Chapter 7

21 2 0
                                    

               "Mag dasal muna tayo bago kumain" wika ni Allen. Si Olivia ang nag lead ng prayer, "Amen" sabay sabay na wika ng lahat. Inasikaso ng dalawa ang mga bata bago kumain, "Manong, huwag po kayo mahiya sa amin.. Kain pa po kayo" paalala ni Olivia. "Kung gusto nyo po sumama sa amin dito mamasyal wala po problema" pag anyaya ni Allen. Nagpasalamat naman ang driver at nagkukwentuhan na ang mga adults, sinabi ng driver na may apo sya na mahilig din sa mga stars. Hindi namalayan ng tatlo na nahulog ang name tag nina Meyah at Lucas dahil nag lalaro ang dalawa, "Teacher Allie, sina Meyah at Lucas nahulog yung name plate" pagsumbong ni Clark. Kinuha ng dalawa ang name plate nila at binigay sa teacher, kinabit muli ni Allen ang mga ito sa uniform nina Lucas at Meyah, hindi nya napansin na nagkapalit ang paglagay nya ng tag, ang kay Lucas ay nakay Meyah at ang nakay Meyah naman ang para kay Lucas.


          After lunch ay inasistehan ng mga guro na makapunta sa restroom ang mga bata. Si Jamie ang nag volunteer na mag asikaso sa boys para makapunta ng restroom, nagpasalamat naman sina Olivia at Allen. Sinuklayan ni Olivia ang mga batang babae at inayos ang mga hairstyle nila. May katagalan na oras ang ginugol ng dalaga sapagkat iba iba ang ayos ng mga buhok nila, may naka ponytail, ang iba naman ay naka pigtail, braids at headband. Pasimple pinunasan ni Olivia ang pawis sa noo gamit ang kaliwanag braso. Lingid sa kaalalam ng dalaga pinagmamasdan sya ng mga batang babae sa kanyang ginagawa


"Buti pa si Teacher Oli, maganda ang ayos sa hair ko..."
"Sa akin din..."

"Me too..."
"Si Okaasan hindi marunong kaya hairclip or headband lang ang ayos ng buhok ko..."


"Kapag si Papa nag ayos sa akin nagagalit si Mommy..."
"Bakit?"

"Kasi hindi daw pantay ang pigtail ko"


          Iniangat ni Cassandra ang suot nyang id at tinuro ang picture nya. Lumapit naman ang mga kaklase ng bata, pinagmasdan ang larawan bago gumawi muli ang tingin kay Cassandra "Oo nga...". Kita nilang lahat na mas mataas ang tali o ponytail ng buhok ni Cassandra sa kaliwa, samantala ang kanan bungkos ng buhok ay masyado mababa. Kahit na gano'n ay abot tenga ang ngiti ng kaibigan nila sa id picture  "May loose teeth ka pa dito, Cassandra hehe" puna ni Jewel na tinuro ang right front teeth nya sa mga kaklase. May paghagikgik ang mga bata, maya maya nagkilitian pa ang mga ito. Ito naman ang pumukaw sa atensyon ni Olivia "Hmm... ano pinaguusapan nyo". Pinagmasdan lang ng dalaga ang sabay sabay na pag iling ng ulo ng mga ito "Kaloka sabay sabay sila... ano toh kala mo dance crew eh". Pinagkibit balikat na lamang nya ito, mahina tinapik ang balikat ni Dianne ang kakaayos lang nya ng buhok "Kiddos, please fall in line..." sinabi rin nya na nag hihintay na sa kanila si Teacher Allen.


          Pinulbusan ni Olivia ang mukha ng mga bata, pagkatapos ay pinuntahan na nila ang mga kasama, inabot nya ang baby powder sa katrabaho. Si Allen ay nagpabatid ng pasasalamat

"Boys... umayos muna kayo neh?... lagyan kayo ni Teacher ng powder sa likod"
"Hai!!!"


         Tumigil sa paghahabulan ang mga batang lalaki at agad na ginawa ang pwesto na tinuro sa kanila ng mga guro. Ang mga braso ay naka unat sa kanilang unahan, para magkaron ng distansya sa isa't isa. Pinagmasdan lang nina Dawn, Jaime at ni Manong Driver kung paano na lang asikasuhin ng dalawang guro ang mga toddler. Bilib ang tatlo sa pasensya na mayroon ang dalaga dahil sa kakulitan ng mga ito. May mga namamasyal din sa museum na hindi nakatiis at pasimple kinunan ng larawan ang mga bata. May paghinga ng malalim si Allen


"Ay talaga naman ang girls lumapit pa para magpapicture..." hindi namalayan ni Teacher Allen na nakapamewang sya habang nagsalita
"Nakasunod naman po sa kanila si Miss Oli..." pag assure ni Dawn na sa kabila ng kumento ng kausap ay alam na nag aalala sa mga bata


           May pagyuko si Olivia "Pasensya na po kayo Sir... makulit po ang mga bata" humingi sya ng depensa sa nakatatanda, sa palagay nya ay nasa middle age range naglalaro ang edad. Hindi nya tukoy eksakto ngunit sa tingin nya ay either mid-forties to sixties ang edad ng kaharap. Pinagkaguluhan kasi nina Dianne, Cassandra at Meya ang matanda na may hawak ng camera at tinanong ng kung ano ano na hindi rin nya mawari kung paano naisip ng mga bata ang ganong bagay. Ngumiti lang ang matanda "Ayos lang iha... may apo rin ako na ganyan ang edad... Talagang makulit na sila..Hohoho...".


            Ang kaninang parang kiti-kiting mga bata ay bigla natigilan ng marinig ang tawa ng kausap ng kanilang guro, agad na lumapit ang dalawang batang lalake "Si Santa!!!". Matinis na boses ang bumulabog sa tahimik na museum

Mixed SignalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon