Tumatakbo ang boys sa loob ng meeting room, may ilan minuto pa bago mag umpisa ang meeting. Dahil nga sila pa lang ang nandito naisipan na mag habulan ng mga ito, ang trash can na nanahimik sa likod ng pintuan ay pinatong ni Sakuragi sa ibabaw ng table. Ang lamesa ay nasa unahan ng kaliwang bahagi ng silid sa gitna naman ay ang 55-inch tv screen kung saan pinaplay ang ilan video o clips na may kinalaman sa meeting. Ang payapa at maayos na board room na pinagdarausan ng mga pribado at importanteng meeting ay isa ng magulong silid. May mga binilog na papel na nakakalat sa sahig, ang mga swivel chair ay wala rin sa ayos.
"3 points from the Tensai Nyahahah" nakapamewang si Sakuragi pagkatapos pumasok ng basura na hinagis nya sa trash can
"At talagang proud pa sya" natatawang turan ni Hasegawa
"Sa lahat ng tira, ayon lang pumasok..." malumanay na wika ni Rukawa na inihagis rin ang basura na hawak at pumasok sa basurahan
(Kinainis naman ni Sakuragi ang sinabi ng katrabaho)
"Oi... RUKAWA PABIDA KA NA NAMAN NOH... ARRRRGGGGHHH"
Hindi natapos ni Sakuragi ang sasabihin dahil pinaulanan sya ni Rukawa ng sunod sunod na rolyong papel na basura, ang isa pa dito ay pumasok sa bibig nito. Humagalpak naman ang tawa ang the rest of the boys sa pangunguna nina Hasegawa at Kiyota, napailing lang si Koshino samantala may may pag angat ng labi si Fukuda kahit maliit lang ay nanguhulugan na natuwa rin sya sa nasaksihan. Naputol naman ang ingay ng boys ng bumukas ang sliding door at niluwal si Hikoichi na hingal na hingal
"Guys... nasa elevator na sila..."
"Uy, dali umayos na kayo..."
"Linisin mo yan Sakuragi!!"Nagtulong tulong ang boys sa pag aayos maliban kay Rukawa na umupo na agad pagkatapos magsalita ni Hikoichi. Sumama naman ang timpla ni Sakuragi "Napakatamad talaga nitong si Kitsune" bulong nya. Agad na hinatak ni Hasegawa ang likod ng kwelyo ng damit ng kaibigan para paupuin "Haha, sorry na Sakuragi. Niligtas lang kita sa sermon ng mga Jin... or want mo ang wrath ni Goro-jii??". Animo maamong tupa ang pula ang buhok na umiling. Bago pa magawa magkasiyahan ng boys dumating na nga ang hinihintay nila kasama ang panauhin nila ngayon araw
"Let's start...." tipid na turan ng seryosong boses
Nagkatinginan naman ang boys, agad na tumayo ang naatasan na mag present ng unang bahagi ng agenda ngayon araw. Sa kanilang mga isip wala ng paliwanag na kailangan pa, nakuha nila ang nais ipahiwatig kailangan nila magseryoso kahit sa pagkakataon lang na ito.
Nasa meeting ang pamilya Jin, kasama ang mga katrabaho ng anak at nakikipag usap sa model at agency nito. May malapit na ilabas na publiko na collection ngunit hanggang ngayon hindi pa tapos at wala pa rin final designs na nagagawa ang concept team. Tahimik lang ang model nila at hinahayaan makipag usap ang manager nya para sa kanya. Prinisent ni Hikoichi Aida ang draft designs para sa collection ngayon season,
Mabusising ipinaliwanag ang lahat ng may kinalaman sa collection, mula sa uri ng tela na gagamitin hanggang sa inspirasyon sa likod ng pagpili ng mga materyales - prints and textured and color schemes. Kasabay ng pagpapaliwanag ay pinapakita sa tv screen ang mga larawan para mas maunawaan at mabuo ang larawan sa isip ng mga nasa meeting ang kalabasan ng mga damit para sa collection.
Planado na ang lugar kung saan gaganapin ang photoshoot, pinag usapan na rin ang isa pang plano na pagkaroon ng runway show kapag natapos ang collection. Ito ay pinag iisipan maigi ng kumpanya dahil aminado sila na malaking tulong ito para sa marketing at advertisement. Gayun pa man, matinding plano at maraming oras ang kinakailangan para dito dahil sa posibilidad na malaking pondo rin ang kailangan para maisakatuparan ito. "No final decision yet for this matter" paliwanag ng nag present. Nag take down notes naman ang naatasan na secretary para sa meeting na mag encode mamaya ng minutes of the meeting and verbatim transcription para sa documentation. Si Kiyota ang naatasan na photographer para sa araw na ito, kailangan nya kunan ang ilan kaganapan para rin sa documentation purposes.