Chapter 6

19 2 5
                                    

        Pinagsama sama ni Olivia ang mga activity sheet na sinagutan ng mga bata sa loob ng silid. Alas nuebe onse na ng umaga nasa kabilang silid ang mga bata kasama si Teacher Allen, may maliit na pagkurba ng labi ang dalaga nang marinig ang magkakasamang boses ng mga ito na humahagikgik. Tinakpan nya ng kanang kamay ang bibig ng sya mismo ay may sarili pagtawa, paano ba naman ramdam nya sa boses ng kaibigan na bahagya itong na stress sa pagkuyog ng mga bata


"Teacher Allie.... Bakit hindi po pwede?"
"Eh Teacher, gusto ko po yung hawak na instrument ni Jun..."


"Hawak ko na ito... kuha ka na lang ng iba"
"Teacher Alliii, let's play outside"
"Yes!!! Outside outside!!"


"Nooooo....."
"Yesssss..."


"Teacher Aliiiiiiiiiieee!!!!"

       

         May pag iling ng ulo si Olivia "Oh dear.." naimagine nya ang itsura ngayon ng kaibigan, nagpadala rin sya ng tahimik na panalangin "....lavarn lang Teacher Allie". Kung hindi sya nagkakamali music class na ngayon ng mga bata; basic lang naman ang tinuturo sa mga ito. Isa sa curriculum na inooffer ng Day Care ang arts, crafts and music course, mayroon din basic math na tinuturan ang mga bata ng pagbibilang, writing, language at baking. Dito binibigyan ang mga bata ng pagkakataon na mamulat sa larangan ng sining sa mura nilang edad. 

           |
         Nais din ng Day Care na magkaroon ng hilig ang mga bata sa ganitong bagay at ilimita sila mga gadgets na naka apekto sa learning and mental development. Ito rin ang isa sa dahilan ng marami pang mga magulang na nagtiwala sa Little Lamb Day Care, gusto ng mga magulang ang mga curriculum na tinuturo nila. Hindi man pormal na edukasyon na maituring - malaking tulong ito para matutukan ang mga bata at mabigyan ng pagkakataon na matuto ng mga bagay bagay lalo na at hindi naman sila lubusan mabantayan ng kani-kanilang mga magulang na abala sa kanilang trabaho.


           Kumbaga kahit naglalaro ang mga bata sa Day Care, may pagkakataon rin sila para matuto at makakuha ng kaalaman na maaari nila magamit sa araw araw.


        Nang matapos ng teacher assistant ang ginagawa ay agad nyang sinamsam ang mga coloring materials na ginamit ng mga bata at binalik sa orihinal nitong lagayan. Pagkatapos ay kinuha nya ang basahan at alcohol na nasa sulok malapit sa blackboard, isa isa nyang nilinis ang lamesa -- anim na lamesa lang ang nasa silid. Mabababa ito na angkop lamang sa mga bata, sa bawat lamesa may apat na upuan para maluwag silang nakakilos. Binura rin nya ang nakasulat sa board at nagsimula na isulat ang lesson para bukas - ang pagsulat ng malaki at maliit na titik O, maging kung paano ang tamang pagbigkas ng letra na ito.


       Gumawi ang tingin nya sa suot na relo, sa kanyang tantsa ay marami pa syang libreng oras ngayon umaga. May paghinga sya ng malalim "Ang unproductive ko naman today... hindi pwede itey...". Gamit ang mga daliri ay tinipa nya ang ibabaw ng lamesa habang nakatingin sa bintana, hindi dapat ganito ang nangyayari sa kanya. Dapat ngayon mga oras ay abala sya ngunit sadyang may mga araw siguro na talagang wala ka gagawin. Sa pagtagilid ng inuupuan nya gumawi ang tingin nya sa desktop na nanahimik sa silid. Nagpabalik balik ang tingin nya dito at sa katabi nitong printer. Bigla may recognition ang kanyang mga mata, nagmadali sya tumayo para buksan ang desktop, pagkatapos ay inopen nya agad ang work email address na inassign sa kanya at hinanap sa google drive ang isang shared folder.


            Sa mga folder na ito nakalagay ang mga soft copy ng mga activity sheets na gagamitin ng mga bata, may ilan dito na draft pa lang at kailangan pa irebisa bago i-print. Binuksan nya ang isa pang folder kung saan naka imbak ang mga files na gagamitin nila para bukas. Protocol sa Little Lamb na isang linggo bago pa ang lesson ay kailangan handa na ang learning module ng mga bata kahit hindi pa ito finale para hindi sila magahol sa oras at hindi maapektuhan ang aralin ng mga bata. Binasa nya ang nakalagay sa activity sheets, may ilan corrections na isinaayos na rin ngayon ni Olivia. 

Mixed SignalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon