Chapter 9 - Baby Girl
Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip doon sa sinabi ni Kim kagabi. Antok na antok tuloy ako nang magising ako kinabukasan.
"Ano na Heather? Nasa baba na daw si Kairo," tawag sakin ni Kim habang inaayos ko na din ang mga gamit ko. Ang aga ring dumating ni Kairo or sadyang late lang talaga ako.
"Sana all may energy," sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko 'yung isa pang box na hindi kasiya sa van kanina at bumaba na kami.
Nakita naman agad namin si Kairo pagbaba namin. He was wearing a leather jacket with white t-shirt underneath. He's also wearing a black ripped jeans and black Balenciaga shoes. Agad naman siyang lumapit samin.
"Good morning, KD," bati ni Kim sa kanya.
"Good morning," sagot ni Kairo. "Akin na 'to," kinuha niya sakin 'yung box na bitbit ko.
"Thank you," I said. Kinuha ko naman na 'yung bag ko na pinahawak ko kay Kim kanina.
"Akin na rin 'yan," muling sabi ni Kairo.
"Ay, gentleman," mahinang sabi ni Kim sa tabi ko. Mukhang hindi naman iyon narinig ni Kairo.
"Hindi, okay lang. Tara na," sabi ko at siya na ang nanguna sa paglalakad.
Pumasok na si Kim sa loob at hinintay ko naman si Kairo habang nilalagay sa compartment 'yung box. Nang matapos ito ay naglakad na siya papunta sa harap ko. Tumitig lang ito sakin na parang may gustong sabihin. Bigla akong nahiya at hindi makatingin sa kanya ng maayos.
"You look so dead," sabi niya.
"Wala lang akong tulog," sabi ko naman na hindi parin makatitig sa mga mata niya.
Pinagbuksan niya nalang ako ng pinto at pumunta narin siya sa driver's seat. I shivered because it was so cold inside his car. Napansin naman iyon ni Kairo.
"Use this," binigay niya sakin 'yung hoodie na nakasabit sa may upuan ko.
"Hindi okay lang," muli kong tanggi.
"Dinala ko talaga 'yan para sa'yo," giit niya. Hindi na ulit ako nagreklamo dahil nilalamig na din ako.
"Ehem, hindi po ako multo ha," napatingin ako sa likod. Oo nga pala, kasama pala namin si Kim. "Ang sweet naman."
Tumawa si Kairo at nag-drive na. "Sakto lang."
I just listened to their conversation. "Kumusta ka naman KD? Balita ko wala ka nang pinapaiyak ah," tanong ni Kim.
"Grabe naman 'yon. Wala naman talaga."
"Naks, hindi na nilalapitan."
Tumingin sa'kin si Kairo at ngumiti. Napalunok nalang ako at ginantihan siya ng ngiti. Seryoso, kailangan nang kumalma ng puso ko.