continuation of Chapter 2
Humahangos papunta sa hospital si Koshino, lumapit sya sa information desk "Excuse me, may dinala ba dito na pangalan ay Olivia Ysobel" tanong nya. Tinuro naman ng babae kung saan ang E.R. papasok na ang binata sa E.R ng makita nya sa waiting area sina Hachiro at Misumi. "Auntie... Uncle, kumusta po si Olivia?". Si Hachiro na ang nagsalita dahil panay iyak pa rin si Misumi, "Dinala si Olivia sa O.R. inaantay pa namin lumabas ang doktor" Tinuro nya ang O.R na nasa dulo malapit sa X-ray. 30 minutes din sila nag hintay ng namatay ang ilaw sa ibabaw ng pinto ng Operating Room.
"Relatives of patient Olivia Ysobel Watanabe?" tanong ng doktor
"Yes po Doc... kumusta ang anak namin" tanong ni Hachiro"The patient is in stable condition.. We need to remove glass shards sa throat nya.. Hindi nya magagamit ang voice box nya unfortunately.. besides that, stable naman ang condition nya, She will wake up soon" pag assure ng Doctor
"Thank you Doc... Can we see her?" tanong ni KoshinoNag nod naman ang doctor ngunit sinabihan sila na ililipat muna sa private room si Olivia at tatawagin na lang sila ng nurse kapag settled na ang lahat. Nagpasalamat muli ang tatlo lumabas si Dave mula E.R. may bandage ang kanang braso nito, at may benda ang ulo.
" Manong Dave... kumusta ka? Hindi ka ba napuruhan?" tanong ni Koshino
"Okay na ako.. Salamat Koshino.. Kumusta naman si Oli-chan, may balita ba?" tanong naman ni DaveIpinaliwanag naman ni Hachiro ang sinabi ng doctor, additional 30 minutes ang lumipas ng may lumapit na nurse sa kanila at inassist sila na makapunta kay Olivia. Nakita nila na mahimbing na natutulog ang dalaga may benda ang buong leeg at mga braso. Naawa sila sa dinanas ng dalaga. Lumapit si Misumi at hinawi ang buhok ng dalaga "Oli..." mahina untag nya. Pinakalma ni Hachiro ang asawa "Tsuma.. Huwag ka na umiyak. Hindi gusto ni Oli na umiiyak ka". Nag nod naman si Misumi. May kumatok at pinagbuksan ni Dave ito, ang nurse na nag assist sa kanila kanina ay may dala na notebook at ballpen, "Sir... matagalan pa po makapagsalita si patient, kapag po nagising na sya pasulat pa lang po pwede sya makipag usap, bilin po ni Doc,bawal din po sya uminom ng kahit ano maging kumain". Tinanggap naman ni Koshino ang binigay ng nurse.
Nag decide si Dave na bumili ng coffee para sa kanilang lahat, nag paalam ito saglit. Naalimpungatan naman si Olivia at iminulat ang mata, ngunit inaantok pa sya "Sleep... you can sleep more" narinig nya ang isang maamong boses at hindi na nilabanan ang antok. Nagkatingan ang tatlo
"Ano na po mangyayari kay Oli?" tanong ni Koshino
"Aalis sya dito... Katulad ng sinabi nya sa hotel" wika ni Hachiro"At susuportahan namin kung ano ang gusto nya, tama ba Anata" paliwanag ni Misumi
"Oo.. Tsuma" hinalikan ni Hachiro ang kamay ng asawaAlam nila na ulila na si Olivia kaya iniisip nila kung saan gusto magpunta ng dalaga. Bumalik na rin si Dave na may dala inumin para sa lahat. 2 hours after ay nagising si Olivia, gusto nya magsalita ngunit hindi nya magawa.. "Oli, hindi ka pwede magsalita pa.. May sugat ka sa throat.. Sabi ng doctor pa sulat ka lang muna maari makipag communicate" wika ni Koshino. Tahimik lang si Olivia, "Anak... may gusto ka ba? May masakit ba sayo?" nag aalala si Misumi. Binigay ni Dave ang notebook at pen sa dalaga "Iaayos kita ng upo".
Ngumiti naman si Olivia at hinayaan si Dave sa gagawin nito. Nang maka upo ay sinumulan ni Olivia na magsulat sa papel kahit nahihirapan sya "Okay lang po ako... Kayo po Manong Dave okay na rin po ba kayo... kailan po ako pwede umalis ng ospital.. Aalis... aalis po ako dito :(" may sad face sa sinulat nya. "Malaman pa natin sa Doctor" paliwanag ni Hachiro.
"Ok" sinulat ni Olivia, "Saan ka pupunta Oli.. Wala ka na... magulang hindi ba?" alanganin na tanong ni Koshino. "Hindi ko alam... malayo... basta malayo dito" tugon ng dalaga. "Hindi namin ipapalam kay Soichiro kung nasaan ka man. Ito ang tandaan mo, kung ano man ang desisyon mo susuportahan ka namin" wika ni Misumi at hinaplos ang buhok ng dalaga. Lumapit naman si Koshino sa dalawa, "Oli... let me help you, na makaalis dito... please... tutulungan kita, namin nina Uncle". Nag nod lang si Olivia at sumakit ang ulo nya dahilan para mapahawak sya dito "Huwag ka muna magkikilos Oli-chan, hindi ka pa okay" paalala ni Dave.
Si Koshino ang nag volunteer na tulungan si Olivia na makahiga ulit sa kama, "Inaantok ka pa ba Olivia?" tanong ng binata. Sinabi nya na mag smile ito kung oo ang sagot. Poker face lang si Olivia kaya nagtawanan sila lahat, dumating naman ang doktor at chineck ang dalaga, tinanong ng mag asawa kung hanggang ilang araw mag stay ang pasyente dito, inaantok pa si Olivia at nalunod sa mga boses ng mga nag uusap na nagdala sa kanya sa mahimbing na tulog.
.
.
.
.
.2 days after mas stable ang pakiramdam ni Olivia, dumating rin ang lolo at lola ni Soichiro upang kamustahin ang dalaga. Pinaalam ni Olivia ang plano na na umalis na lugar na ito, naintindihan naman nila ang dahilan ng dalaga "Tulungan ka namin... Huwag mo kami tanggihan" inunahan na ni Goro ang tinuturing nya apo at nag ligtas rin sa buhay nya. "Kayo po ang winner ngayon kasi hindi ako makapagsalita" sinulat ni Olivia. Tumawa naman si Chiyo "Yes.. mag iingat ka.. Si Koshino ba ang kasama mo papunta doon?". Nag thumbs up si Olivia "Nasaan na ang bata na yun?" comment ni Goro.
Bumukas naman ang pinto ng hospital room ng dalaga, si Koshino na kadarating lang "I'm sorry late ako.. May sumunod po sa akin kanina" paliwanag nya. Nag alala naman si Olivia "Si Soichiro ba?" tanong ni Chiyo. Nag nod ang binata, "Nawala mo ba sila?" tanong ni Goro. Nag smile si Koshino "Yes po... nag taxi po kami.. Kasama ko po dapat si Kiyota at Kicchou pero napansin namin na sinusundan nila kami kaya nagpaiwan yung dalawa". Narinig ng tatlo ang pag scribble ni Olivia "Maraming salamat Koshino-san". Lumapit naman si Koshino sa dalaga ang niruffle ang buhok nito ng bahagya "Welcome.. So, ready ka na ba?". Nag thumbs up si Olivia bilang tugon.
"Dave... ihatid mo si Hiroaki at Olivia sa train station" paki usap ni Goro
"Yes po Sir" kinuha ni Dave ang bags ng dalagaNiyakap ni Olivia ang mag asawa, "Goro-jiichan, Chiyo-obaasan pwede nyo rin po ba ako ihatid rin sa train station?" sinulat nya sa notebook. Nag smile naman ang mag asawa "Oo naman iha.. Huwag mo kalimutan na padalhan kami ng liham" paalala ni Goro. Umalis na sila ng hospital room at palabas na ng building. Malamig na hangin ang sumalubong sa kanila, ninamnam ni Olivia ang sariwang hangin at pinikit ang mata "New hope... New beginning awaits me in this new journey..." bulong nya sa hangin at sinundan na ang mga kasama pasakay ng sasakyan.
...........................................................................................................................
Author's note: I know, this is quite short compared to the other SD Fics but as the plot progresses hahaba po ang bawat chapters.. Stay tune po. :)