Chapter 3 - Small World
I went out of the coffee shop dazed and confused. Sinundan ko siya hanggang sa sumakay siya sa sasakyan niya at pinanood itong umalis. Nang mahimasmasan ako ay bumalik na ako sa van na malapit lang kung saan nag-park si KD.
"Bakit ang tagal mo?" bungad ni Ate Jea sakin.
"Madaming pila," sabi ko saka umiwas na ng tingin sa kanya.
Tumango naman siya saka lumapit sa driver. "Sa condo po ni Heather kuya."
Hindi pa rin ako mapakali sa nangyari. Hindi ako nakapagsalita kanina, sobrang naguluhan ako. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko nang maalala kung paano siya tumitig sa akin.
"I'll pick you up at 8 sharp tomorrow," sabi ni Ate Jea nang makarating na kami sa condo ko.
"Sige Ate. Maga-aral na ako," sabi ko sa kanya.
"Study well," sabi niya naman saka umalis na ng unit ko.
Naligo muna ako saka nagsimula nang gawin 'yung mga projects at homework ko. Bakasyon nga pero I don't have time to rest. Madaming pinabaon na gagawin ang mga prof namin. Sa sobrang dami at tutok ko sa ginagawa ko, hindi ko namalayan na gabi na pala.
Sinarado ko na 'yung textbook at laptop ko saka pumunta sa may veranda. I peacefully sat there for a while and watched the city lights. I took a photo of it and posted on my ig story.
What a calming view after a long hours of studying <3
Umupo lang ako doon ng ilang minuto saka pumasok na sa loob dahil lumalamig na rin. Nakaramdam na ako ng gutom at doon ko napagtanto na hindi pala ako nagluto. Napagdisisyonan ko na kumain nalang sa karenderya sa baba ng condo.
Nag-shorts at hoodie nalang ako dahil sa baba lang naman ako pupunta. Sa tapat lang ng condo ko 'yung karenderya ni Nanay Lina. Palagi akong kumakain doon kapag wala na akong oras para magluto o kapag late na akong umuuwi galing school. Masarap din kaseng magluto si Nanay. Lagi kong hinahanap hanap ang luto niya kaya kahit may pagkain na ako sa condo, pumupunta parin ako sa kanya.
"Hi Micho," bati ko kay Micho na abala sa pagkuha ng order ng mga grupo ng lalake. Napatingin din sila sakin at natulala. Pamangkin ni Nanay Lina si Micho na siya na rin ang nagpalaki sa kanya. High school student si Micho at lagi din itong tumutulong sa karenderya ni Nanay.
"O, Ate Heather," masayang bati niya sakin. "Nanay andito si Ate Niya!"
Lumabas naman si Nanay Lina sa may kusina at masaya itong lumapit sa akin nang makita ako. "Kumusta ka Anak?" bungad niya sakin.
"Okay lang naman ako Nay. Medyo hindi lang po ako nakapag-luto.. ulit," napapahiyang sabi ko.
Tumawa naman ito. "Mukhang nag-aral ka na naman ng matagal kaya nagpalipas ka na naman siguro ng gutom," sermon niya sakin. "Oh siya, 'yung paburito mo bang sisig?"