Chapter 1: Teaser

93 5 5
                                    

Author's note: Here is the sneak peak for the "Mixed Signals" fanfiction. Please take note that I will start updating once Windows of the Soul closes its book. 

Hope you like it. :) 

.....................................................................................................................

.

.

.

       Pinagmamasdan ko ang aking itsura mula sa repleksyon sa salamin, isang magandang babae ang nakikita ko ngunit kung titignan mo maigi ang kanyang mga mata puno ito ng lungkot at lumbay. Napatingin ako sa orasan na nasa ibabaw ng dresser may panahon pa, oras para pag isipan mabuti kung itutuloy ko ba ang laban o hindi, pinipigilan ko ang aking sarili na lumuha sapagkat kapag nasimulan ko ay tiyak kong hindi na ito titigil pa katulad ng rumaragasang tubig mula sa anyong tubig na talon na dadaloy ng tuloy tuloy. "Lord, God please give me a sign for me to stop... to stop fighting and lead me to where you think I should belong" isang dasal na aking winika na bumasag sa katahimikan ng lugar kung nasaan ako. Isang katok ang bumasag rin ang sa internal turmoil na aking nilalabanan.

       Iniluwal ng pinto ang isang lalake na naging kakampi ko sa loob ng siyam na buwan na paninirahan ko sa bahay na ito. Lumapit sya sa akin at ako'y niyakap, "Iha, ang ganda mo ngayon araw. Pero bakit ka malungkot?". Pinahid ko ang namumuong luha sa aking mga mata, "Kinakabahan lang po ako". Nakita ko ang hindi kumbinsido na reaksyon ng aking kausap "Maloloko mo silang lahat pero kahit anong gawin mo, hindi mo maitatanggi sa akin kung ano nararamdaman mo... Pasensya ka na at naipit ka sa sitwasyon na ito". Isang malungkot na ngiti ang aking isinukli "Opo Sir... alam ko naman po na losing battle, hindi ko na po kaya, pero alam ko rin po na may pangako ako sa inyo". Hinaplos nya ang aking buhok at inayos ang hair ornament na palamuti na nagsilbing halo "Thank you... We have to go" tugon niya. Niyakap ko sya at tinanggap ang kamay na nilahad nya, paalis na kami ang ako ay may naalala, kinuha ko ang mga bagay na iyon may hindi ko mawari na dahilan na nag udyok sa akin na bitbitin ang mga ito.

       Sumakay na kami sa sasakyan, nag iintay sa amin ang kabiyak ng tinuturing ko na ama, isang matamis na ngiti rin ang binigay nya sa akin at hinalikan ang aking pisngi "Anak, salamat... salamat sa lahat... Tayo na". Nag nod lang ako at sumakay na ng sasakyan. Tinahak naman ang isang sikat na hotel na kilala sa aming bayan. Walang mga media na nagkalat sa lugar, marahil dahil sikreto lamang ang mangyayari ngayon araw, mabuti na rin ito para sa privacy naming lahat. Inayos ng tinuturing kong ina ang suot kong puting gown. Sa likod kami dumaan ng hotel para walang makakita sa amin, pasakay na kami ng elevator para puntahan ang venue ng may mga yabag kabi ng paa narinig. "Wait!" narinig namin lahat dahilan para tumigil kami sa aming gagawin.

"Koshino... Fukuda... Kiyota... bakit kayo nandito? Hindi ba dapat nasa taas kayong lahat?" tanong ni Hachiro
"May sasabihin lang po si Kiyota" pag amin ni Koshino

"Hindi ba pwede sa taas na lang magsabi si Kiyota-kun ng kailangan nya?" takang tanong ni Misumi
"Uncle... Auntie... Wala na po oras" may urgency sa boses ni Fukuda na hinihingal pa rin

"Okay lang po Ma'm... Sir... Sige Kiyota-kun, ano ba yung sasabihin mo sa akin?" untag ko

       Nagkatinginan naman ang tatlo, siniko ni Fukuda si Kiyota. Nag nod naman ang binata at nagkalas ng loob sabihin ang saloobin nya "Oli... huwag ka na tumuloy sa wedding nyo ngayon ni Soichiro". Nag gasps ang mag asawa sa narinig nila "Kiyota-kun.. How could you say that" pangaral ni Misumi sa kaibigan ng anak. "Auntie... masasaktan lang po si Oli" pagkumbinsi ni Fukuda. "What do you mean" sharp na tanong ni Hachiro. Nagkatinginan na naman at tatlo "Kiyota, sabihin mo na" pag encourage ni Koshino. Huminga naman ng malalim si Kiyota at nagsalita "Auntie... Uncle...plano po ni Soichiro, sa sulsol ni Cleo na ipahiya si Olivia mamaya sa ceremony... I don't know what happened para mapaniwala si'ya pero its all part of Cleo's plan.. Ang totoo po nyan, hindi po nila tinapos ang relasyon nila, they are dating behind Olivia's back".

          Naiyak naman ang mga magulang ni Soichiro sa nalaman nila, at tinignan ang kasama nila dalaga na itinuturing na anak, "After all what Olivia did to him, gaganituhin nya lang sya. Hindi namin sya pinalaki ng ganyan" may disappointment sa boses ni Hachiro. Nakatingala si Olivia, pinipigilan umiyak "Ito, ito na siguro yung sign na hinihingi ko sa inyo Lord... Thank you" bulong nya ngunit narinig ni Fukuda. Kinomfort sya ni Misumi at panay hingi ng sorry.
.

.

.

.

.

"All this time you knew, Oli?" realization ni Fukuda
"What" chorus naman ng apat

"Ye..s.. I knew since the first week I stayed in the Jin residence... I knew na part din kayo ng plano nila Soichiro-san at Cleo sa bawat torment na naranasan ko... So what is this sudden change of heart? Is the feeling of guilt consuming you three too much? Or baka naman sinasabi nyo sa akin kasi part din ng plan ninyo magkakaibigan?" malumanay na tanong ni Olivia

"No... Oli... no, we are serious about this and we are not part of the plan... totoo pinapakita namin sayo for the past 3 months.. Nalate lang kami to realize na genuine kang tao... We also regret what you have felt because of us" nagpasya si Koshino na maging spokesperson para sa kanila

"Salamat sa pagtulong mo sa amin, sa trabaho... Salamat sa lahat" comment ni Fukuda

       Naguguluhan naman ang mag asawa "What are you four talking about... Anong ginawa nyo kay Olivia?" nanginginig na tanong ni Misumi. Magpapaliwanag na sana si Kiyota ng awatin sya ni Olivia "Its all in the past Ma'am Misumi. Manong, dala nyo po ba dapat yung regalo ko kay Soichiro-san? Pati yung isang box?" pag address ng dalaga sa driver na kasama nila. Napansin ng mag asawa na formal na ang address sa kanila ng dalaga. Nag nod naman ang driver "Yes... Oli-chan, ito" at inabot ang 2 kahon na bitbit. Tinanggap naman ni Olivia ito "Thank you po" at humarap sa lima na kausap nya, "Sir Hachiro... kayo na lang po mag bigay kay Soichiro ng regalo ko, may flash drive po sa loob ng box paki play na lang po sa venue, family and close friends lang naman po ang kasama nyo doon". Nag nod naman si Hachiro sa sinabi ng tinuring na anak "Olivia, tandaan mo anak pa rin ang turing namin sayo at tawagin mo pa rin kami Mom and Dad", nararamdaman nya na may gagawin ang dalaga na ineexpect nya. Nag smile naman si Olivia at nakita ng lahat na hindi ito ang usual smile nito na full of warmth.


      Binuksan ni Olivia ang isang kahon at hinanap isa-isa ang mga sulat na ginawa nya para sa mga kausap nya "Mommy, Daddy... para po sa inyo ito... Yung para kay Goro-jiisan nagkausap na po kami kahapon.. Thank you po for everything", tinanggap ng mag asawa ang handwritten letter na ginawa ng dalaga. "Manong... para po sa inyo at pakibigay rin po kina Manang" katulad ng mag asawa tinanggap din ng driver ito. Nagulat naman ang boys ng may letter rin ang binigay sa kanila, "Ginawan ko rin kayo ng liham, Koshino-san mamaya tawagin mo sa wedding ceremony ang staff ng department, sa layout team, ito rin yung sulat ko para sa kanila... may ibibigay sila sa inyo na documents and recording, paki play rin ito". Nag nod naman si Koshino. Inalis ni Olivia ang veil na suot nya "Mommy... Daddy, sana po hindi kayo magalit kung hindi ko na ituloy ikasal sa anak ninyo... Sobrang sakit na po kasi...". Niyakap naman ni Misumi ang dalaga "Oh... Olivia we are so sorry...", niyakap rin ni Hachiro si Olivia "We understand... please still talk to us after what happened. We are sorry, Olivia".

      Pinahid ni Hachiro ang namumuong luha sa mata ng anak "Daddy... can I ask for a favor?" tanong ni Olivia. Nag nod naman ang nakakatanda, "I want to leave na po dito.. I'm feeling suffocated... I want... to.. leave..." dagdag ng dalaga. Nagkaintindihan ang mag asawa sa hidden meaning ng sinabi ng kausap nila. Tumango si Misumi at umiiyak "I'm sorry Mommy..." wika ni Olivia. Niyakap ni Misumi ang dalaga "Please inform me where are you going... I won't tell my son" pag assure nya. Nag nod naman si Olivia "Opo", nag bow sya sa parents ng ex-fiance at nagpasya umalis "Olivia... magpahatid ka na kay Dave" untag ni Hachiro. Pumayag naman ang dalaga, nag bow si Dave sa kanyang mga amo at hinatid si Olivia sa sasakyan at umalis na sila.

         "Boys... you will tell me what are the things you and my son did to Olivia" utos ni Misumi. Nag nod naman ang tatlo at nagpasya sila na ito na yung panahon para malaman nila ang nangyari kay Olivia. "Tsuma... later na lang after what we need to do... Pumunta na tayo sa Hall.. We are just in time" malumanay na wika ni Hachiro pero nararamdaman nina Kiyota, Fukuda at Koshino na galit ito. Pinindot ng ama ni Soichiro ang elevator sumakay silang lahat at nag tungo kung nasaan ang mga nag aantay na bisita. 

Mixed SignalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon