Chapter 5 - Call me Kairo
"Her boyfriend. Got a problem?"
I saw the tension building up between the two of them. Parang gusto nang suntukin ni James si KD pero nagpipigil ito. Mas sumeryoso naman si KD na siyang ikinataka ko.
"Okay, calm down boys. We're in a public place," pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Ayoko namang lumala pa ito at dahil pa talaga sa'kin.
"He'll take me home, James," I just said. Mabuti naman at hindi na siya nagtanong.
Tumango nalang din si James. Muli na naman itong tumitig ng masama kay KD, bago ito pumunta sa sasakyan niya. Hinatak ko na rin sa braso si KD palayo doon. Nakahinga ako ng maluwag nang tuluyan nang umalis ang sasakyan ni James.
"That was close," bulong ko sa sarili ko. "At ikaw naman," sabi ko sa lalakeng nasa harapan ko na hindi parin nagbabago ang itsura niya. "Thank you for saving be there, but you don't have to go that far."
"I didn't save you."
"Excuse me?"
"Gusto ko nalang umalis doon," sabi niya saka nilagay ang isa niyang kamay sa bulsa niya and he started to walk away.
This guy is unbelievable! I just rolled my eyes and stopped myself to start an arguement with him. "Still, thank you," I followed him from behind.
"Not a big deal," nakampante naman ako sa sinabi niya. "Just a friendly reminder, if you were to reject a guy again, just tell him directly that you don't like him. It sucks being followed around and getting people involved to your drama in life."
Iyon na siguro ang pinaka mahabang sinabi niya sa akin. I just rolled my eyes again as if he's looking at me. "Friendly reminder?" I sarcastically asked.
"Why?" bigla itong lumingon sa akin na siyang ikinagulat ko.
"I just can't reject everyone that easy! I just can't."
"Well, that's not my problem anymore," tinalikuran niya ulit ako.
"Have you ever got rejected?" I suddenly asked that made him stop walking. He looked at me with his coldest stare that made me step back. "Baka siguro ganun lang kadali sayo na sabihin 'yon kasi hindi mo pa nararanasan," I continued.
"I'm just protecting my heart."
Halos hindi naman ako makatingin sa kanya ng deretyo dahil sa sobrang seryoso niya.
"Takot ka sa commitment 'no?" pabiro kong tanong. Hindi ko na kase kinakaya ang mga titig niya sakin. Magkahalong takot at kilig ang naramdaman ko. Ang gulo!
"NGSB ka 'no?" tuloy ko parin. Nang hindi parin ito nagsalita ay agad ko namang binawi ang mga sinabi ko. "Joke lang. Eto naman hindi na mabiro! ang seryoso mo talaga," habol ko sa kanya. Pumasok na siya sa sasakyan niya kaya pumasok din ako sa passenger seat.