-Olivia Ysobel (POV)-
"Teacher Oli... Teacher Oli play with us"
"Sorry babies... pero nap time na, you need to sleep and maybe tomorrow mag bake tayo ng cookies"
"Aww.."
Hindi ko maiwasan mag giggle sa antics ng aking inaalagaan, lahat sila ay may pouty expression and big doe eyes. Tinitigan ko lamang sila ng seryoso bago tumango indikasyon na ako ay seryoso sa aking sinabi. Wala na nagawa ang mga bata, ayaw man nila ay humiga sila sa designated sleeping mattress na hinanda ko kanina, kinumutan ko sila isa isa, at kumanta rin ako ng pampaantok na awitin, ilang minuto lang ay mahimbing na sila natutulog. Dahan dahan ako nag lakad papunta sa pintuan at lumabas ng kwarto, sinara ko rin ang pinto at nag tungo kung nasaan ang longue namin mga Child Care Workers.
Ako nga pala si Olivia Ysobel Watanabe, nagtatrabaho bilang tagapag alaga ng mga bata sa isang Day Care bilang Teacher Assistant. Apat na taon na rin ang lumipas simula ng iniwan ko ang Kanagawa, marami masaya at masalimuot na karanasan ang baon ko. Paminsan minsan ay sumasagi pa rin sa aking isipan ang mga kaibigan, katrabaho at tao na nakilala ko sa lugar na iyon "Kumusta na kaya sila?" pag muse ko. Gumawi ang tingin ko sa bintana, huli ko ang pagsayaw ng hangin sa malalagong dahon ng nagtatayugang puno sa bakuran sa labas. Naputol ang muli paglalakbay ng aking isipan nang tinawag ako ni Miss Anzu "Teacher Oli... may bisita ka nasa front desk kaharap si Himari.Si Miss Anzu ay ang Directress ng DayCare na aking pinapasukan. Kung titignan iisipin na isa syang striktong tao dahil sa pustura nito - naka pusod o bun ang lahat ng kanyang buhok, naka suot ng antipara at sa pananamit naman ay palagi ito polo at pencil skirt, syempre hindi mawawala ang blazer nito. Kadalasan kulay ng ensemble ni Miss Anzu ay gray, navy blue o kaya naman black ang yari ng mga damit ay mula sa mga tweed or plain texttured fabric. Sa pananamit pa lang ni Ma'am talaga naman malalaman mo sa sarili mo na kailangan syang respetuhin. Sa kabila ng pagiging striktong aura, kapag nakilala mo na si Miss Anzu do'n mo masasabi na mabait at masayahin ito. Mabait sya sa aming mga empleyado ngunit nagiging mahigpit sya kapag may kinalaman na sa aming trabaho at sa kaligtasan at kapakanan ng mga bata. Nakakatuwa rin isipin na manipis ang kilay ni Miss Anzu ngunit bagay naman sa kanyang buong mukha, pansin ko rin na kapag ngumiti o tumawa si Ma'am - - bihira lamang mangyari ito, nawawala ang mata nito. Narinig ko ang pag tigim ng aming directress, agad ako nagbigay galang ako bilang pagpapakita ng respeto "Maraming salamat po Miss Anzu...".
Ginawaran lang ako ni Directress ng stiff nod bago sya umalis, binatukan ko ang aking sarili sa aking isip "Ano ba naman yan... Oli... nakakahiya kay Miss Anzu" pangaral ko sa aking sarili. Nilapitan ko muna bintana para gamitin para makita ang repleksyon ko, sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kanang kamay, pinagpagan ko rin ang aking suot na uniporme nang masigurado ko na presentable na ako ay lumabas na ako ng teacher's lounge.Pumunta ako sa entrance at nakita si Himari ang Administrative Assistant ng Daycare. Si Himari, ay pamangkin ni Miss Anzu, pareho silang matangkad at kulay itim ang buhok. Ang kaibahan lamang nila ay mahiyain si Himari at timid ang personality.
"Hello Miss Himari, may naghahanap daw po sa akin?" magalang kong tanong(Tumigil si Himari sa pagsalansan ng mga logbooks at ngumiti)
"Oo.. Teacher Oli, nasa waiting area sila.."
"Thank you, nagpakilala ba sila?""Hindi ko tinanong sorry" umiling si Himari bilang tugon sa aking tanong
Ngumiti ako at muli nagpasalamat. Nagpunta sa waiting area, nagulat na lang ako ng makita kung sino ang bisita ni tinutukoy nila, "Ma'am Olivia" bati ni Sayuri, kasama si Koshino, Fukuda at Kiyota maging sina Misumi at Sir Goyo ay kasama rin nila. Binati rin nila ako isa-isa. Si Sayuri ay kasamahan ko noon sa kumpanya ng mga Jin. Masasabi ko na mabait at kasundo ko siya, palagi nya sinusunod ang mga utos ko bilang kanyang supervisor.
-END POV-
"Olivia, ano nangyari sayo... Ang payat mo" nag aalala si Misumi na hinawakan ang mukha ni Olivia at sinuri itong maigi
"Hindi ko po napansin na namamayat ako... Baka po pagod lang. Kumusta po kayo lahat" paliwanag ni Olivia
"Ma'am invite po namin kayo mag lunch" pag anyaya ni Sayuri
"May one hour pa bago matapos ang shift ko okay lang po ba sa inyo mag hintay?"
Sinabi naman ng lahat na oo. Nagpaalam si Olivia at bumalik sa loob. Nag uusap naman ang naiwan ni Olivia "Auntie... malaki po ang pinayat ni Oli" comment ni Kiyota. Sumang ayon naman si Koshino at Fukuda. "Baka may sakit si Olivia hindi nya lang pinapaalam sa atin" comment ni Goro. Nabuo naman ang desisyon ni Misuri "Aalamin ko kung ano man ang sakit nya at aalagaan ko si Olivia". Ganun rin ang nasa isip ng boys. Hindi namalayan ng lahat na lumipas na ang oras, may narinig sila mga yabag ng paa. Bumukas ang pintuan at pinaupo ni Olivia ang mga bata sa bakanteng upuan. Inayos ng dalaga ang suot na sumbrero ng mga bata.
"Teacher Oli... yung promise nyo mag bake tayo cookies bukas" wika ng isang bata babae
"Oo nga teacher... Promise nyo yan" sang ayon ng iba
"Nag promise ba ako? Parang wala naalala si Teacher Oli" nag thinking pose si Olivia at umarte na walang naalala, dahilan para umigay ang mga bata
"Haha, nag joke lang ako. Syempre naalala ko.." tugon ni Olivia
"Yehey... Cookies... Cookies" chant ng mga bata
"Cookies... Cookies..." ginaya ni Olivia ang sinasabi ng inaalagaan
Nag giggle ang mga bata, pinagmamasdan naman sila ng mga bisita ni Olivia, ngayon lang nila muli nakita ang genuine and warmth smile ng dalaga. Bumukas ang pintuan sa labas at isa isa na dumating ang mga magulang. "Babye.. Teacher Oli... See you tomorrow" chorus ng mga bata. Kumaway naman si Olivia sa mga ito, nakita ng grupo nina Goro na may naiwan na batang lalake hinawakan nito ang kamay ni Olivia. Lumapit ang dalaga sa kanila, "Salamat sa pag hintay, tayo na po". Nag nod naman sila at lumabas na rin ng daycare. Pinagmamasdan ng boys ang bata na kasama ni Olivia. Hindi naman sila pinansin ng dalaga. Sumakay sya kasama ang bata na kasama nya sa sasakyan na dala ni Goro.