12 - Ikaw Lang

8 1 0
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 12 - Ikaw Lang

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Chapter 12 - Ikaw Lang

"Are we really going to Baguio?" gulat kong tanong kay Kairo.

Akala ko ay nagbi-biro lang siya kanina nang sabihin niya na pupunta kami sa Baguio. Pagkatapos namin kanina sa public market ay pumunta kami sa grapes farm. Kung saan kami mismo ang pumitas ng mga ubas.

"Malapit lang naman," sabi niya sa akin.

Totoo nga ang sinabi niya dahil pagkatapos ng ilang oras na biyahe, nakarating na kami doon. Hininto ni Kairo ang sasakyan dahil magpi-picture daw muna si Rei dahil maganda ang sunset. When I got out of the car, I shivered. It was so cold at naka shorts lang ako.

"Masiyadong malamig. Doon muna tayo sa loob," sabi ni Kairo sa akin habang hinahaplos ang magkabilang braso ko. "Dadaan muna tayo sa SM mamaya para bumili ng jacket at para makapag palit ka ng pants."

Ayun nga ang ginawa namin. Dumaan muna kami sa SM para makapagpalit ako dahil sobrang lamig talaga. Nakakahiya rin dahil siya pa ang nagbayad ng damit ko. Hindi ko kasi nadala ang wallet ko.

"Hindi ka ba pagod? kanina ka pa nagd-drive at konti lang ang tulog mo. Baka magkasakit ka tapos hindi mo ma-enjoy ang bakasyon na 'to," sabi ko sakanya habang papunta kami ng parking.

"I'm okay. Matutulog naman ako mamaya. Don't worry," he said.

Naging panatag naman ako sa sinabi niya. Pinakita muna ni Rei ang campus niya at 'yung tinitirahan niyang dorm. Pagkatapos no'n ay naglibot kami sa may Burnham Park. Kaliwa't kanan naman ang mga turista doon. Madami paring tao kahit mag di-dilim na. Nag-bike naman sina Kairo at Rei, habang mag-isa akong naglakad doon. I wanted some alone time.

"Nakong, bili ka ng mangga. Matamis ito."

Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin ang isang matanda na naglalako ng mangga. Mukhang kanina pa si Tatay na nagtitinda dahil nakaupo na ito sa tabi at hinihilot ang paa niya. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Masakit narin ang paa ko kakalakad kaya umupo na ako.

"Mukhang mahaba ang araw niyo ngayon, Tay," tanong ko sa kanya habang pumipili ako ng paninda niya.

"Oo nakong. Kailangang mag-doble kayod," sabi niya naman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PuhonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon