Chapter 10

26 3 0
                                    

Nasa sariling office si Soichiro, 4:30pm na ng nakabalik sila kahapon mula Osaka nina Kazuma at Hikoichi. Tinanong agad sila ni Hachiro kung saan sila galing, hindi naman sya nagsabi sa secretary kung nasaan sya. Nakaisip agad si Hikoichi ng alibi na tinanggap naman ng mga magulang ng binata ang dahilan. Naalala nya ang bagay na kailangan nya gawin, pinindot nya ang isang button na nasa desk nya .


"Yua, please call him tell that I need to talk to him"
"Got it Sir.. Inform ko lang po kayo according to his secretary 11:00 am pa po s'ya available..." paliwanag ng secretary ni Soichiro


"It's okay... When you call him say that it's an urgent matter I will be the one to discuss it with him"
"Hai Sir"


Tinapos na ni Soichiro ang tawag, habang inaantay ang kakausapin ay sinimulan na nya ang ibang trabaho. Isang katok mula sa pintuan ang pumutol sa konsentrasyon ng binata sa ginagawa pumasok si Yua (Secretary) kasama ang inaantay ni Soichiro. "Sir maiwan ko na po kayo" wika ni Yua. "Thank you.." tugon ni Soichiro. Umupo silang dalawa sa couch sa opisina. 5 minutes bumalik si Yua na may dala coffee para sa kanyang boss at bisita nito at umalis na rin.


"Now, cousin bakit mo ako pinatawag?"
"Toki... nakita ko na sya"


"Really... si Oli? She's back here in Kanagawa?"
"Wala sya sa Kanagawa..."


"Huh? Eh saan mo siya nakita?"
"Sa Osaka"


Nagulat naman si Toki ang pinsan ni Soichiro sa nalaman. Kiniwento ni Soichiro ang mga naganap mula sa Planetarium hanggang sa pagsunod nila kahapon kay Olivia. Tahimik lang si Toki at inantay matapos magsalaysay ang pinsan, "Nakaka awa naman si Olivia, wala na rin kasi sya mga magulang sarili na lang nya ang aasahan nya". "Binanggit ni Fukuda na sa palagay niya may sakit si Oli kahit hindi nagsasabi ito sa kanila. Sinabihan nya rin kami na tigilan na ang paghahanap sa kanya" paliwanag ni Sochiro nakatingin sya sa may pintuan.

Tinap ni Toki ang ibabaw ng desk ng pinsan "May communication pa sila sa palagay ko... Sina Uncle, Auntie pati si Gori-jii at si Chiyo-baa alam ko pinupuntahan nila si Oli at nagkakausap pa rin sila until now. Hindi lang nila pinapaalam sayo as request din ata si Oli. Si Mom lang nag kwento sa akin. Malaki ang utang na loob nila kay Oli.. Tanggap sya ng buong family natin.. Ewan ko ba naman kasi sayo cous... gago ka rin eh". Tahimik si Soichiro hindi sya nag react sa comment ni Toki, "Malayo ang ugali ni Olivia sa ugali ni Cleo sa totoo lang. Tsk" dagdag ni Toki nagtanong rin sya kung ano ang dahilan kung bakit sya pinatawag ng pinsan hindi sya naniniwala na para lang ipaalam ang whereabouts ng dalaga. Sinabi naman ni Soichiro ang naisip nya gawin, nakinig lang si Toki sa sinabi ng kasama.


"Oo nga... kapag nakita ka nya baka umalis na yun sa Osaka hindi pa sabihin kina Chiyo-baa kung saan sya titira... Hooh" nanginig ang buong katawan ni Toki ng maimagine ang lola kapag nagagalit ito magkasabay pa sila ni Goro ay sure nakakatakot na experience

"Ikaw lang ang naisip ko na makatulong sa akin, insan..." tugon ni Soichiro


"Hmmm... sure cous.. Wala problema naging close rin naman kami ni Oli noong nagstay sya sa district natin hindi ko rin ipapaaalam kina Jiichan.. Nako parang apo pa nga nila si Oli kaysa sa akin ay sa atin pala... Favorite nila yun kahit si Mom"


Nag share ng laugh ang mag pinsan, sa compound nila mas pinapaboran si Olivia at lahat ay nakasundo ng dalaga regardless of age. "Ano nga pala balita kay Cleo" tanong ni Toki. "Hindi ko alam kung mayroon bago... Nag email si Uncle John ang sabi nya ay hindi nya pababalikin ang anak sa Japan" paliwanag ni Soichiro. "That's good... pure evil and spoiled brat si Cleo totoo lang... Masaya nga employees natin ng nawala sya rito" comment ni Toki. Sinabi rin nya na next week sya pupunta ng Osaka.


"Thank you Toki" wika ni Soichiro
"No problem... Soichiro, tandaan mo lang huwag mo lang ulit sasaktan si Olivia"
seryosong tugon ni Toki


Dumating si Yua, "Mr. Soichiro... Mr. Toki, hinaantay na po nila kayo sa meeting room". Sabay tumayo ang mag pinsan at nagtungo kung nasaan ang mga ka meeting.


.....

Nagpasya si Olivia na maglinis ng bakuran. Bago ang lahat, nagsuot sya ng bandana sa buhok para hindi maging sabagal ang pagwasiwas ng buhok sa kanyang kilos. Kinuha nya ang walis tingting na katabi ng garbage bin malapit sa gate. Nagsimula sya walisin ang mga dahon na nahulog sa puno "Lucas! Pasuyo si Tita... pakibigay sa akin yung sako...". Humahangos ang bata na tumayo sa may beranda ng bahay "Saan nakalagay Tita Mommy?". Nilakasan ng dalaga ang boses at sinabi na nakapatong sa may hapagkainan nila, bumalik sa loob si Lucas at mabilis rin bumalik dala ang pinakisuyo ng tiyahin.

Mixed SignalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon