Chapter 2

39 3 0
                                    

          Sa hall kung saan gaganapin ang wedding, nandito na ang pamilya Jin at mga kaibigan nila, maging ilan staff nila sa kumpanya. Nagtataka naman ang lahat dahil wala pa ang bride to be. Si Soichiro ay panay tingin sa orasan. May babae na lumapit sa kanya na binigyan s'ya ng ngiti.


 "Excited for our surprise?" tanong ni Cleo
"Ye...s" utal na sagot ni Jin

"Wait... nag aalangan ka ba? I knew it... You love her na"
"What are you saying... Kinakabahan lang ako" pagtanggi ng binata

"Good to hear... After this, we can be together forever... Love" excited si Cleo sa mangyayari ngayon


          Tumahimik ang lahat ng bumukas ang pinto, nakita nila ang pagdating ng magulang ng groom to be kasama ang mga kaibigan nito. Hinanap naman ng mata ni Soichiro si Olivia nagtataka sya kung bakit hindi nila kasama ang dalaga. Hindi naman inasahan ng binata na sasampalin ng ina si Cleo. Napahawak ang dalaga sa kanyang pisngi "Tita... why?" nagtataka siya kung bakit sya pinagbuhatan ng kamay ng nanay ng boyfriend. Inirapan naman ni Misumi ang kaharap nya "You may fool my son, but you can't fool me" wika nya. Nagpanggap naman na walang alam sa nangyayari si Cleo, lumapit ang magulang ng dalaga sa kanila.


"Misumi... may ginawa ba ang anak ko?" malumanay na tanong ng nanay ng dalaga
"Yes... " tipid na paliwanag ni Misumi

"Baka misunderstanding lang ang lahat" pagtanggol naman ng ama ng dalaga
"You, over there, you play what's inside of this" mataray ang pagkakasabi ni Misumi


            Mabilis naman kinuha ng staff ang flash drive at kinabit sa laptop, may file sya na nakita na may title na "Play me" tinurn on nya ang projector at pinindot ang play button. Gasps are heard from the crowd ng makita si Goro Jin ang grandfather at Chairman ng company ng pamilya Jin, "Magandang tanghali sa inyong lahat... gusto ko lang magpasalamat sa mga tao na nagpunta para sa okasyon ngayon araw, ngunit isang paumanhin rin ang aking nais iparating.. My grandson, Soichiro and her fiance Olivia Ysobel will not be married today" wala naman nagsasalita, tuwang tuwa naman si Cleo sa narinig nya. 

           Nag bow si Goro as a sign of apology at umayos muli ng tayo "Para sa apo ko na si Soichiro, anong klase ka lalake para itrato na ganun si Olivia... I knew everything grandson... That's the reason why I want you to marry Olivia... Hindi kayo bagay ng manipulative and plagiarist na si Cleo... Alam mo ba na niloloko ka nya all this time just like how you are deceiving Olivia? Hindi si Cleo ang gumawa ng designs ng collection for this season... Gawa ito ni Olivia, she stole someone's work... and that's not all, do you know kung sinong dahilan kung bakit buhay ka pa?... Kung bakit nakakatayo ka pa? Tell me, did Cleo tell you that she's the one who saved you? All of that were all lies..." kinakabahan naman si Soichiro sa bawat salita na binitawan ng kanyang lolo, tumingin sya kay Cleo ay nakita na kinakabahan din ito.

               "Olivia is the one who saved you... Wala kami mahanap na donor... Lahat na ng ospital nilapitan namin pero wala kami makuha.. We are desperate to save you, nakita niya na nawawalan na kami ng pag asa, that's why she volunteered.. If you need proof, go to the hospital and check the records.. Ungrateful grandson of mine. And for you Cleo Nakamura hope you are happy with what you have done.. Once again, on behalf of all of us, I am apologizing for this inconvenience we have caused...." namatay na ang video, tahimik pa rin ang lahat. Hindi makapagsalita si Soichiro, hinawakan naman ni Cleo ang braso ng binata


"Soichiro... that's not true" pagtanggi ni Cleo
"Are you saying that my Father is a liar?" seryosong tono ni Hachiro

"Dear.. please be honest tell us the truth" pag encourage ng nanay ni Cleo
"Of course not... May misunderstanding lang po, Tito... Mom, Dad" pag assure ni Cleo

"Plagiarist ka naman talaga Cleo Nakamura" sigaw ng mga staff sa layout department na dating part si Olivia


           Tumingin naman sila lahat kung sino ang sumigaw, kasama nila si Koshino at Fukuda "Sir, paki play po ito" inabot ni Kiyota ang isa rin flashdrive mula sa katrabaho ni Olivia. Pinanood ng lahat si Cleo na pumunta sa cubicle ni Olivia at kinuha ang mga sketches ng mga design para sa collection ngayon season, nakita rin nila ang iba't ibang instances ng pag torment ni Cleo sa dalaga. May video clip na kung saan nagpalipas ng gabi si Olivia sa opisina para lang ayusin ang mga na-corrupt na files maging sa pag dikit dikit ng putol putol na sketches. Napalunok naman si Cleo dahil na corner na sya "Hindi ako yan, edited ang video na yan" pagtanggi nya. Nainis naman ang mga taga layout team.


"Sinungaling ka.. Ninakaw mo mga gawa namin, madalas kay Ma'am Olivia"
"Sinisiraan mo pa sya sa ibang empleyado pero walang naniniwala sayo"
"Si Ma'am Olivia nga yung pumalit sayo para lang matuloy yung photoshoot last month dahil bigla ka nawala"

"Sir Julius, may isa pang clip dyan paki play rin po"


        Ginawa naman ito ng nag operate ng projector, pinapakita ng video ang pagtawag ng mga taga layout team kay Olivia at pagsama ng dalaga sa kanila. Pumunta sila sa cctv room at pinapanood nila ang pag uusap ni Cleo, Soichiro at mga kaibigan ng binata tungkol sa planong pamamahiya kay Olivia para ngayon araw. May malungkot na ngiti naman si Olivia, narinig nila na sinabi ng dalaga na alam nya ang mga ito at nagpasalamat sa pagbibigay warning sa kanya, tinanong ng mga ito ang kanilang boss kung ano gagawin at nakinig naman ang lahat sa sinabi ng kanilang supervisor. May nilabas na envelope si Olivia "Sayuri... ito... please ibigay nyo na lang kay Sir Hachiro or kay Koshino-san". Tinanggap ito ng babae at nag nod. Nag share ng group hug ang mga ito at lumabas ng room. Natapos na ang video.


            "Sir Hachiro, ito po yung evidences na hinanda ni Ma'am Olivia" binigay ni Sayuri ang envelope at binigyan ng masamang tingin si Cleo. Binuksan naman agad ni Hachiro ang laman ng envelope, tinignan ng maigi ang mga ito. "Tama na ang kasinungalingan mo Cleo. John look at these" tinanggap naman ni John ang mga documents na binigay ng kaibigan hindi nya maiwasan madisappoint sa anak.


"Cleo... how could you do this"
"Dad... hindi ako yan"

"Anak, huwag mo na itanggi pa.. Tell us the truth"
"Hindi nga ako yan"


            Hindi na nakapagtimpi pa si John at hinawakan ang palapulsuhan ng anak, nag bow sya sa mga kaibigan "Hachiro... Misumi, I'm very sorry what my daughter did.. I have no idea on all of these". Umiiyak pa rin si Misumi, "Misumi, I'm sorry... pagsasabihan ko ang anak ko" paghingi ng paumanhin ni Clara, mother ni Cleo. Inalis ng dalaga ang pagkakahawak ng ama sa kanyang palapulsuhan at humarap kay Soichiro..


 "Love... you believe in me right... You still love me" may desperation sa boses ni Cleo
"Cleo... tama na, tell us the truth... Bakit ka nag sinungaling... Ninakaw mo ang works ni
Oli" wika ni Jin

"Wala na nga yung babae na yan, sya pa rin hinahanap nyo... mo... Hindi nga ako nagnakaw, sinisiraan lang ako ng babae na yon at kinutsaba nya pa sila.. Nasan ba yung video na hinanda ko para sa kanya, nag fabricate lang yun ng story, she's a user " pag
bintang ni Cleo

"Sinira namin, dahil hindi yun totoo" comment ni Kiyota


             Nagkatinginan naman ang mga kaibigan ni Soichiro bago tumingin kay Kiyota. Umiwas lang tingin ang binata sa kanila. Nainis naman si Cleo sa narinig nya "Mga pakialamero kayo. Pinagkakaisahan nyo ako. Daddy sue them" spoiled na pagkakasabi ng dalaga. Nainis naman ang lahat sa kinikilos ni Cleo. "So all of those mentioned earlier are true" realization ni Soichiro, "Cleo... sabi mo, ikaw ang naging donor ko... bakit ka nagsinungaling". Mas lalo nainis si Cleo sa narinig nya, "Does it matter?" mataray na pagkakasabi nito. "Yes it does" tugon ni Soichiro na mababakas ang galit sa boses. Mag sosorry sana si Cleo ng bumukas muli ang pinto at humahangos si Dave na sugat sugat.


"Dave... what happened, nasaan si Olivia" nag aalalang tanong ni Hachiro
"Sir... na aksidente kami kanina ni Oli-chan, papunta kay Sir Goro..." paliwanag ni Dave

"Wh...at.... Where is she... Where is Oli?" hysteria na tanong ni Misumi
"Sinakay po nila sa ambulance nauna na po sa hospital, inaantay lang po ako ng rescue team sa baba"

"Oh... Olivia..." umiiyak na si Misumi


         Nagpasya ang mag asawa na sumama kay Dave, "Kicchou, Kiyota pigilan nyo ang anak ko kung gusto man nya sumunod sa amin. Ayaw ko makita nya si Olivia" at umalis na sila ng hall, hindi naman makagalaw si Soichiro sa mga nalaman nya ngayon araw. Natuwa naman si Cleo sa narinig "Hay salamat, wala na si Olivia. Good riddance" comment nya. Narinig naman ng binata ang sinabi ng dalaga at iconfront nya pero may nauna sa kanya.


PAK


          For the second time of the day, nakatikim ng sampal si Cleo, "Mom...". Disappointment and anger ang nararamdaman ni Clara para sa anak "Cleo... what happened to you... hindi ka namin pinalaki ng ganyan... Mag sorry ka dapat sa mga pinagkamalian mo at hindi ka dapat nananalangin ng kapahamakan ng iba". Umirap naman si Cleo, "Why should I... deserve naman ni Olivia yun at least magkakasama na kami ni Soichiro at wala ng epal". Nagsisi si Soichiro kung bakit sya naniwala kay Cleo. Hindi rin nakatiis ang ama ni Cleo na si John "That's it.. I had enough of your spoiled brat attitude, Cleo Nakamura... Babalik ka na ng US and you are staying there for good"... Nag wala naman si Cleo sa narinig nya, hindi sya pinansin kaagad ng mga magulang nya. Nag sorry ang mag asawa sa mga naabala ng kanilang anak "Soichiro, pakisabi sa parents mo we are really sorry" wika ni John at umalis na silang mag anak.


           Lumapit naman ang mga kaibigan ni Soichiro sa kanya, tinignan ng masama ni Sakuragi sina Kiyota, Fukuda at Koshino, "Bakit nyo nilaglag si Jin" wika nya. Nainis naman si Koshino sa sinabi ni Sakuragi, "Wala ako pakialam kung hindi na tayo magkaibigan after this pero hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko, alam ko na ginawa ko ang tama". "Magkaibigan tayo oo.. Jin, highschool palang best of friends na tayo pero hindi ko na kaya ang ginagawa nyo kay Olivia..." inaddress nya ang mga kaibigan "Kayo, may mga nanay at kamag anak kayo babae, buti nakakaya ng kunsensya nyo pinagagagawa nyo kay Olivia... Sayo naman Jin... hindi itong Jin na to ang nakilala ko" upset si Kiyota sa ugali na mayroon ang kaibigan ngayon. Nagkalakas naman ng loob si Soichiro na magsalita, "Please, dalhin nyo ako kung nasaan si Oli... please" pagmamakaawa nya.


             Umiling naman ang tatlo "Para saan pa.. Sapat na na nasaktan mo... natin si Oli... besides ayaw mo nun, si Olivia na mismo ang umatras meaning ibibigay sayo ni Goro-jii yung napagkasunduan.. Ayun naman ang gusto mo di'ba" paliwanag ni Fukuda... Umiling si Soichiro "No... hindi... I want to talk to Oli... I need her" naiiyak na sya. May narealize naman ang mga kasabwat ng binata sa kaibigan nila, genuine at nararamdaman nila na seryoso ito. Narinig ng boys ang pagtunog ng cellphone ni Sayuri, at lumapit ang dalaga sa kanila "Sir Koshino... number po ni Ma'am Olivia pero doctor po yung nasa line". Kukunin ni Soichiro ang phone ngunit inunahan sya ni Koshino. Pinagmasdan ng lahat ang samu't sari reaksyon sa mukha ni Koshino, maya maya nag paalam na ito sa phone. Nagkatinginan naman sina Fukuda, Kiyota at Koshino, nag nod ang dalawa. "Pumunta ka na hospital... kami na bahala dito" pag assure ni Kiyota.


             Tumalikod ang ang binata at kinausap ang mga staff ni Olivia "Gusto nyo ba sumama sa akin?". Nagkatinginan ang girls ngunit umiling sila, "Sir.. paki update nyo na lang po kami sa kalagayan ni Ma'am.... Ipagdarasal namin na maging okay po siya" pag voiceout ni Sayuri ng concern ng lahat. Nag nod naman si Koshino at umalis na, hahabulin sya ni Soichiro ngunit pinigilan sya ni Fukuda at Kiyota. "Bakit nyo ako inaawat... Kailangan ako ni Olivia" pagmamakaawa ng binata. "Hindi ka pwede umalis dito, bilin ni Uncle Hachiro" tipid na paliwanag ni Fukuda. "Saan hospital naka admit si Olivia" tanong ni Soichiro. "Hindi ko alam, at kung alam ko hindi ko rin sasabihin sayo" pagmamatigas ni Kiyota. Hindi na nakapagtimpi pa si Soichiro at sinuntok ang kaibigan, hindi gumanti si Kiyota. Inawat naman ng boys ang kaibigan nila ngunit parang wala ito naririnig.


           "TIGILAN NYO YAN" authoritative voice ang narinig ng lahat, nakita nila ang lola ni Soichiro. "Chiyo-obaachan" bati ng lahat. Walang reaksyon ang dumating at naglakad papalapit sa nagkukumpulan "Soichiro, bitawan mo si Kiyota" utos ni Chiyo. Ginawa naman ng binata ito, tinulungan ni Fukuda makatayo si Kiyota. Tinignan ng masama ni Chiyo ang boys maliban kay Fukuda at Kiyota. "Kayong lahat, sumama kayo sa akin.. Uuwi na tayo". Wala naman nagawa ang mga ito kung hindi sumunod lang, "Kiyota, Kicchou sundan nyo na si Koshino.. Kaya ko na to". Nag bow ang dalawa at umalis na rin ng hall. Tinawag ni Chiyo ang mga body guards na kasama nya "You (all) and I will having a long talk... sundan nyo sila. At kung malaman ko na hindi kayo susunod sa akin, you will face my wrath.. Is that clear". Nag gulp naman ang boys "Ha..i.. Obaachan". Pinauwi na rin ni Chiyo ang mga kamag anak nila sa compound maging mga bisita nila.

"Soichiro... after we talk, I will decide if I should give you the hand written Oli prepared for you" wika ni Chiyo at nauna na lumabas ng hall. 

Mixed SignalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon