Chapter 8

26 1 0
                                    

          Dumating ang sumunod na linggo, araw ng Lunes, wala pasok ang DayCare para bigyan ng panahon makapag pahinga ang mga bata mula sa field trip nila. Napag usapan nina Allen at Olivia na kinabukasan ay kakausapin nila ang mga magulang ni Meya pa tungkol sa insidente na nangyari at hihingi rin sila ng paumanhin "Mabuti na lang natagpuan sila ni Koshino" wika ni Olivia habang sinasamsam ang mga malibag na damit ni Lucas, gumawi ang tingin nya sa tinuturing na pamangkin, nilapitan nya ito at dahan dahan inayos ang kumot. Hinaplos nya rin ang buhok nito "Hindi alam ni Tita Mommy kung ano gagawin kung nawala ka, Lucas" kinakausap nya ang bata kahit mahimbing pa natutulog ito. Pagkatapos ay tumayo sya at umalis sa kwarto at nag tungo sa laundry area. Alas siyete pa lang ng umaga, tulog pa rin si Lucas, hindi na minarapat ni Olivia na gisingin ito, kilala nya ang bata na antukin at paborito ang matulog bukod sa mga bituin.

          Nilalagay ng dalaga ang mga damit ni Lucas sa washing machine para linisin muna ito gamit ang tubig bago labhan gamit ang detergent soap, "Ouch" wika ni Olivia ng matusok ang kanyang daliri, kinuha nya ang bagay sa loob ng hamper at nakita ang name tag pinagmasdan nya ito hindi nya inasahan na name tag ni Meyah ang makita nya. Inisip na lamang nya na baka nahulog na naman ang name tag habang magkasama ang dalawa, hindi pa marunong ang mga bata sa DayCare bumasa nang matatas kaya ito ang naisip nya na rason. Sinecure ni Olivia ang name tag at itinabi, tinuloy nya ang paglalagay ng damit, de color muna ang inuna nya. Binabad pa nya sa tubig ang mga puting damit maging ang polo uniform ni Lucas. Hinayaan nya ito mag spin sa washing machine for 15 minutes. Habang nag hintay ay sinimulan na nya ang paggawa ng padron sa wedding gown ni Sayuri.

         Sinantabi muna nya ang mga nakalagay sa lamesa at sinigurado na flat at walang bumps ang ibabaw ng lamesa. Nilatag nya ang manila paper, kinuha ang measurement ni Sayuri na sinulat nya noon sa isang kwaderno at sinimulan ang paggawa ng padron. Inuna nya ang upper part ng wedding gown, saglit lang ay natapos na nya ito, inabot naman sya ng 10 minutes sa pagguhit sa manila paper sa iba pang parte ng gown. Pinatungan nya ng permanent marker ang mga drinawing na sukat. Maingat ang pag gupit nya sa manila paper, sinigurado na hindi sasayad ang gunting sa mismong marka para hindi masira ang padron. Tinapon ng dalaga ang excess na manila paper at tiniklop ang nagawang padron. Nilagay nya ito sa loob ng isang folder. Binalik ni Olivia sa orihinal na ayos ang hapag kainan. Nireheat ang hinanda agahan, hinayaan nya malabhan ang mga damit ng pamagkin gamit ang automatic washing machine. Umakyat ulit sya sa kwarto ni Lucas para ginising ito "Good morning Lucas, wake up na.. 12 hours ka na hindi kumakain simula kagabi... Naghanda ako ng favorite mo". Tumayo naman agad si Lucas at niyakap si Olivia "Good morning Tita Mommy... Antok pa po ako, pero kain na me".

          Tumawa si Olivia ng makita na nag rub pa ng eyes si Lucas at nakapikit "Okay... Maghilamos ka muna and bumaba ka na para makakain na tayo". Nag nod lang ang bata, bumalik naman ang dalaga sa laundry area at sinamsam ang mga nilabhan na damit. Nilagay nya iyon sa hamper at ang hamper naman ay nilagay nya sa gilid ng sofa. 10 minutes ay bumaba na si Lucas, nakapaghain na rin si Olivia, binigay nya ang milk sa pamangkin, brewed coffee naman ang para sa kanya. Pagkakain ay hinugasan ng dalaga ang pinagkainan nila, tinulungan sya ng pamangkin sa pamamagitan ng pagpunas sa mga baso at pinggan bago ilagay sa dish rack.

           Dahil bata pa si Lucas, tanging mga pinggan at baso na gawa sa plastic ang hinahayaan ni Olivia na hawakan ng pamangkin. Natatakot sya na baka may pagkakataon na aksidente dumulas ang mga ito sa kamay ng bata na magdulot ng pagkasugat. Habang bata pa lang ay sinasanay na ni Olivia sa gawain bahay si Lucas, hindi naman nya pinapagawa ito ng mahihirap na task, pagtulong maghugas ng pinggan at magligpit ng hinigaan lang ang ginagawa ni Lucas.

            Kanina sa kalagitnaan ng pagkain ay tumunog ang washing machine, indikasyon na tapos na ang paglalaba at tuyo na rin ang de color na mga damit ni Lucas. Nagtungo si Olivia sa sofa bitbit ang mga damit na simamsam nya kanina at sinimulan tiklupin ang mga ito. Si Lucas naman ay naka upo sa sahig at nag kukulay sa coloring book, "Lucas... gusto mo ba samahan ngayon si Tita sa bayan, ipatabas ko yung tela sa tatahiin ko". Tumigil ang bata sa ginagawa nya, "Sige po... pero pwede mamaya na po.. May Doreamon po ngayon panoorin ko". Nag nod ang dalaga at pinagpatuloy ang pagtiklop ng mga damit, kabisado ni Lucas ang oras ini- air ang Doraemon, "After watching Doraemon, you take a bath na neh?? Ang asim mo na". Inamoy naman ni Lucas ang kanyang sarili -- ang kanyang kili kili "Smelly na ba Auntie? Okay". "Haha.. yes baby, turn on the tv Doraemon na" tugon ni Olivia. Binuksan nga ni Lucas at nilipat sa channel na pinapalabas si Doraemon, si Olivia naman ay iniwan ang pamangkin at dinala sa taas ang mga damit ng bata, kinuha nya ang damit na pang alis ng pamangkin at nagtungo sa banyo malapit sa kusina. Hinanda na nya ang pampaligo ni Lucas, nang natapos ang palabas pinatay ng bata ang tv at nagpunta na sa banyo.

Mixed SignalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon