10 - Pangako

12 1 0
                                    

Chapter 10 - Pangako

After I got out of the washroom and the weird interaction between me and Kairo, I went back to the kids

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

After I got out of the washroom and the weird interaction between me and Kairo, I went back to the kids. Nag-simula narin ang iba pang mga games.

I held my chest. I always lose control. "No. Not now," I told myself.

"Heather, Anak?" Nag-aalinlangan na lumapit si Sister Thea sa akin. 

"Hello po," niyakap ko naman siya.

Tumabi siya sa akin at parehas naming tinignan ang mga bata na naglalaro. "Salamat muli at napasaya mo na naman ang mga bata, Anak."

"Alam niyo naman po kung gaano sila ka importante sa akin."

"Napaka-bukal talaga ng puso mo," I smiled. I couldn't help but become emotional whenever Sister Thea calls me Anak. Sa mga ganoong panahon, mas lalo kong nami-miss ang Mommy ko.

"Hindi na ako magtataka kung bakit nahulog sa iyo ang binatilyong iyon."

Nagtaka naman ako. "Sino po?"

"Siya," tinignan niya ang gawi ni Kairo na nakikipaglaro sa mga bata. Inis na inis na 'yung tatlo kase sila ang pinagtri-tripan ng mga bata. Siya lang ata 'yung nage-enjoy sa kanilang apat.

"Hindi mo ba siya nobyo?" muling salita ni Sister.

"Hindi po Sister," agad kong tanggi.

"Ay hindi ba?" natawa ito. "Pasensya ka na kung ganon. Sobrang saya ko pa naman dahil sa wakas ay nakahanap ka na ng magpapasaya sa iyo."

"Masaya naman po ako Sister. Masaya ako sa mga ginagawa ko at kontento na po akong mag-isa."

Hinaplos ni Sister ang aking balikat. "Wag mong isarado ang puso mo sa ibang tao, Anak. Dahil okay ka nang mag-isa, ay magiging okay ka nang ganyan lang. Magsabi ka sa mga kaibigan mo. Kay Kimberly," sabi ni Sister.

"Natatakot po ako."

"Natatakot saan?"

"Natatakot akong magtiwala ulit," when I said that, there were tears running down my face. Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. "Ano pong gagawin ko? Paano ako magtitiwala ulit?"

"Anak," she open her arms to me and she hugged me. "Wala kang dapat gawin. Kapag dumating na 'yung taong magmamahal sayo, totoong pagmamahal, ay maibabalik niya 'yung tiwala na nawala sayo. Dahil kapag 'yung tao na 'yon nakita ka niyang natatakot, pagtya-tyagaan niya 'yon hanggang mawala na 'yung takot na nararamdaman mo."

Binitawan niya ako at hinawakan ang kamay ko. "Wag mong pilitin, pero wag mo ding pigilan 'yang sarili mo na magtiwala ulit."

Hanggang sa pag-uwi namin ay ang mga sinabi parin ni Sister ang nasa isip ko. Magga-gabi na nang umuwi kami. Umuwi narin ang mga ka-bandmates ni Kairo at kaming tatlo naman ay tahimik lang na nasa sasakyan.

PuhonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon