Chapter 2 - Stalker
I still couldn't process what happened. Kahit nang matapos na ang event ay parang hindi ko pa rin maiwasang isipin 'yung nangyari.
"Impossible," I said to myself. Ang daming tao doon kanina, kaya imposibleng ako yung tinignan niya. Pero paano kung ako nga? Kilala niya kaya ako? Weird.
"Anong imposible?" bumalik lang ako sa reyalidad nang tawagin ako bigla ni Kim. Pauwi na kami at naihatid na rin namin si Marcus sa condo niya. Na-stuck pa kami sa traffic pabalik sa Katipunan.
"Beh, na love at first sight na ata ako," sabi ko sa kanya.
Takang tumingin ito sa'kin. Noong na-realize niya 'yung sinsabi ko ay malakas siyang tumawa. Halos hindi na siya makapagmaneho ng maayos dahil sa kakatawa. Parang siraulo.
"Love at first sight? ano ka? high school student?"
"Gagi, seryoso kase! ano ba pangalan nung guitarist na 'yon? nakakairita kanina ko pa siya ini-isip," naiinis na rin ako sa sarili ko.
"Sino ba sa kanila?"
"Yung KD."
"Omg ka!! 'Yon 'yung sinasabi ko sa'yo kanina!" biglang tili niya.
Ang dami niyang mga kakilala sa iba't ibang universities. Hindi ko malaman kung friendly lang siya o ano. Halos lahat kilala niya. Kapag naman gumagala kami, anak ng, laging may lumalapit sa kanya.
"Infairness, may appeal nga," sabi ko.
"Gaga, napakagwapo kamo. Sobrang talented at matalino pa," kwento niya. I thought of him again. Parang makikita mo talaga sa kanya ang mga 'yon. I'm so interested about him.
"Ano bang pangalan niya talaga? and why do they call him KD?" hindi ako nagpahalata na sobrang interesado ako sa kanya pero hindi ata ako nakatakas sa isang 'to.
"Yiee, interesado yarn?" nanunukso niyang sabi. "KD yung nickname. KD Santiago." kinikilig niyang sabi. "Hindi ko alam 'yung real name niya pero para sa'yo tatanungin ko sa mga kakilala ko. Kung malakas lang talaga yung loob ko ng super duper nilandi ko na 'yon, pero girl, ang dami nang umiyak doon."
"Bakit naman?" tanong ko.
"Ay, interesado talaga. Ikaw ha masiyado kang halata," muli na naman niyang asar. "'Yung alam ko ayaw niya talagang magka-girlfriend kaya lahat ng babae na nagbabalak na lumandi sa kanya, nauuwing luhaan. Reject kung reject. Wala siyang pake."
Nagkwentuhan pa kami ng kung ano-ano hanggang sa makarating na kami sa condo ko. Umuwi naman na siya pagkahatid niya sakin. I took a quick half bath before going to bed.
I tried to sleep pero hindi pa ako makatulog. Nilabas ko 'yung cellphone ko saka nag-scroll muna sa social media. Nang maalala ko na naman 'yung guitarist na 'yon ay naisip kong hanapin ang Instagram account niya. I found it pero wala siyang post ni isa. Tinignan ko sa Twitter at doon nga siya mas active.