"Ambeee!!!!" Bigla akong nagising at napaupo sa kama. Hingal na hingal ako at pawis na pawis.
"Gab, okay ka lang?" Mabilis naman akong nilapitan ni Angge. "Teka ikukuha kita ng tubig." Tumayo ito at mabilis na lumabas at pagbalik niya ay may dala na siyang isang basong malamig na tubig. "Oh ito inumin mo." Naupo ito sa tabi ko at hinimas ang likod ko habang inaalalayan ang nanginginig kong kamay habang umiinom ako ng tubig. "Napanaginipan mo na naman ba siya?"
Mabilis pa rin ang paghinga ko pero medyo kumakalma na ang katawan ko. "Parang totoo Angge. Wala akong nagawa." Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.
Halos araw-araw sa halos walong taon ay hindi nawala sa isip at panaginip ko ang nangyaring iyon. Hindi ko maintindihan kung dahil nga lang ba nakokonsensya ako o may mas malalim pang dahilan na kahit sa sarili ko ay hindi ko maamin at maliwanagan.
"Effective ba talaga yang pinaggagagawa mo? Feeling ko sasabog na yang ulo mo sa sobrang pula ng mukha mo oh!" Nadatnan na naman ako ni Ambe na nakalambitin ng pabaliktad sa monkey bars sa bakuran ng ampunan. Ang mainit niyang hininga ang naramdaman ko kaya minulat ko ang mata ko at halos manipis na papel na lang yata ang namamagitan sa mga mukha namin. I always believed na galing siya sa mayamang pamilya or even from other country. Her eyes was my favorite thing about her. Amber a perfect name for her that described it.
"Ano na naman ba kasi ang pinagmumukmuk mo?" Tanong pa rin nito at nanatili ang pagitan ng mga mukha namin at nakatitig lang siya sa mga mata ko. "Kahit na anong paraan ang gawin mo para lang itago yang mga nararamdaman mo eh bistado pa rin kita GABRIELLE!" Pagdidiin pa nito sa buo kong pangalan. "Maybe this will help." Tuluyan na ngang natunaw ang manipis na papel na nakaharang sa pagitan namin at naramdaman ko ang malambot niyang mga labi sa aking noo. Pakiramdam ko ay lalong namula ang mga mukha ko at sobrang init sa pakiramdam. "Tara na, bumaba ka na diyan. Hoy! Ano ba?" Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at muling naglapit ang mga mukha namin. "Nakakatulala ba talaga yang pagbaliktad mo?"
"Ha?" Iyon lang talaga ang naisagot ko sa kanya.
"Kung ano man ang problema mo, I'm always here for you. Okay?" Nakahawak pa rin siya sa pisngi ko. "Please bumaba ka na diyan." Muli niyang hinalikan ang noo ko.
"O-okay" Nauutal na sagot ko na lang at inabot ko na ang taas ng bar para makakababa.
"Let's go!" Inakbayan niya ako pagkababa ko at nagpatangay na lang ako sa kanya sa paglalakad.
Lumaki akong tahimik lang at palaging sa isang tabi o nakalambitin ng pabaliktad. Kaya madalas tinutukso ako ng ibang bata sa paligid ko. Pero nagbago ang lahat ng dumating si Ambe. Siya ang nagpaikot ng mundo ko.
BINABASA MO ANG
Upside Down
RomanceTotoong bilog ang mundo. Pero hindi tulad ng iniisip ng lahat na "Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim". Kundi gaano man kabilog ang mundo, ang mga tao sa labas nito ay patuloy lang din sa pag-ikot. Kahit na magkalayo ay muling magkakatagpo ang ba...