ANGGE
"WHERE do you think you're going?" Nagulat ako ng biglang may humigit sa akin habang naglalakad ako sa hallway ng ampunan papunta sa kwarto ni Gab. "We need to talk." Dugtong nito at hinigit ako papasok sa may kusina at saka niya sinarado ang pinto.
"Kailangan na niyang malaman ang lahat. Hindi ako makakakapayag na lolokohin mo lang siya." Galit na sigaw ko sa kanya at kahit na mas malaki pa siya sa akin ay tinulak ko siya para makadaan ako palabas ng pinto. Pero mabilis niya akong napigilan.
"Ano bang pinagsasabi mo?" Tanong pa nito sa akin.
"Alam ko na ang sikreto mo."
"Anong sikreto?
"Narinig ko kayo ng kaibigan mo na pinag-uusapan ninyo si Gab."
"About what?" Confused na tanong nito sa akin.
"Akala ko totoong mahal mo siya kaya ako napilitang umalis ng nakita ko rin kung gaano sya kasaya ng makilala ka niya. Yun pala ay niloloko mo lang siya. Gusto mo lang talagang makuha ang loob niya at mabait ka lang sa kanya dahil may kailangan ka."
"Mali ang iniisip mo Angge."
"Ako pa talaga ang mali? Dinig na dinig ko na sinabi ng kaibigan mo na may posibilidad na kapatid mo siya kaya mo gustong mapalapit sa kanya. Hindi mo ba alam na may gusto siya sayo? Masasaktan lang siya kapag nalaman niya ang totoo." Sigaw ko sa kanya..
"Angge, listen to me." Wika nito at hinawakan pa ang magkabila kong kamay. "Masyado ka pang bata para maintindihan ang mga nangyayari. Hindi ko kayang saktan si Gabi dahil mahalaga siya sa akin. Ganun na rin ikaw." Mahinahong paliwanag nito at nabigla ako sa kasunod niyang ginawa. Bigla niya akong inakap ng mahigpit.
"Bitawan mo nga ako." Sigaw ko dito at malakas ko siyang tinulak. Sa lakas ng pagkakatulak ko sa kanya ay tumama siya sa lamesa kung saan nakapatong ang gaserang madalas naming ginamit para magsiga sa likod bahay. Mabilis itong natumba at gumulong hanggang sa tuluyan ng bumagsak at nabasag. Dahil sa puno ito ng gas ay mabilis na kumalat ang apoy. Napatulala lang ako sa kinatatayuan ko at mabilis namang nakatayo si Ambe.
"Angge lumabas ka na at humingi ng tulong." Mabilis niya akong inalalayan at tinulak palabas ng pinto.
Tok-tok! Nagulat ako ng may biglang kumatok sa aking kwarto at nagbalik ang isip ko sa hinaharap. "Honey are you okey? Ilang araw ka ng hindi lumalabas ng kwartong yan."
"I'm okay Mom." Matipid kong tugon dito ng hindi ako tumitinag sa kinahihigaan ko.
"Can I come in?" Tanong pa nito at agad naman akong tumayo para pagbuksan siya ng pinto at bumalik din ako agad sa aking pagkakahiga. "Hon, kailangan mong harapin ang lahat ng ito. Hindi ka pwedeng magtago na lang dito. Ngayon ka mas kailangan ni Gabrielle." Mahinahong pahayag nito na naupo sa gilid ng kama ko at nanatili lang akong natalikod. "Hahayaan mo na lang bang mapunta muli siya kay Amber?" Tanong pa nito saka ako humarap sa kanya at naupo sa kama.
"Mom, sa aming dalawa ni Ambe ako po mas higit na may kasalan kay Gab." Garalgal kong wika dito dahil bago pa lumabas ang mga salita sa bibig ko ay hindi ko na napigilan pang mapaiyak.
"Ginawa mo lang ang sa tingin mo ay tama. Alam nating pareho kung gaano siya nasaktan ng mawala si Ambe at ikaw ang nandun at dumamay sa kanya."
"Na ako rin naman ang naging dahilan ng lahat."
"No baby, walang may gusto ng mga nangyari." Agad akong inakap nito at patuloy lang ako sa aking paghikbi.
"Mom, hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin? Parang walang pwedeng mamgyari na hindi masasaktan si Gab."
"So hahayaan mo na lang na manalo si Amber?"
"Pero mom..."
"Mam, sorry po pero may bisita po sa baba si Mam Angge." Biglang dating ng aming kasambahay at naputol ang aking sasabihin.
"Sige baba na siya pakisabi na lang. Thank you." Si Mommy ang sumagot. "Sige na iha ayusin mo yang sarili mo at babain mo na kung sino man yang bisita mo." Tumayo na ito at tuluyan na akong iniwan.
Iisang tao lang ang alam kong magkakalakas ng loob na puntahan ako dito at siya lang din naman nakakaalam na nandito nga ako. Hindi na ako nag-abala pang mag-ayos. Pinunasan ko lang ang mga luha sa mata ko at agad na rin naman akong bumababa.
"Hindi nga ako nagkamali at ikaw nga yan." Sambit ko agad ng makita ko kung sino nga ba ang naghihintay sa akin. "What brought you here Amber? Tanong ko pa dito at tumayo lang ako sa harapan nito pagkatayo niya sa kinauupuan niya. "Or should I call you ate Ambe?" Pagtataas ko pa ng kilay dito.
"Please Angela hindi ako pumunta dito para makipag-away sayo." Pahinahong sagot lang nito. "I'm here para kay Gabi. Nag-aalala na siya para sayo.
"I'm glad close na ulet kayo. Congratulations! You've won!"
"Walang laro Angela! Hindi trophy o medalya si Gabi na...
"At sayo pa talaga nanggaling yan?" Mabilis kong pinutol ang sasabihin nito.
"Sweety are you sure you're ready for this?"
"Yes Mom! I've planned this so well and I'm pretty sure I will win this. She will be our trophy."
"Don't let that bastard child get what is yours like how her mother got your father!"
"Yes mother! She will deeply fall for me again like how she fell for me 8 years ago. Now it will be legal because next week she will turn 18. And Ang...
"Don't you dare say her name!" Nagulat ako sa napakalas na sigaw nito.
"THAT was you!"
"Ya at dinig na dinig ko ang usapan ninyo ng nanay mo! Napakagaling mong umarte Ambe! Sobra kang nakakabilib! Kahit ako napaniwala mo. Napaniwala mo kong mahalaga kami pareho sa buhay mo. I was so happy ng malaman kong may pamilya pala ako. When you told me na mahalaga sayo si Gab nangako ako sayong di ko siya pababayaan. I kept my word kahit napakahirap na hindi siya mahalin." Hindi ko namalayan na pumapatak n pala ang luba ko.
"But you broke it the night that you kissed her!"
"So kaya ka na nakikipagsagwatan muli sa kontrabidang nanay mo?"
"Wala kang alam Anggge!" Sigaw nito at tinalikuran lang ako!
"Ano? Tatakasan mo na naman ang lahat ng ito?" Habol ko sa kanya at saka ko siya hinigit paharap sa akin. "I won't let you break her again Amber!"
"I'm not doing this to break her."
"Ay oo nga pala. You are doing this to break me!" Kakalokong ngiti ko pa dito.
"FINE!" Malakas na sigaw nito. "This plan is all about you! And Gab was just a collateral damage!"
BINABASA MO ANG
Upside Down
RomanceTotoong bilog ang mundo. Pero hindi tulad ng iniisip ng lahat na "Minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim". Kundi gaano man kabilog ang mundo, ang mga tao sa labas nito ay patuloy lang din sa pag-ikot. Kahit na magkalayo ay muling magkakatagpo ang ba...