PART 9: Spark of Love

39 6 2
                                    

GABRIELLE

MAHIGIT kalahating oras na rin akong nakaupo sa swing na ito ng nag-iisa at nilalaro ko lang ang hawak kong kwintas na bigay sa akin ni Ambe. Linggo na naman kasi at ito ang araw na pinakaayaw ko. Kasi ito ang araw na hindi siya bumibisita. Volunteer lang kasi sila dito ni Ate Olga.

"Guess who?" Nagulat pa ako at biglang may nagtakip ng mga mata ko mula sa likod ko. Hindi ko alam pero biglang may malakas na pagkabog sa dibdib ko. Lalo na ng maamoy ko ang pamilyar na amoy. Hindi ko alam pero para bang di bateryang kusang ngumiti ang mga labi ko.

"Si-sino ka ba?" Nauutal kong tanong at kinapa-kapa ko pa ang mga kamay na nakatakip sa mga mata ko kahit na malakas naman ang kutob ko na kilala ko naman talaga kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon at ng malambot at makinis na mga kamay na iyon.

"Hulaan mo." Nanindig pa ang mga balahibo ko ng maramdaman ko ang mainit na hininga nito sa likod ng tenga ko at pinatong pa nito ang baba niya sa mga balikat ko.

"A-ate Ambe?" Medyo nag-aatubili ko pang tanong at tumingala ako para makita kung sino nga ba siya. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng makumpirma kong siya nga ito.

"Nak's alam na alam ang amoy ka ha!" Nakangiting bungad nito sa akin. "Di ba sabi ko huwag ng ate, parang ang tanda tanda ko naman." Umikot na ito at naupo sa katabing swing.

"Pero mas matan..."

"Oppss! Huwag mo ng ituloy yang sasabihin mo." Bigla niyang diniin ang daliri siya sa mga labi ko para maputol ang mga sasabihin ko. Biglang nag-iniit ang mukha ko.

"What's with the long face anyway?" Pag-iiba pa nito sa usapan. "Namimiss mo ako 'no?" Nakangiting tanong pa nito. At mas lalong umiinit pa ang pakiramdam ko at lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Oyy... nagbublush!" Nangingiting sabi pa nito. At pakiramdam ko ay mas mapula pa sa mga hinog na kamatis ang mukha ko.

Hindi ko rin naman talaga alam kung bakit nga ba ganito kasi ang nararamdaman ko sa tuwing nakakasama o kahit na nakikita ko lang siya. Lalo na kung magkakalapit kaming dalawa. "Ano pa lang ginagawa mo dito?" Pag-iiba ko pa sa usapan at hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"Baket? Ayaw mo ba?" Kunwari pang malungkot ang pagtatanong pa nito. "Sige uuwi na nga ako." Akma pang paalis na ito at tinalikuran na ako.

"Hindi." Mabilis akong tumayo at kinuha ko ang kamay nito.  Nang mga sandaling iyon ay sabay kaming napatingin sa magkahawak naming kamay at saka kami nagkatinginan. Hindi ko mapaliwag pero kakaiba talaga na para bang may kuryengteng dumaloy at para bang huminto ang pag-ikot ng mundo.

"GAB!" Ang pagtawag ni Angge ang nagbalik sa akin sa hinaharap. "Gab hindi ka pa ba tapos?" Kasunod na tanong pa nito at kinakatok ang pinto ng banyo. Halos magdadalawang oras na rin kasi ako dito sa loob. Kung tutuusin kanina pa naman talaga ako tapos maligo. Nagmumuni muni lang ako dito. Kinakabahan pa rin kasi ako para sa Prom na ito. Akala ko nakapaligtas na ko dito eh. Last year naconvince ko si Angge na siya na lang ang pumunta pero this time hindi niya talaga ako tinantanan para mapapayag na samahan siya. Ayaw ko naman talaga pero naguguilty ako. Alam kong dinadaan niya palagi sa biro ang lahat pero hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang totoo niyang nararamdaman sa akin. Kung isip lang naman talaga ang masusunod hinding-hindi ako magdadalawang isip na piliin siya. Mula mga bata pa kami ay mahal na mahal ko na rin naman talaga siya. Hindi nga lang sa inaasahan niya. "Doon na lang ako sa kwarto ng mga bata mag-aayos." Dugsong pa nito.

"Tapos na ko." Binuksan ko na ang pinto at inabutan kong papalabas na ito ng kwarto namin. "Maligo ka na." Utos ko pa dito. "Oh baket dala dala mo yang mga gamit mo? Maglilipat ka na ba ng kwarto?" Taas kilay ko pang pagtatanong dito ng makita kong bitbit nito ang mga gagamitin niya sa prom.

"Mamimiss mo ko 'no?" Nakangiting tanong pa nito.

"Assuming ka na naman Angge! Sige na maligo ka na at mag-aayos na ako baka malate pa tayo." Pagtutulakan ko na dito papalabas ng pinto.

"Oy, excited makadate ako."

"Feeling ha!"

"Sus, ayaw pa kasing aminin."

"Sige na. Bye." Tinulak ko na ito palabas ng pinto at mabilis itong sinara.

"Magpaganda ka ha!" Sigaw pa nito.

Dalawang oras pa ang lumipas at natapos na nga ako sa pagbihis ko at mag-aayos. Alam kong hindi sang-ayon si Angge na isuot ang damit na ito pero may kung ano pa man na bumubulong sa akin na may kakaibang mangyayari ngayong gabi. "Alam kong imposible ang iniisip ko pero pinagdadasal ko na sana totoo nga.   Sana nga ikaw ang nagbalik ng kwintas na ito sa akin." Mahina ko pang kausap sa sarili ko habang sinusuot ko ang kwintas na binigay sa akin ni Ambe. Binigyan ko ng huling sulyap ang sarili ko sa salamin at tuluyan na nga akong lumabas para puntahan si Angge.

"Gemma, nakita mo ba ang ate Angge mo?" Tanong ko sa nakasalubong kong bata.

"Opo Ate Gab, nandun po sa kwarto namin." Sagot lang nito. "Ang ganda-ganda mo po ate Gab." Humahangang dugtong pa nito. "Mukha ka pong prinsesa."

"Naku, nambola pa 'tong batang ito." Hinawakan ko pa ito sa kanyang ulo. "Sige na at pupuntahan ko lang siya.

"ANGGE matagal ka pa ba diyan?" Katok ko sa pinto ng kwarto kung saan andun si Angge. "Let's go malalate na tayo."

"Ok I'm coming! Masyado ka namang excited na makadate ako." Pagbibiro pang sagot nito.

"It's not a DATE!" Pagdidiinan kong sabi dito. "We're just two bestfriend going together at the Prom." Pagtataas ko ng kilay dito kahit na hindi niya ako nakikita. At bigla naman itong nagbukas ng pinto. "Ano? Tititigan mo na lang ba ako? Hoy! Angge!" Kinaway kaway ko pa ang kamay ko sa harapan nito.

"Hindi ko alam si Natalie Portman  pala ang kadate ko." Hirit pa nito na tila natauhan na. 

"Naku Angge, okay na. Napapayag mo na ako sa Prom na ito."

"Shall we?" Nakangiting inalok pa niyo ang kanyang braso para kapitan ko. At nakangiti ko rin namang tinanggap ito at sabay na kaming naglakad papalabas. "Napakaswerte ko talaga at nakapaganda ng kadate ko."

"It's not a date"

"Pagbigyan mo na naman ako."

"Ok fine!"

"Ate Angge nandiyan na po sa labas ang sundo ninyo." Salubong sa amin ni Gemma na tumatakbo papalapit sa amin.

"Aba, may paride ka pa talaga ha. Nakangiting sambit ko dito na tila ng aasar. "Mukha talagang inubos mo na yata lahat ng ipon mo para lang maimpress ako ha."

"Oy si Ate Angge, namumula." Pang-aasar pa ng batang iyon. At kitang-kita ko nga ang pamumula ng mga mukha nito at tila napahiya.

"Humirit ka pa. Sige na pumasok ka na doon." Tulak nito dito papalayo. "Saka hindi pa ko tumatawag ng sasakyan namin." Kunot noong dugsong pa nito.

"Ha? Kaninong sundo ang nasa labas?" Pagtatakang tanong ko rin dito at sabay na ulet kaming naglalad papalabas.

Nadatnan namin sa labas ng aming gate ang nakaparadang itim na limousine at may nakatayong lalaki sa tabi nito na tila driver nito. Pero biglang inagaw ng pansin ko ang hwak nitong mga corsage. White orchids corsage. Papalapit na sana kami ng may biglang lumabas sa sasakyan.

Upside DownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon