7 - Catching Feelings

5 1 0
                                    

Chapter 7 - Catching Feelings

Heather Yrenea @yreneahGood morning and have a great day ahead, loves!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Heather Yrenea @yreneah
Good morning and have a great day ahead, loves!

Fan #1:
Grabe ka naaaaaa ang ganda mooooo

Fan #2:
Ibalibag mo akoooo

Fan #3:
Apakan mo 'ko! Ako pa magpapasalamat!!

kdsantiago:
ganda naman po ng glasses.

Isa narin 'to siguro sa ina-abangan ko araw-araw. 'Yung comment niya sa mga posts or tweets ko. I bit my lower lip to prevent myself from smiling while I reply to his tweet. It's weird how we got so much comfortable with each other after that day. I saw improvements between the two of us.

yrenea.h:
good morning ha?🙄

Ilang minuto lang ay ma-ingay na ang comment section ko dahil sa mga ka-bandmate ni Kairo. Inaasar nila ito sa comment section.

ramvaldez:
Glasses ba talaga? napakahina mo. Parang otit ang mga galawan

justintam:
KUYA NIYO KAIRO NAGTWI-TWITTER NA! Proud dadey here. Labyu nak

tyronlim:
Asim mo pre

kdsantiago:
wala kayong mga kwenta

Natawa nalang ako habang binabasa ang mga bangayan nila. Maya't maya ay bigla namang lumabas ang pangalan ni Kairo sa screen ng cellphone ko.

Incoming call from Kairo....

Agad ko naman iyon na sinagot.

"Hey," I answered while I was heading to the kitchen.

[Good morning] sagot niya naman sa kabilang linya. Narinig ko naman na inaayos niya ang kama niya.

"Good morning," bati ko rin habang gumagawa ako ng chocolate milk ko. Medyo malamig ngayon kaya magandang mag-hot chocolate sa umaga.

[Hey, I'm going to pick you up at 8 sharp, 9am is the call time] sabi niya.

"What?" Napatigil ako sa ginagawa ko. "Ikaw susundo sakin?" Hindi makapaniwalang sabi ko.

[Yeah? Ayaw mo ba? I can just ask my manager if you want.]

"No, I don't mind at all!" I suddenly sound desperate. "Okay I'm gonna prep na. See you," I just said and ended the call. Hindi ko na ito hinintay na magsalita dahil baka bawiin niya pa. Grabe pa naman mood swings no'n.

Good thing I woke up early. It was still 6 am, I had lots of time to prepare. It's already Tuesday, and it was the shooting day for their music video of their album Mahi, which means mahiwaga.

When I told my friends about it, they were so happy. They even bugged me to ask the manager of 4 Flames if they can cameo. Pinayagan din naman ako ni Ate Jea na pumunta since it was a free day for me, and it's still work anyway. Nakapagpaalam na din pala sa kanya si Kairo beforehand, kaya pala approval ko nalang ang kailangan niya noon.

PuhonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon