Nasa bahay si Olivia ngunit iniisip nya ang pinag usapan nila ng kanyang Gori-jiichan. Gusto nya tumulong sa problemang kinakaharap ng Style Palette kaya lang hindi nya maiwasan hindi mag alala sa muli nila pagkikita ng dati nyang fiance "Its been 4 years... wala na dapat yun Oli... hindi ka dapat kabahan" pep talk nya sa sarili, "isipin mo na lang si Goro-jii... di;ba sabi mo naka move on ka na.. Kaya dapat wala na sayo yon..." walang concentration ang dalaga kaya naman aksidente natusok sya ng karayom na gamit nya "Aray!", dali dali nya sinubo ang nasugatang daliri para sipsipin ang dugo. Si Lucas, narinig ang pagdaing ng tiyahin ay mabilis rin iniwan ang laruan para puntahan ito "Tita Mommy are you okay?" tipid na ngumiti si Olivia para hindi mag alala ang pamangkin habang nakakagat sa daliri. Ngunit si Lucas ay naging matalas ang pakiramdam sa pagkakataon na ito; kinuha sa ilalim ng tv rack ang first aid kit nila "linisin po ang boo boo and lagyan natin ng band aid".
Natawa bahagya ang dalaga sa sinabi ng alaga "Gusto mo ipagamit kay Tita ang doraemon bandaid?" ngumiti si Lucas "Hehe, Tita gusto ko na rin po ihulog sa tindahan para may coupon po ako.. Yung sa toy po na prize". Naalala ni Olivia na may papremyo ang isang palabas sa tv na kailangan mo ibigay sa mga tindahan ang plastic wrapper ng kahit anong gamit na may drawing ng mukha ni doraemon kapalit ang coupons para sa raffle "Ay oo nga pala noh.. Sige sa susunod ipalit na natin sa coupons yan.. Dadagdagan pa ni Tita".
Sumingkit ang mata ni Lucas sa pagngiti, pinabalik na ni Olivia sa paglalaro ang pamangkin habang nilinis nya ang sariling sugat, pumunta muna sya sa lababo para linisin ito gamit ang tubig at sabon bago pinatuyo, maya maya ay nilagyan na nya ng ointment ito bago ang doraemon plaster. Ang pinaglagyan na plastic wrapper ay nilagay nya sa maliit na kahon na nasa itaas ng ref, dito nila iniipon ni Lucas ang mga wrappers para iwasan ang pagkawala nito.
Bumalik na sya sa sofa at pinagpatuloy ang pag lagay ng mga beads sa wedding gown ni Sayuri. Sa tansya nya ay aabutin pa ng tatlong linggo hanggang isang buwan para matapos ang lahat ng beadworks. Sa ngayon, naka tatlong araw pa lang sya sa paglalagay ng mga beads kaya hindi pa makita ang ganda ng gown ngunit sigurado sya na pagnatapos nya ay tiyak na maganda ito
"OLI!!!! BUKAS BA ITONG DOOR PAPASOK NA AKO"
Rinig ng dalawa ang malakas na boses mula sa labas. Nagkatinginan ang mag tiyahin, sa isip ni Olivia ay sino kaya ang tao sa labas at ano ang pakay sa kanya. Sa sobrang abala ng dalaga ay hindi nya na nabosesan ang kaibigan; hinihintay ni Lucas na tumugon ang kanyang 'tita mommy' ngunit hindi ito nangyari. Bagkus ang atensyon nito ay tinuon muli sa pananahi, nag kibit balikat ang bata at bumalik sa pag drawing syempre sumagot din sya ng "OPO" dahil kilala nya na ang Tita Allie nya ang nasa labas.
(BLAAAG!!!)
Malakas ang pagbukas ng sliding door ng bahay. Napairap mula sa kinauupuan si Olivia kung gaano na lang bumaldig ang pintuan sa kabilang pader bago unti unti nagpadulas muli hanggang sa kalahati ang bukas ng pintuan. "Amasona talaga tong bruha na 'to" bulong nya sa sarili, nagpasalamat din sya na kahit ilan beses na ganon ang pagbukas ng kaibigan sa pintuan nila ay hindi pa ito nasisira.
"Hello Beb... how many times do I have to tell you na konting ingat sa pag-open ng door..." exasperated na wika ni Olivia(Parang wala narinig ang kausap kaya patuloy sa pag litanya ang dalaga)
"....mabuti at sturdy plus quality ang fixtures dito nila Ma'am... kung nagkataon ilan beses
na ikaw sisingilin no'n.." ang tinutukoy ng dalaga ay ang may ari ng bahay na inuupuahan nya
"Hi Gurl!!! Look, I brought something... Lucas!!" magiliw na bati ni Allen at tinaas ang dalawang kamay na pareho may dala na paper bags
Tumayo ang bata mula sa pagkasalampak sa sahig at mabilis na nilapitan ang isa pang tiyahin "Hi Tita Allie..." bahagya yumuko ang dalaga para makapaglapat ng halik sa pisngi ang tinuturing din nyang pamangkin. Ito ang nakasanayan nilang pagbati na nakita ni Olivia na napairap na naman muli "kapag kay Tita Mommy ayaw magpakiss sa pisngi... or ako yung ikiss ayaw din.. Tss..." iritableng mumble nito sa sarili. Animo kontrabida sa pelikula si Allen kung makatawa, paano kahit hindi nya tanungin, alam nya ang tumatakbo sa isip ng kaibigan. Napakamot ulo naman si Lucas sa bigla pagtawa ng katabi na kakaiba.
"Dear, can you carry these sa dining table? There are light weight lang" mahina tinapik ni Allen ang ulo ng bata
"Okay po!"