus. "Pinaghandaan talaga."

"Naman. Eto na 'yung chance na makahanap ako ng jowa. I'm claiming it!"

"Gaga," binatukan naman ako ni Kim saka tumawa. "Pero alam mo, balita ko madami daw gwapong Thomasian doon girl!"

"Talaga?!"

"Oo! ang ho-hot daw!"

Nagulat kami nang pareho kaming binatukan ni Marcus. "Lalandi pa. Kurutin ko mga singit niyo e. Tara na baka ma-traffic tayo."

Nagkwentuhan naman kami habang nasa daan papunta sa UST. Mga isang oras lang ay nakarating na kami doon. Matirik pa ang araw pero ang dami nang tao.

"Sis, alam mo 'yung isang famous band daw ng UST tu-tugtog ngayon. Apat sila na puro lalake. 'Yung main guitarist ang gwapo!" chika sa'kin ni Kim. Medyo malapit kami sa stage kasi hindi pa naman ganun karami 'yung tao.

"Siguraduhin mo. Kapag 'yan scam sinasabi ko sayo hindi na kita ire-reto doon sa ka-blockmate ko," sabi ko sa kanya.

"Like legit Sis, pero ang duga mo hindi mo pa nga binibigay number niya eh."

"Wag na kayong maingay magst-start na," saway samin ni Marcus.

Paskuhan was so insane! madaming iba't ibang artists na tumugtog katulad ng Ben&Ben, December Avenue, Moira, at iba pang mga banda. The crowd was jamming to them, and I also sang along. Lalo na sa December Avenue dahil favorite ko yung mga kanta nila!

"Please, let's all welcome USTe's pride, 4 Flames!!" pagpapakilala ng MC.

Nagulat ako dahil grabe na ang hiyawan ng mga tao. Lumapit ako kay Kim na nakikisigaw na rin. "Sila ba?" sigaw ko para marinig niya.

"Oo," sagot niya at nag-fangirl na ulit.

"KD! KD! KD! KD! KD!" sigaw ng mga tao.

Nang magsimula na tumugtog 'yung guitarist ay nag-wala 'yung mga tao. Tinugtog nila 'yung Halik by Kamikazee. Habang tumutugtog sila ay nakuha naman ng guitarist 'yung atensyon ko. Hindi siya katulad ng mga kasama niya na hyper sa stage. Kalmado lang ito na tumutugtog. Ang lakas ng dating niya. Hanggang sa matapos sila ay sakanya lang ako nakatingin.

"That was indeed a great perfomance from our school band. Nag-enjoy ba kayo?" tanong ng MC. Humiyaw naman ang mga tao.

"For their last performance, give a round of applause again to Tyron, Justin, Ramier," at nung sa guitarist ay muli na namang nag-ingay ang mga tao. "KD!" tuloy ng MC.

They went to their positions and started to play again.  Intro palang ay naghiyawan na ang lahat. Tinugtog naman nila yung Ikaw at Ako. Nang magsimula nang kumanta 'yung vocalist, ay tahimik lang ako na nakinig. Apat ang nasa stage na iyon pero ang atensyon ko ay nasa isa lamang.

"Ikaw at ako, ooh-whoa, oh.. Tayo'y pinagtagpo. Ikaw at ako, ooh-whoa, oh... 'Di na muling magkakalayo" napakanta na rin ako.

"Unos sa buhay natin.. 'Di ko papansinin.. Takda ng tadhana.. Ikaw ang aking bituin," mas umingay na ang paligid nang sumabay na kumanta 'yung guitarist.

Halos nahirapan na akong kumanta at para akong nanlamig nang tumingin sa gawi ko 'yung guitarist habang kumakanta. "Ikaw at ako, ooh-whoa, oh.. Tayo'y pinagtagpo, Ikaw at ako, ooh-whoa, oh."

"'Di na muling magkakalayo," napalunok ako dahil hanggang sa kantahin niya 'yung huling linya ay nakatitig pa rin siya sa'kin.

PuhonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon