Chapter 11 - Meet the Parents
"Bili muna tayo ng snacks. Magu-gutom ka mamaya."
Tinigil niya muna ang sasakyan sa isang convenient store dahil 'yon pa lang ang open.
Alas singko palang ng umaga kaya wala pang masiyadong bukas na mga bilihan. I still don't know where we are heading. Ayaw niyang sabihin dahil surprise daw. There's this place close to his heart daw and we'll celebrate New Year's Eve there. Akala ko hindi na nga matutuloy 'yung deal namin dahil sa mga nangyari. Nakakaloka.
It's been a week since he confessed to me, but it feels like yesterday. The adrenaline is still there. 'Yung nasa ilalim kami ng buwan at sinasabi niya ang nararamdaman niya sakin. That was probably one of the best days of my life.. so far.
Kahit hindi pa man siya umaamin noon, naka plano na itong bakasyon namin kaya eto muna ang i-intindihin ko. Saka na siguro 'yung amin. Nang makalabas siya ng store ay may dalawang plastic bag na siyang hawak-hawak. 'Yung isa ay puro drinks at 'yung isa naman ay puro junk foods.
"Balak mo ba akong bigyan ng kidney stone? ba't ang dami niyan?" tanong ko nang makapasok siya. Na basa pa ang buhok niya dahil uma-ambon sa labas. Kinuha ko naman 'yung bimpo sa may compartment ng kotse niya na dala ko kanina para punasan ang ulo niya. "Lapit ka dito saglit," utos ko at sumunod naman siya.
"Hindi naman puro junk food," sabi niya habang pinupunasan ko ang buhok niya.
Nang matapos ko siyang punasan ay tinignan ko naman ang mga binili niya. Hindi lang pala puro tsitsirya. May mga biskwit, candy, at tatlong sandwich din.
"Ah, gusto mo lang akong tumaba? modelo ako ha."
"'Di ba may mga cheat day naman kayo?"
"You are learning. Tama, cheat day ko ngayon," although araw-araw naman.
Kinuha ko naman ang isang hotdog at kumagat doon. Nag-drive naman na ulit siya.
"Ay! Nakalimutan kong magpabili sa'yo ng gatas."
"I bought some. It's sterilized, is that okay?"
Tumango naman ako saka kinuha iyon sa may plastik bag. Sinusubuan ko din siya habang nagd-drive siya at pinapainom din ito nung binili niyang kape. Kung gaano ako kahilig sa gatas, ay ganoon din siya sa kape.
"Tumatalon ang puso. Sa tuwa ay patungong. Langit na ata. Ikaw ang kasama," feel na feel kong kanta. Kanina pa ako kumakanta at tahimik lang siya na nakikinig sa'kin.
"Sa ilalim ng kalawakan. Pangalan mong isisigaw. Sa ilalim ng buwan ay titigan. At hawakan aking kamay. Isasayaw ka nang dahan-dahan. Hanggang 'di mo mamalayang. Ako na pala ang 'yong kailangan. At gusto mong pamahalaan..."
"Magaling ka palang kumanta."
"Huh? baliw, hindi ah!"
"Really though. You have a soothing voice."