Chapter 11

21 1 0
                                    

Pakiramdam ng mga nasa meeting ngayon ay naubusan sila ng hininga sa init na humahaplos sa kanilang balat, air condition ang kwarto at well ventilated rin subalit kahit ganon ay maihahalintulad nila ang mga sarili sa nauupos na kandila. Bakit nga ba ganito ang pakiramdam nila, nagpapalitan ng mainit na salita ang 'Creative Team' at ang Camp ni Aki...


"We need to start the shoot in pronto"
"We can't do that... the preparations has just began"

"We also understand that you are protecting the credibility of your artists and all but be reasonable enough to understand as well to not fall into the trap of the media"



"So... You're telling us that it's our Aki's fault?? Fyi, hindi kami mag mamadali kung
hindi lumabas sa tv ang mga draft designs and concepts shoots...

You should also be thankful
we're not filing any lawsuit against your company... May data privacy agreement tayo"


 Huminga ng malalim si Soichiro at pinakalma ang sarili, katuwang nya si Hasegawa, Ikegami at Takasago sa pagpapaliwanag sa kampo ng model nila for this collection na si Aki. May apat na buwan na ang lumipas simula ng nagkasundo ang dalawang kampo para sa project na ito. Hindi nila inasahan ang paglabas ng mga articles at news sa tv about sa mga larawan ni Aki para sa teaser video na dapat irealease nila 3 months from now, marami nag reach out sa both parties lalo na sa agency ni Aki to start the photo shoot immediately, ang Stellar Artist Agency feeling the pressure from the press and the fans they have no choice but to comply since naglabas rin ng teaser ng isang endorsement ang number one competition ni Aki na mula sa Crescent Artist Agency.


"Lady Chiyo even told us that the venue is good to go, so what's the problem" tanong ni Mori ang Manager ni Aki

"Maybe the clothes are not yet ready" sumingit si Aki sa usapan




Napalingon naman ang lahat kay Aki na naka sandal lang sa pader na may bored expression habang nag diskusyon ang dalawang panig "I'm correct right?" dagdag pa nya. Ni isa mula sa "Style Palette" ay walang nagsalita in which tinake nina Aki as a yes, inalis ng binata ang suot nyang shades a lumapit sa nag-uusap "Mori-san, perhaps we are pressuring them". Pinisil ni Mori ang pagitan ng kanyang kilay "Aki-chan! We're not... Nangako sila na 4 months after our agreement tapos lahat ng clothes for this collection... And 4 months na ang lumipas". Nagtaka naman ang grupo ni Soichiro hindi nila alam kung sino nagsabi kina Mori nito "Excuse me, Mori-san who told you that?" magalang na tanong ng binata.


"Darling Sayuri, told me before ng magkausap kami sa phone..." explanation ni Mori

(Nagkatinginan na naman ang magkakaibigan) 


"Hikoichi paki tawag si Sayuri" pakisuyo ni Ikegami


"No need nandito si Sayuri" comment ni Koshino


 Lumapit nga si Sayuri sa kanila "Darling tell them hindi ba ikaw ang nakausap ko sa phone..." wika ni Mori, kinabahan sila ni Aki ng umiling ang dalaga "Mr. Mori wala po ako naalala na binigay ko sa inyo ang number ko..." pagkatapos mag salita ay tinitigan nito sa mga mata ang modelo ".... si Mr. Aki lang po ang nakausap ko noong time na may pinatanong si Ma'am Oli". Tinanong naman ni Mori ang alaga nya "Yes.. Totoo ang sinabi ni Sayuri-san... Nasa phone mo pa ba ang conversation?" tugon ni Aki. Kinuha ni Mori ang phone nya at hinanap sa inbox ng viber ang history ng conversation nila ng nagpakilala na "Sayuri". Kinuha ni Aki ang kanyang phone at pinakita ang contact number ni Sayuri.


"Magkaiba ang contact number" realization ng lahat

(Nagkumpulan ang nagkakainitan na grupo para makita ang sinasabing contact number) 


"Ito ang real number ko" wika ni Sayuri at tinuro ang phone ni Aki


"May nag sabotage sa atin" comment ni Hasegawa na narinig ng lahat
"Or baka naman sa camp nila Aki may nag sabotage" mula naman kay Ikegami



 Minasama naman ng Stellar Artist Agency crew ang sinabi ni Ikegami, gumawa ng surrender pose ang binata at ipinaliwanag ng maigi ang nais nya sabihin "I think both... may gusto pabagsakin ang companies" singit ni Koshino. Ang atensyon ng lahat ay nasa binata na sa pagkakataon na ito "Look, how come ma irelease agad sa media ang clips ng teaser ni Aki-san kung walang may access sa 'team' behind the project". May contemplative looks naman ang lahat at sumang ayon sa sinabi ni Koshino. "Hindi pa nga nasimulan ang pag gawa ng mga clothes for the collection, next week pa kami mag start, ang sinuot ni Aki-san sa photoshoot ay sample collection na tinabi ni Olivia" paliwanag naman ni Kiyota.


"Paano 'fit' kay Aki ang mga damit?" takang tanong ni Mori

"Naalala ko po nung tinahi ni Ma'am Oli ang mga damit sa collection na yun sabi nya naisip nya na si Aki ang mag model ng mga yon" paliwanag ni Sayuri


"Alam na alam ni Oli ang sukat ko ah" may mahina pagtawa si Aki sa nalaman nya

(Bahagya nainis si Soichiro sa suggestive na sinabi ni Aki)

Mixed SignalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon